Revenge

45 6 0
                                    

Malamig na hangin ang dumaan sa aking mukha habang ako'y papunta sa isang abandunadong gusali malapit sa aming paaralan kasama ang aking mga kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malamig na hangin ang dumaan sa aking mukha habang ako'y papunta sa isang abandunadong gusali malapit sa aming paaralan kasama ang aking mga kaibigan. Tanging ang aming dalang mga flashlights ang nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar. Malayo palang ay rinig ko na agad ang iyak ng isang babaeng binubugbog ng iba kong kasamahan, nagmamakaawang tumigil na sila at hayaan na siyang umalis.

"Boss!" sigaw ng isa sa mga nambubugbog sa babae nang mapansin ang aming presensya. I walked straight towards where they are and gave them a cold look and aura. "Ako ng bahala sa kaniya." malamig kong sabi na kanila namang ikinaatras. Lumapit ako sa harapan ng babaeng kaawa-awang nakaupo ngayon at walang pasabing sinipa ito sa dibdib. Sunod kong ginawa ay ang pagsisihampas sa kaniya ng baseball bat.

"T-tama na po.. n-nagmamakaawa po ako sa inyo.. pakawalan niyo na po a-ako." ani nito na pansin mong nanghihina na. I smiled sweetly just like how I smile when I'm infront of the students in our campus as their Queen Bee. Yes, I'm the Queen Bee of our campus. Tinitingala at hinahangaan ng lahat. "Don't worry, patapos na rin naman ako." sabi ko sa kaniya. Sinensyasan ko ang isa sa mga kasama ko para mabigay nila sa'kin ang kandila at posporo. "Hey Llyn, come look at me." sabi ko rito. Sinunod niya naman ito at sunod kong ginawa ay sinindihan ang kandila, itinutok ko ito sa kaniyang isang mata at sinimulang ipatulo ang mga natutunaw na bahagi ng kandila.

Walang sidhi ito sa kakasigaw sa sakit na nararanasan. Kahit sino naman mapapasigaw talaga. Tumagal rin iyon ng ilang minuto bago ako tumigil. Balak ko lang naman siyang pahirapan at hindi patayin. Llyn directly layed down as she cries loudly. "Huwag kang maingay!" sigaw ko rito, baka kasi may makaalam na may tao rito. Kulang pa 'yan.

Kanina sa campus nakita ko silang magkasama ni Francis, masayang naguusap at nagtatawanan. She's really getting into my nerves. Sinabihan ko na siya dati pa na iwasan niya si Jason at huwag ng guluhin at landiin ito. Pero anong ginawa niya? hindi siya sumusunod sa usapan. Palagi niyang sinasabi sa akin na iniiwasan niya ito at si Jason ang lapit ng lapit sa kaniya. Because of her, Jason keeps on rejecting me. Ayaw niya sa akin at si Llyn ang gusto niya. Ano bang mayro'n sa babaeng yo'n? mas maganda naman ako sa kaniya tsaka mas sikat. Siguro kinulam niya ito.

Nabuo ang galit sa aking pagkatao dahil kay Llyn, akin lang si Jason at sa akin lang siya mapupunta. Siguro tama na 'tong ginawa kong pagpapahirap sa kaniya para tuluyan niya ng iwasan si Jason. Tuluyan na kaming umalis sa abandunadong gusali at iniwan do'n si Llyn.

---

Nagdaan ang mga araw at naging normal na ulit ang lahat. Napalapit na ulit ako kay Jason at si Llyn? ayon hindi ko na nakikita. I wonder kung saan siya nagsisitago? Bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong pake. "Nakita mo ba si Llyn?" tanong nanaman ni Jason sa'kin, kanina pa 'to siya. Bakit niya ba hinahanap 'yon? eh nandito naman ako. Hinawi-hawi ko ang kaniyang braso at ito'y hinawakan. "Siguro may sakit 'yon kaya hindi mo makita kanina pa." sabi ko at ngumiti sa kaniya ng matamis. Tumango lang siya sa akin.

Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon