K-Rezi POV
Calling *Mybebspren*
Hel** hindi ko na tinapos ang hello ko kasi binunganga-an na nya ako.
"hooy Ken asan ka na ba? Wag mo talagang subukang i-indyan kami ha kung ayaw mong balatan kita ng buhay" Pagdadaldal ni Cathya.
"hahahhahaha:) relax papunta na ako diyan wait for a while ang brutal mo talaga kahit kelan bebs."
"bebs ka diyan! Sige na bilis ..bye! " Yun lang sinabi nya at tooot toot call ended.
Ganyan talaga si Cathya siya nang may hinihingi sort of LIBRE siya pa itong nagtataray. Kung sa bagay engot yon eh. Mahal ko lang talaga. Mahal ko siya? Hmmm.. Hindi ko alam, hindi pa ako sigurado basta.. nalilito pa ako sa nararamdaman kong ito. Haysss! Basta masaya ako't nagagalit siya cute ehh:)
"oh girls Cathya bebs wala na akong utang sa inyo ha nalibre ko na kayo" pagyayabang ko sa kanilang mag babarkada.
"oo naman papa Ken salamat ha? Sana ay may susunod pa nito:)" Thalia said.
"O cge ba basta't tutulungan nyo ba ako kung paano ligawan yang bespren nyo:)" Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko pagkasabi ko nun paraa... Para mainis na naman si Catya hahahha sarap na sarap talaga akong asarin siya daling magalit eh.
"hayy nako Ken! Iba nalang ligawan mo. Alam mo nman kung sino ang gusto nyang si Cathya diba? "
Ericka insisted.
"Can you just stop teasing me like that? Wala akong panahon kanino man mas priority ko pag-aaral ko ngayon"
Medyo inis na pagkakasabi ni Cathya sa aming lahat.
"Woww ha? Kahit si Jiku titigilan mo na?! Sabi ko..
"Oh. Wala akong mapapala dun masaya naman buhay ko kahit wala siya.
"Mabuti naman at natauhan ka na bebspren"
"Whatever" tapos sumimangot siya.
Nagsi-uwian na kami I insisted na ihatid ko na si Cathya kasi maglalakad lang naman siya malapit lang kasi sa kanila ang fastfood na tinuluyan namin kanina kaso mapilit siya hindi nya daw kailangan ng tuta. Biruin nyo ginawa pa akong tuta sa gwapo kong to pero sinundan ko pa rin siya mag si-six pm na kasi kaya medyo madilim na takot ako baka ano pa mangyari sa payatot na palaging inis sa akin na bebspren ko. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya at doble ang ingat ko kasi baka malaman pa nyang sinusundan ko siya may pagka amazona pa naman ang babaeng yon!
"oyy!! Pare ganda oh..." Sabi nong pangit na tambay.
"Jackpot to pre! Ang sexy sexy yummmy to wala pa naman tayong pulutan ngayon"
Si Cathya patuloy lang sa paglalakad may pa kinding-kinding pa. Ano bang ginagawa nya mas lalong tine-tempt nya ang mga lalaking tambay ha?
"Ayy sorry po ate" nabangga ko nalang tuloy yong ale naka pokus ang mga mata ko kay Cathya at sa mga lalaking papalapit sa kanya eh!
"Sorry ka diyan!! Tabi ka nga.
hindi tumitingin sa dinadaanan.!"
Pagmamaktol nung ale sa akin.
"sorry po talaga ale. Okay na po ba kayo? kasi.. Nagmamadali ako excuse me po. " Hindi ko na inantay ang sagot nung ale at kumaripas na ako sa pagtakbo patungo kay Cathya at sa mga lalaking nakalapit na sa kanya at hinihila-hila nila ang bebspren ko.
"Bitawan nyo siya! Kung ayaw nyong kayo ang gawing pulutan ko"
Maangas na pagsabi ko sa mga lalaking tambay edi hamak na mas malakas ako sa mga putik nato eh! Kahit apat sila kayang-kaya ko ang mga maliliit nilang katawan.
"Wow! Pre uso pa pala ngayon si Superman" sagot nung isa sa kanila.
"Hoy! Sino ka ba ha? Kung ayaw mong madamay dito eh! Umuwi ka nalang sa inyo" Sabi nung malaki-laki sa kanila ng kunti.
"Ken.. Tulungan mo ako." Si Cathya habang umiiyak na.
"Wag kang matakot bebspren kayang-kaya ko ang mga kumag na to! "
hinandusan ko na sila isa-isa sa suntok ko hindi kaya nila alam na tatlong taon akong nag-aral ng martial arts sa states sinadya kasi nina mama na pag-aralan ko ito para daw may self defense ako kung makaka-engkwentro ako ng mga ganitong pangyayari.
"Oh ano? Gusto mo pa ba!??? Ha? Ha?! "
"Waggg na po.. Hi.. Hindi na po "
Nag-uunahan na tumakbo ang mga lalaking tambay papalayo sa amin ni Cathya.
"Ken.. Huhuhhuhuhuhu" pag-iiyak ni Cathya habang sinusubsub nya ang mukha nya sa dibdib ko. Naawa ako sa kanya at dahil guro sa awa ko sa kanya kanina namuo ang galit ko na parang gusto ko nang patayin sa suntok at sipa ko ang mga buwisit na tambay na mga yon!!
"sssshhh tahan na. Okay na wala na sila andito na si Superman oh yakap-yakap mo. " pang-aalo ko sa kanya.
"tsssee!"
"oh.. Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa ang may ganang sampalin ako"
"so? What do you mean is.. Sana hindi mo nalang ako tinulungan pa ha? "
"hindi ahh.. Wala akong sinasabing ganun. Ito tandaan mo Cathya habang naririto ako buhay na buhay sa mundong ito asahan mong palagi akong andyan para sayo. Ako kaya si Superman mo. Bebspren kita eh kahit na palagi kang inis sa akin. "
Hinatid ko na si Cathya sa kanilang bahay para makasigurado talaga akong okay na siya at wala nang sino man ang makasakit pa sa kanya.
"Dito lang ako bebspren ha.? Bye and Goodnight" Pagkatapos nun ay tumalikod na ako.
"ahhh K-rezi sandali lang.. "
"oh bakit? " K-rezi na nman tawag nya sa akin it means good mood siya saken.
"ahhh wala. .Maraming salamat kanina K-rezi ha? at sorry na din sa sampal ko kanina lang" ngumingiti na siya habang sinasabi nya yun siguro nawala na takot nya.
"Don't mention it bebs---pren at yong sampal mo kanina? Sanay na ako sa mga sampal mo, diba sabi mo naman pagmamahal ang ibig sabihin ng mga sampal mo? so...
you don't have to apologize"
"Sinabi ko ba yon? Hahahahaha well, goodnight. Pasok na ako ha? Mag-ingat ka sa pag-uwi mo"
"Yaaah I will. Sige goodnight:)))"