Cathya's POV
"Sabi ko naman sayo eh! Magpahatid ka kay Ken tingnan mo ang nagyari tuloy! Nuknukan ka kasi ng Pride siguro buma-bubbles na yang Pride mo.. " Pagdadaldal ng pinsan ko na si Ericka mula sa phone wala kasi kaming pasok ngayon kasi may general meeting ang mga teachers namin at alam kong binalitaan na sila ni K-rezi wala pa naman akong planong sabihin sa kanila ang nangyari kasi alam ko na ganito ang magiging reaction nila.
"Relax:) okay lang naman ako"
Sagot ko sa kanya.
"Okay ka na? Mabuti't sinundan ka ni Ken hanggang sa pag uwi mo kung hindi may lalamayan na kami ngayon"
"Grabe ka naman! Lamay agad? "
"Oo.. Hindi mo ba alam na ang mga rapist mamamatay tao din? Hindi ka kasi nanonood ng balita sa tv.
"Oo na.. Panalo ka na Mam.. Ang hilig mo talagang mang-sermon gayang-gaya mo si mama kaya hindi na ako nagsumbong pa sa kanila kasi alam kong sesermonan lang din nila ako kagaya mo! "
"Whaaaat? Hindi pa alam ni Tita ang nangyari sayo kagabi? "
"definitely yes, hindi na kailangan pa busy sina mama sa trabaho abala lang sa isip nila ang nangyari. Wala namang nangyari sa aking masama okay na yon. Let's all move on okay?"
"ayyy! ewan ko sa'yo babae ka sige bye na ha? May lakad pa kasi ako ngayon kung maaga akong makaka-uwi ay pupuntuhan kita diyan sa bahay"
"oyy! Sa'n lakad mo.? Ang daya mo ha sama ako"
"Hindi pwede. Date ko to! Wag kang istorbo.sige na bye Cathya. Mwah. Bye:)"
"K! Bye:)
Nag end na ang conversation namin ni Ericka. Humiga lang ako muli sa kama at tumulala mula sa ceiling. Iniisip ko ang nangyari kahapon grabe! ano nalang kaya ang nangyari sa akin kung hindi dumating si K-rezi walang sino man ang nagtangkang tumulong sa akin.
Kung saan-saan nalang humahantong ang mga iniisip ko ganyan ako pag bored na bored hanggang sa nakaidlip ako ng ilang oras.
"Nak! Gising..nak.. Hoyyy. " Si mama habang niyuyugyog ako.
"Ano ba ma.. natutulog ang tao ginigising mo! " pagsagot ko kay mama habang pikit parin ang dalawa kong mata.
"Anong ano ba ma? Bumangon kana diyan at may bisita ka sa baba"
"bisita? Sino? Ma? " Takang pagtatanong ko kay mama. Wala nman kasi akong ini-expect na bisita ngyon eh. Imposible naman si Ericka eh pag pupunta yon dito sa bahay ay didiretso na yon sa kwarto ko at binabato ako ng mga unan para daw magising ako nang madali. Mahirap kasi talaga akong gisingin. Sarap sarap ako matulog eh:)
"ahh basta.. bumangon kana diyan at magsuklay ka ang gulo nang buhok mo oh at ako'y ba-baba na para maghanda na ng hapunan natin. "
"okay ma" yun nalang sinagot ko kay mama para matigil na siya kakadal-dal.
Nagsuklay ako gaya ng sabi ni mama at nagbihis ako ng maayos na damit eh kasi naman nag sle-sleveless at short lang ako ng maiksi kanina hindi pa naman ako sanay na may ibang taong makakita sa akin na ganyan ang kasuotan. Okay lang sa akin kung sina mama lang pamilya ko naman sila.
"hi Cathya" bati nung bisita ko sa akin may hawak pa itong chocolates and a bouquet of flowers.
"Ken??? Anong.... ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Oo, gulat na gulat talaga bakit naman hindi eh First time nyang pumunta dito sa bahay kahit na kase anong pilit ni Ken at nina Ericka sa akin na dalhin sa bahay si Ken ay hindi parin ako pumapayag ayaw ko kasing mapag-isipan nina mama na nobyo ko siya at tinatago ko lang bilang kaibigan ko ang hilig pa naman nitong kumag na to ang dumikit sa akin palagi at higit pa siyang maglambing sa isang totoong mag syota.