Cathya's POV
"Cathya... Puntahan na natin sila sa canteen kumakain nadaw sila ng lunch wala na tayong kasabay nito sige ka" pagyayaya ni Nicole sa aken."Tekaaa muna bby tataposin ko lang tong report ko ipe-present ko na to mamayang hapon eh.." sabi ko kay Nicole habang gumagawa ng powerpoint presentation dito sa computer lab. namin.
"Naaaa... Mamaya na yan bby
kaya mo lang yan ikaw pa sigeee na tayoo na..." pangungulit pa rin ni Nicole gutom na naman din ako pero kelangan ko talagang matapos tong report ko alam niyo namang nawawalan na ako ng gana kapag iniwan ko pa itong hindi pa natatapos."bby naman eh gutooom na ako.." Nicole.
"Mauna ka na lang bby kelangan ko lang talagang taposin to. Malapit na naman tong matapos eh.." ako
"Sige.. Bby hindi ko na talaga matiis tong gutom ko kumukulo na tiyan ko alam mo namang hindi pa ako nakakain ng almusal.." sabi ni Nicole. Totoo yan hindi talaga kumakain ng almusal yang si Nicole dito na siya sa skul kakain pero kapag late naman siyang dumating eh yong almusal nya isasabay na lang nya sa lunch.. Galing noh? 'yan tuloy nagkaroon siya ng ulcer..
"hahahhhah sige bby Nic Nic.. Susunod nalang ako." ako
"Sige bby bye.. Sumunod ka ha.."
Nicole POV
(Salaaaamat naman kay author at naisipan nya na akong magkaroon ng point of view (POV) sa storyang ito hahahhahahah:)))
Kaya ayon na nga lumabas na ako ng computer lab tapos dumiretso na ako sa canteen kung saan andun mga bbys ko at si Ken Rezi."Oy by asan si bby Cathya? Ba't hindi mo siya kasama ha?" sunod-sunod na pagtatanong saken ni Jeselle. Hindi ko na muna sinasagot mga tanong niya kasi alam nyo na gutom na gutom na talaga ako.
"Oy? Nicole baka mabilaukan ka diyan sa lakas ng pagsubo mo ng pagkain ha. Asan nga ba pinsan ko ba't di mo siya kasama papunta rito? " tanong na naman ni Ericka.
"seees? No comment ka talaga sa mga tinatanong namin? Hindi ba kakain yong si bby Cathyyy ehh mag aala-una na ahhh?" Si Thalia na naman. Patuloy pa rin ako sa pagkain ko hintayin ko munang magtanong na silang lahat si Ken nalang hinihintay ko na magtanong tungkol kay Cathya pero lumipas na ang ilang minutong paghihintay ko hindi parin siya umiimik patuloy pa rin siyang kumakain na lamang para bang hindi nya naririnig sila na nag-alala na kay Cathya. Hindi man lang ba siya interested kung sa'n ang bebspren nya? Nanibaguhan ako sa kumag na to ahh...
"oy Ken Rezi ikaw nalang hindi pa nagtatanong kung sa'n ngayon si Cathya ha? Wala ka bang planong tanongin ako para sabay ko nang sagutin lahat ng mga tanong niyo?" sabi ko kay Ken na patuloy pa rin sa pagkain at parang hindi nya ako pinakikinggan.
"hoy Ken magtanong ka na ewan ko ba kung anong trip nyang si Nicole at kailangan pang magtanong tayong lahat bago pa siya sasagot" pagbibiro ni Thalia sa aming lahat kaya natawa na lang ang gropu pero si Ken wala pa ring reaksiyon gutom na gutom siguro tong kumag na to.
"KEN REZI MOUSEY CORPUS??.. ano ba magtatanong ka ba o hindi at nang masagot ko na mga tanong nila!!" medyo pasigaw ko na pagsabi kay Ken parang bingi eh walang ka sense2 kausapin ngayon.
"ha? Ano ba itatanong ko sayo Nic Nic? Kitang kumakain ang tao ohhh.." Si Ken. Kita nyo na? San kaya pag-iisip nito..
"Si Cathya daw nasa'n bakit hindi daw siya kasama natin kumakain ngayon hindi pa yon nakakain panigurado. Hindi kumakain mag-isa yon!! Iyan lang naman itatanong mo..." si Jessele
"Ahhhh okay" tipid na sagot ni Ken kay Jeselle.
"Hoy! Anong ahh okay ka diyan?? hindi ka lang ba nag-aalala sa bebsssspren mo??" ako.
"malaki na yon! Alam na nya ginagawa nya.. Sige ha mauna na ako sa inyo may susunduin pa ako." Sagot ni Ken habang nagmamadaling umaalis.
"Tama ba tong mga naririnig at nakikita ko.? Nag-iba yata ihip ng hangin ngayon ahhh... Si Ken Rezi ba yon?" natanong ko na lang sa isip ko pati sina Ericka nanibaguhan sa inaasal ngayon ni Ken para kay Cathya na bebspren nya.
Hayssss! Bahala na nga sila naku ma ee-stress lang beauty ko nito. Maka texx na nga lang sa love of my layp ko."hon.. 3pm out namin ngayon. 2:30 kelangan andito ka na sa skul namin ha? Ayaw ko nang pinaghihintay mo ako. Iloveyousomuch hon koh mwah mwah:**"
Sinamahan namin si bby Cathya dito sa Jollibee para kumain ng pananghalian nya. Sakto at hindi na pumasok ang teacher namin sa last subj. kaya maaga kaming nag out ngayon. Kung hindi pasmado tong babaeng to. Masyadong sineseryoso ang pag-aaral. (hahahahha ang B.I ko na sa paningin ng readers ngayon hahhhahahaha sorrry po:))
"bilisan mo kumain diyan bby Cathyyy magkikita pa kami ni Vince ngayon... Hindi pa ako nakapag retouch" pabirong sabi ko kay Cathya habang kumakain pa rin siya si Ericka naman at si Jessele busy sa paglalaro ng 4pics one word si Thalia kasi nagpa-uso sa kanila nung larong yan sa tablet ko.
"Wooww susunduin ka pala ngayon ni Vince seess.. Mabuti ka pa." frustrated na pagsasabi saken ni Thalia.
"Ano ka ba Seees kasalanan mo kung bakit wala kang lablyp eh kasi tinatakot mo mga manliligaw mo sa ikli ng buhok mong yan hindi ka nahahalataang chix" tumawa ng malakas ang grupo sa pagbibiro ko kay Thalia. Si Thalia naman inirapan lang kami at balik sa laptop nya busy din kasi siya sa pagsusulat. Writer kasi yang si Thalia sa anong website yon.. Wapad o wattpad ba yon basta yon na. Maganda mga storyang sinusulat ng mokong na Thalia na yan. IS IT ALL ABOUT JUST SEX yan yata ang title ng ongoing story nya ngayon. Maganda siya pinabasa nya kasi saken yon nung una umayaw ako sa pagbasa pero di nagtagal nagandahan ako.
"hi girls, hello honey" Nagulat ako si Vince dumating na. Naku!! Hindi pa ako nakapag face powder man lang...
"Hellooooo Vince...." sabay-sabay na pag bati sa kanya ng mga bbys ko.
Umupo naman agad si Vince sa tabi ko tapos hinalikan yong noo ko. Ito talaga mami-miss ko sa lalaking to kasi napaka sweet nya pagdating sakin"
"oyyy ang sweet naman yang si Vince bby Nics" Cathya teases us. Namula ako pagkasabi nya nun hindi kasi ako sanay na tinutukso. Ito talagang si Cathya ang hilig-hilig kasing manukso. Sa grupo namin siya ang palatukso talaga. Si Vince ngumingiti-ngiti lang.
"oy! Cath.. Nakita ko pala yong bespren mo si Ken-Rezi ba yon? May kasamang babae. Ang sweet-sweet nga nila mukhang schoolmate lang ninyo ang babae kasi parihas ng uniform nyo eh" sabi ni Vince kay Cathya...
"ahhh oo si Ken yon.. Suss sanay na ako sa kumag na yon napaka chixboy talaga nun..." si Cathya..
"Kaya pala nagmamadali yong umalis kanina habang kumakain pa kami kaya pala mamimingwit na naman pala" sabat ko sa pag-uusap nina Cathya at kay Hon ko..
"at kaya pala parang wala na siyang pakialam kay bby Cathya natin kahit alam nyang hindi pa kumakain si Cathya parang wala lang siya noh?" pagsabat ni Thalia habang busy parin sa pagsusulat.
"ehhh? Ano naman kung wala na siyang pakialam sakin mas wala akong pakeee sa kanya" mataray na pagsagot ni Cathya kay Thalia.
"Hindi lang kasi kami sanay sa inaasta ni Ken ngayon, noon kasi para siyang tutang sunod nang sunod kay Cathya tapos daig pa ang isang magulang at syota kung maka care sa bby Cathyy natin diba??" si Jessele na naman...
"Suss.. Ang oa nyo bbys.. Pabayaan na natin si Ken sa buhay nya..Buhay nya yon... " Cathya
Pagkatapos kumain ni bby Cathya ay isa-isa kaming naghiwalay ng paroroonan. Ako at si Vince pupunta pa sa bahay nila. Pinapasundo kasi daw ako ng mama nya,na mi-miss daw makipagkwentuhan sakin. Si Jeselle naman may work pa. Working student yang si Jessele kasi wala na siyang mga magulang. Namayapa na. Si Ericka nagmamadali ding umuwi ewan namin kung sa'n pupunta baka gagala na naman. Si Cathya as usual bahay lang nila ang inuuwian. Aaralin pa daw nya ang mga lalabas sa quizz ball bukas siya kasi ang magre-repsent na naman sa sec. namin. Oo siya na matalino. Si Thalia alam nyo na kung sa'n yon sa bahay din nila matutulog. At ako naman alam nyo na lumalablyf ako ngayon. 2nd anniv. na namin ni vintot mylabs ko kasi kaya ayun hahahahah alam nyo na...
Oyyy! Wag mag green-minded mag di-dinner date lang kami sa bahay nila:))))
Saraaaaap mainlove noh? :))))