Cathya's POV
Pataaay! Late na ako nag sisimula na ang class nang first subject namin. Anak ng pinaglihi ni Sleeping beauty naman oh, tanghali na akong nagising eh nasarapan masyado sa pagtulog hindi naman ako ginising ni mama kasi akala nyang wala parin kaming pasok.
"haysss! Cathya pumasok ka kaya mo to!" pagbubulong ko sa sarili ko habang patungong classroom namin.
"Goodmorning Ms., goodmorning classmates" Pagbabati ko sa kanilang lahat.
"Goodmorning Ms. Lewis you may sit down and since you are late ikaw ang sasalo sa oral exam ng pinsan mong si Ericka" si Ms. Asaki
"Po? Ako po talaga Ms.? " takteek naman tong si Ericka oh. Nag smile lang sina Ericka sa aken.
"Yes ikaw lang naman ang na late ngayon, okay! Here's your question Would you mind to sacrifice your own happiness just to save your friend's happiness?" Ms. A
"Anggg boring talaga ng Values subj. ang Oa lang" sabi ko sa utak ko potchaaa naman oh. Ano ba isasagot ko syempre uunahin ko sarili ko I do love myself kasi kung hindi ko mamahalin sarili ko who else will do the thing? Pero... Magmumukha akong masama sa tingin ng karamihan kasi there are people talaga na napaka judgemental lalo na kung wala sila sa sitwasyon. Well, it's not my business anymore bahala sila kung ano tingin nila sa akin but as I have read on the bible you should love your neighbor as you have love yourself and God and LOVE IS SELF-SACRIFICING. Iyan ang parating pinaalala nina mama sa akin na bago ko daw unahin sarili ko dapat isaalang-alang ko din ang kabutihan ng nakakarami, sa kapwa ko syempre. AAhhhhhh! Ano ba to nagtatalo mga thoughts ko dito ahh..
"Ms. Lewis? Do you want me to repeat the question? Ms. A
Napalalim yata ang pag-iisip ko nakakahiya naman baka sabihin nilang hindi ko naintindihan ang question ni Ms. A
"Ahhh no Ms." sagot ko kay Ms. A
"okay? So...you may start answering my question, the time is running Ms. Lewis" Ms. A
"Yes, I will mind to sacrifice my own happiness for my friend's blissfulness. If that particular thing that can make her/him extremely happy, so why would I stop her/him right? I am not a self-centered person. I'm a kind of a person who value the good rapport that I have to my friends." Everyone was clapping from the time that I was finished answering the question, some of them stands habang sumasalodo sa akin. Ang mga bbys ko naman nag hihiyawan. Wowww! Ha? Oberr lang mka react ang mga to! :) saan ko ba napulot ang sinagot ko kanina by heart ba yon? Hahahahha well, sort of.
"A very well said Ms. Cathya Lewis. Very agrreable. It's good."
"Thank you po Ms."
"Okay class the remaining 3 persons na hindi pa nakapag-oral exam will be tomorrow nalang cause we're running out of time. Goodbye and may God bless you class. You may go now, class dismiss." Ms. A
"Galing mo don Cathya ha? Hugot. Com te? Sana lang totohanin mo talaga yon ha? " Sabi ni Nicole sa akin. Nag smile lang ako sa sinabi ni Nicole wala ako sa mood makipag usap muna ngayon. Iniisip ko lang kasi ang sinagot ko kay Ms. A kanina hindi ko pa naman na experience ang mag sacrifice to take the risk for other people's gladness. Iniisip ko lang pa'no kaya kung mangyayari talaga sa akin yon for real? Ahhh.. God is Good.
"oh??? Parehas nito Cathya bby. Sa'ken na to ha. So sacrifice mo Nova mo saken." Thalia
"Hoy akeeen yan! Bigay sa akin ni
K-rezi yan. Thaliaaaa!! Kahit kailan ang takawww mo." Hinahabol ko si Thalia anak ng kabayo tong hayop na to ha? Pa'no nya nakuha ang nova ko. Potchaaaa talaga oh! Peyborito ko kaya yon.
"Sabi mo hindi ka self-centered? akin nalang to, sacrifice ur own happiness bby Cathyy for ur friend's blissfulness hahahahhahaha" Pagsisigaw ni Thalia habang hinahabol ko siya para kaming mga bata dito sa campus. Natigil ako sa pagtakbo nang may nabangga akong lalaki na napakatigas ng dibdib. Damang-dama ko ang six packs abs nya sana lang gwapo to kasi kung hindi napaka laking EPIC FAIL ang eksenang ito.
"owww! I'm so sorry Ms." sabi nung lalaki sa akin ang husky ng tinig nya pero napaka lambot ng pagkasabi inangat ko ng unti-unti ang noo ko at laking gulat ko sa nakita ko.
"Sorry din" pagkatapos kong mag apology sa kanya ay agad akong tumakbo ng napaka bilis. Bahala na si Thalia sa kanya na yong Nova ko isaksak nya yon sa napaka laki nyang tiyan. Nako!! Napaka epic fail talaga napakalaking epic fail talaga FAIL NA FAIL ako kasi ang lalaking nakabangga ko kanina ay walang iba lang naman kundi si Jiku bby ko. Nako negative negative zero na talaga points ko sa kanya.
"Cathya naman eh napaka clumpsy mo naman kasi eh. Nakakahiya ang naging reaction ko kanina. Ano kayang sasabihin ni Jiku na para akong abnormal napaka childish nang inasal ko hayyyyy! Kasalanan mo to Thalia"
"Hoy! bebspren? Turiring ka na ba? Nagsasalita kang mag-isa diyan ha?"
K-rezi
"anong turiring ka diyan? Hindi noh.. Nag memorize ako sa script ko para sa English Month role play namin. Ikaw? Tapos na ba kayo mag rehearse para sa darating na program para sa Eng. Month?" Palusot ko sa kumag na to akalain mong ginawa pa akong turiring.
"ahh. Oo katatapos lang namin sa wakas." K-rezi
"Sige halika na. Puntahan natin sina Ericka andun sila sa garden"
"May script pala ngayong tagalog tapos ehh ro-role play sa English month. Haneeep! Galing magpalusot!" K-rezi
"huh? Ano binubulong mo diyan? May sinasabi ka K-rezi?" ako
"ahhh wla bebspren sabi ko tayo na puntahan na natin sila sa garden."