Cathya POV
Sabado nga equals walang pasok pero sandimakmak ang mga projects at assignments ang pinapagawa ng mga teachers namin. Nandito ang barkada ngayon sa bahay namin groupings kasi kaya nagtutulungan kaming tapusin to."Cathya nag txt sa akin si K-rezi papunta raw siya dito." sabi ni Ericka habang nagsusulat ng reaction paper namin tungkol sa pinanood naming buhay ni Dr. Jose Rizal. Isa sa project namin sa History.
"Whaaat? Ano naman gagawin nya dito.? Manggugulo lang yon. He's not even part of our group" sagot ko kay Ericka.
"Dadalhan lang daw nya tayo ng pizza dito pupunta kasi daw siya ng province nila" Ericka.
"Na... Wag nalang. gulo lang ang dadalhin nya dito." ako
"Ang oa mo seeess dadalhan na nga tayo ng pizza oh. Hihindian mo pa? Sige Ericka mag reply ka kay Ken sabihin mong magmadali na siyang pumunta dito nagugutom na din ako" Pagsabat ni Thalia. Kahit kailan basta't pagkain na ang pinag-uusapan para talaga siyang globe go lang ng go.
"Oo nga bby para namang hindi kayo mag bebspren yang si Ken kung ituring mo" si Nicole.
"ahhhy! talagang nahawa ka na din sa bebspren2 na yan ha? Sagot ko kay Nicole tinawanan lang nya naman ang sinabi ko. Baliw talaga tong mga bbys ko. Si Thalia grabe gutom na naman daw siya eh kanina lang kumain kami ng cupcakes na gawa ni mama. Ayy nako no wonders naman talaga tong si Thalia.
"O siya. Sige na kayo na panalo ako na ang talo." Sumang-ayon nalang ako sa kanila na papuntahin tong si K-rezi sa amin eh ano pa ba magagawa ko. Majority wins talaga eh:)
"Oh andiyan na pala si Papa Ken oh? Asan na yong puzza na sinasabi mo papa Ken ha?" si Thalia habang kumakain ng cupcakes.
"Anong puzza?. Baliw! Pizza." Sabi ni Nicole sabay batok kay Thalia.
"aaray naman seees! Kitang kumakain ako eh wala ka talagang consideration" Thalia.
"oyy! Gurls wag na kayo magtalo ito na pizza nyo oh!" si K-rezi sabay abot sa mga bbys ko ang pizza na dala nya.
"yyyeeey!! Marameeng thank you Ken" sabay na pagsabi nina Thalia, Nicole at Ericka. Hindi na ako nakisaling kumain sa kanila uunahin ko tong proj. na ginagawa ko eh kasi pag natigilan ko ito mawawalan na ako sa gana na balikan ang paggawa.
"oyy! Bebspren kumain ka muna masyado ka namang seryoso diyan eh sa susunod na linggo pa naman yan e-su-submit ah!" Si K-rezi. Naku! ayan na naman ang lalaking asurot. Guguluhin na naman ako nito panigurado!
"Wag kang magulo! Ayaw ko sa pizza mo pati sayo ayaw ko kaya umalis ka na punta ka na don sa probinsya nyo. Pwede na ring huwag ka nang bumalik" Sagot ko sa kanya. Ang sama kong besspren noh?. Okay lang yan. Si K-rezi lang naman yan eh! Hindi na yan magtatampo. Sanay na yan! :)
"Araayy! Sakit mo naman magsalita. Eh kung hindi na ako babalik wala ka ng KNIGHT IN THE NIGHT:)" si K'Rezi
"Okay lang. Kaya ko na ang sarili ko. I don't need someone like you." ako.
"okay!" sagot ni K-rezi sa akin sabay tayo at pumunta sa mga bbys ko do'n sa kusina ando'n kasi sila kumakain. Okay lang? Waaaa.. Anong nangyari do'n. Nagtatampo kaya yong makulit na kumag na yon. Anak ng pagong naman oh! matatablan pa pala siya nyan.
"Mauna na ako sa inyo girls may importante pa akong lakad ngayon eh!" Pagpapaalam ni K-rezi nina Thalia, Nicole at Ericka. Nadidinig lang kasi ang boses nya dito sa sala mula do'n sa kusina hindi naman kasi kalakihan tong bahay namin.
"Sa'n ba punta mo Ken eh kadadating mo lang ah.. Aalis ka na agad-agad?
Pagtatanong ni Nicole."Sa province lang namin." tipid na sagot ni K-rezi