Video Call .2

23 5 0
                                    

Napuno ng hagulgol ang bahay ng aking kaibigan dahil sa pagkamatay nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napuno ng hagulgol ang bahay ng aking kaibigan dahil sa pagkamatay nito. Ang mag-asawang palaging nag-aaway ay ngayo'y parang nagkasundo sa pagdadalamhati sa kanilang anak. Kahapon, hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Nagbibiruhan lang naman kami at hindi namin inaasahan na mauuwi ito sa totoohanan.

I wish I'm not next.

"Tito't-tita, nakikiramay po ako sa pagkamatay ni Pearl. Sorry po at wala akong nagawa." sabi ko ito. Hindi ko pa rin maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari. She's my one and only bestfriend. My backbone and my strength.

"Wala kang kasalanan Angel. Tanggapin nalang natin na wala na talaga ang anak ko." sabi nito at naiyak nanaman. Nasasaktan akong umiiyak ang pamilya ng kaibigan ko dahil sa kasamaang kinahantungan nito.

"Tita?"

"Ano 'yon Angel anak?"

"Pwede po ba akong pumunta sa kwarto ni Pearl sa huling pagkakataon?"

Kita ko sa mata nito ang pagdadalawang isip pero sa huli'y pumayag naman siya. Nagpasalamat ako rito at tinungo ang kwarto ni Pearl. Pagpasok ko rito ay maraming buhok ang nagkalat. Ito ang buhok ng babaeng lumitaw sa video call namin. Kumuha ako ng hibla nito, ang tigas, kasing-tigas nito ang nylon kaya hindi ako nagtaka na halos mahati-hati ang katawan ni Pearl sa pagkakatabon ng mga ito. Sa aking paghahawak nito ay isang bagay ang aking napansin. Nagmula ito sa ilalim ng higaan ni Pearl, isang sulat at mukhang luma na. Kinuha ko ito at isang litrato ang nakaipit sa loob. It's Pearl with someone, a girl. Nakakapagtaka lang dahil sinunog ang parte na mukha ng babae kaya hindi ko makita ang itsura nito. Bakit naman kaya sinunog? Si Angel ba may gawa nito? Bakit niya naman gagawin? Itinabi ko ang litrato at binasa ang laman ng sulat.

"September 13, 2013. Magandang umaga aking kaibigan, Angel. Limang taon na rin pala ang ating pagkakaibigan. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Sa mga pinagdaanan natin, mga masasayang araw at sa mga problemang dumating. Habang buhay kitang itatanim sa aking buhay kahit sa kamatayan pa man. Kahit..." basa ko dito. Hindi ko ito tapos na nabasa dahil ang susunod na mga pangungusap ay tila ginuhitan ng maraming beses. Sino naman kaya ang gumawa nito?

Nilingon ko ang litrato namin dalawa ni Angel sa isang picture frame sa itaas ng mesa. Biglang bumalik lahat ng mga pinagdaanan namin. Biglang bumalik ang sakit na wala na talaga siya. Napayukom ang aking mga kamao dahil sa mga naiisip.

"Kung sino ka mang babaeng pumatay sa kaibigan ko, walang hiya ka! Pumunta ka sa impyerno kung saan ka nababagay!" sabi ko. I cursed. Dito ko nailabas ang aking galit.

Out of nowhere biglang nahulog ang cellphone ko. Paano? e nakaipit 'yon sa bulsa ko. Then a girl shouted in the room. Ang lakas, sobrang tining na parang mabibingi na ako.

"Sino ka?!" sigaw ko. Walang sumagot pero ang mga gamit sa kwarto ay biglang nagsiliparan sa kanilang mga pwesto.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganiyan! Wala kang alam!" rinig kong sabi ng babae sa kung saan man siya na nasa loob ng kwarto. Hindi ako nakapagsalita at hinintay lang siyang magsalitang muli.

"Tinuring kong kaibigan si Pearl pero buong akala ko'y gano'n din siya sa akin. " sabi nito na halatang umiiyak.

"Ako na ang tatapos ng sulat na hindi mo natapos. Naging kaibigan ko si Pearl dati. Para na akong kapatid niya kung ituring dahil wala naman siyang ibang kapatid. Napakamaalaga niya sa akin. Pero isang araw nalaman ko nalang na biro lang pala ang lahat. Sa humigit na limang taong pagkakaibigan namin ay niloko niya lang ako at binulag sa maling siya. Ginawa niya lang ang lahat para sa isang utos. Utos na kung hindi niya gagawin ay papatayin ang kaniyang mga magulang na hindi ko alam ang dahilan at wala na akong pake doon ngayon. Nang malaman ko iyon, tiniis ko ito kahit alam kong masakit dahil mahal ko siya sa pagiging magkaibigan namin." mahabang kwento nito.

"Tapos dumating ka."

Umusbong ang takot sa akin nang ito'y marinig.

"Sinabihan ko siyang iwasan ka niya dahil nagseselos ako at gusto kong ako lang ang kaibigan niya pero ayaw niya. Hindi niya na ako gusto at pinagtatabuyan na ako." halata na sa kaniya ang galit.

Out of nowhere my cellphone opened and ringed. Nilingon ko ito at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Connecting video..

Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan.

"Galit na galit ako kay Pearl at hindi ko na nakayanan kaya't pinatay ko siya."

"Oh nakakalimutan ko, the day after the 5th anniversary of our friendship and that day after I knew that all was just a lie... nagpakamatay ako."

Patuloy lang ako sa pagtitig sa video call ng cellphone na para bang hindi na ito maalis sa aking mga mata. Mula sa kinatatayuan ko at sa cellphone na nasa ibaba, kita ko ang babae na gumagapang sa itaas ng kisame at papalapit sa akin.

"At dahil gusto kong akin lang si Pearl.."

My tears automatically dropped as her hair travels all over my body.

"Ako lang ang magiging kaibigan ni Pearl at kapag hindi ko talaga kayo mapipigilan.. isusunod nalang kita."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon