CHAPTER 8 #OKAY! DEAL

30 1 0
                                    

K-Rezi POV
Nanay Ninang calling....
"hello Ninang?"

"hello.. Anak? alam mo na ba?" si Ninang, anak ang tawag niya sa akin dahil tinuri na nya ako bilang isang tunay na anak nya bata pa lang kasi ako siya na ang nag-aalaga sa akin.

"Ang alin po Ninang?"  pagtatakang tanong ko.

"Ano ka ba anak uuwi na mga magulang mo next week. Ano?  Hindi ka man lang ba uuwi dito para makahanda naman tayo nang welcome home party para sa kanila?"

"Ganun ba Ninang? O cge ba. Uuwi ako ngayong sabado okay ba yon Nanay?" excited na pagsabi ko kay Ninang..

"oo naman oks na oks yan anak basta ba uuwi ka talaga hah? miss ka na din nang beytipul Nanay mo eh." Ganyan ang Ninang ko napaka bibo kaya magkasundong-magkasundo kami kesa kay mommy ko.

"Miss na miss ko na din kayo Nay Ninang. Paki kumusta nalang po din ako kay Tatay Ninong at siyaka kay baby Cai at Mime" 

"Sige anak mag-ingat ka palagi diyan ha.? Mahal na mahal ka namin. Oo sige bye na paiiyakin mo lang talaga ako anak"

"hahahhaahaha sige Nay love u din po bye Nay... ingat din kayo diyan"

Binalik ko na sa bag ang cellphone ko. Pumunta muna ako sa Rose pharmacy kasi nagpapabili ang ka boardmate ko ng gamot may lagnat kasi siya at ako pa talaga ang naisipan nyang utusan.Galing talaga!

Papara na sana ako ng taxi nang makita ko si Ericka.

"Sino kayang hinihintay nya?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko para lang talaga akong engot dito nagsasalitang mag-isa. Lumapit ako ng kaunti sa kinatatayuan ni Ericka at para hindi nya ako makita nagtago ako sa may poste. Okay na pwesto ko dito. Takteek naman oh?  Saan na naman kaya hahantong ang pag ka curious ko nito. Tssss.. Hindi ko lang talaga mapigilan na mag paka detective conan.

"Sorry ha? Madami kasing tao kaya natagalan ako." Sabi nung lalaki kay Ericka. Oo saktong-sakto ang pwestong napili kong pagtaguan kasi klarong-klaro ko din ang mga pinag-uusapan nila. Hindi ko maatinag kung sino ang lalaki kasi nakatalikod ito sa akin pero familiar siya siguro family kami. (hahahahah gets nyo joke ko about da FAMILIAR AND FAMILY THINGY?)

"ahhh okay lang. Salamat pala dito sa mga bulaklak. Ganda." Ericka.

"You're always welcome. Don't mention it. Sige tayo na ihahatid na kita" sabi nung lalaki.

"ahhhh wag na.. Parahan mo nalang ako ng Taxi. Ericka

Naku!  Lagooot!!  Papunta sila dito sa puwesto ko. Kailangan kong magpalit ng pagtataguan nito kundi makikita nila ako... Pero pa'no to? Wala ng ibang pagtataguan dito at kung lilipat man ako sigurado akong makikita parin nila ako.


"Ken Rezi?" Gulat na bulalas ni Ericka nang makita niya ako. Wala na akong ibang naisip na paraan eh kaya nagpakita nalang ako. Wala namang dapat ikatakot diba? kung makita man nila ako at hindi lang si Ericka ang nagulat pati din ako noh?  Kasi ang lalaking kasama nya ngayon ay si Jiku na naman. Ano tong ginagawa nya? Sinesekreto nya ba sa barkada ang tungkol sa kanilang dalawa?!.. Bakit madalas na silang magkasama. May relasyon kaya ang dalawang to?.

"Owww! Hi Ericka may kasama ka pala sino siya?" I ask Ericka na parang hindi ko pa kilala itong si Jiku parang kalabaw na kumag na to! baka isipin nya pang peymus siya kung alam nyang kilala ko na siya. No way!!  asar na asar talaga ako sa pagmumukha nya.

"ehem, I'm Jiku pare her bf" inunahan nya si Ericka sa pagsagot sa akin.

"owws! Bf as in BOYFRIEND. Seriously?" sagot ko sa kanya.

MY GREATEST DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon