Doll

34 6 0
                                    

It is 3 o'clock in the afternoon and here I am, standing beneath the sun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It is 3 o'clock in the afternoon and here I am, standing beneath the sun. Ang init-init. Nasa'n na ba kasi 'yong babaitang 'yon? Isang oras na akong naghihintay dito. Hindi naman siya tumutupad sa usapan eh.

"Oh nandiyan ka na pala, kanina ka pa ba naghihintay? rinig kong boses na nasa likuran. Lumingon ako at ayon, ang matalik kong kaibigan na si Lara na kasalukuyang nagsusuklay. Inis ko itong nilapitan at sinapak. "Aray naman." rekmalo niya. "Lara ang usapan 2pm! Isang oras na akong nagaantay dito sa MAINIT na sinabi mong meeting place." sabi ko sa kaniya. Diniinan ko pa talaga ang pagsabi ng salitang mainit para malaman niya kung gaano ako nagdusa sa arawan. "Tanga lang Jen? 'di pwedeng sumilong ka muna?" sabi nito sa'kin. Bigla akong natahimik, oo nga 'no? ba't hindi ko 'yon naisip?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay kaming napatawang dalawa dahil sa tangahan ko. "Sige na Jen alis na tayo para maaga tayong makapunta doon." sabi sa akin ni Lara. Hinila niya ako samantalang ako'y nagpadala na rin papunta sa kaniyang motorsiklo.

Pupunta kami ngayon sa isang party, birthday ng isa naming kaibigan. Ang kaibigan ko na 'yon ay may pagkaweird, lalo na 'yong anak niya. I shrugged myself and continue to walk with Lara.

6 o'clock ng gabi kami bago nakarating sa nasabing party. Ang tagal ng byinahe namin. Kung hindi ko lang kaibigan 'to ay hindi naman ako pupunta. "Hello Lara at Jen, kumusta na kayo?" bungad ng aming kaibigang si Anne. Nagkamustahan lang kami. Kwento-kwento hanggang sa mag-start na ang party. Masaya dito, lalo na sa aking patay gutom dahil ang daming pagkaing nakalatag. Habang kumakain ay biglang may humawak ng suot kong palda. Nilingon ko ito at anak pala ito ni Anne. "Hello baby, anong kailangan mo?" sabi ko rito. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at maya-maya'y may inabot na isang cute na manika. "Is this for me?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. I was about to thank her when she ran. Bakit niya naman binigay 'to sa'kin? masyado na akong matanda para sa ganitong bagay. Inilagay ko nalang ito sa isa sa mga bakenteng upuan at nagpatuloy sa pagkain.

Pasado 10 pm natapos ang party. Dahil may motor naman kaming dala ni Lara kaya uuwi nalang kami. Kinuha ko ang panyo sa aking nang magulat ako sa nakita ko sa loob. Ang manika. I literally got goosebumps. How the hell this doll came inside my bag? Lumabas ako ng bahay at tinapon ito sa basurahan.

"Bye Anne! Happy birthday ulit." sabi namin at nagsimula ng umandar ang motorsiklo. Nilingon ko ulit ang bahay nila Anne at nakita ko ang anak niya sa salamin. I directly turned around and focused at the highway. Ang weird talaga ng batang iyon.

1 am nang makarating kami, three hours ang byahe mula sa kanila pauwi dito.

"Bye Jen"

I waved at Lara. Pumasok ako ng bahay nang nabulantang ako sa aking nakita. I saw there at the living room the doll sitting nicely. Kinilabutan ako. Kinuha ko ito at kumuha ng gunting. Pinang-gunting ko ito at sinunog. Ang paranoid kong tingnan na ginawa ko ito para lang sa isang manika. Sino ba naman kasing hindi matatakot? at sino ba naman kaya ang taong nagdadala nito sa akin?

Pumasok na ako sa aking kwarto at humiga na. Today was a tiring yet an enjoyable day. Isama natin ang ka-creepy-han ng anak ni Anne at ng manika nito. Dala ng pagod ay mabilis rin akong nakatulog.

Madaling araw nang ako'y magising dahil sa isang ingay. Bumangon ako sa aking kama at lumabas ng kwarto. Nanggaling ang ingay sa kusina. When I got there, I literally flinched. The doll was there MOVING and finding something. Later on the doll got a knife. Sa aking pagsilip ay bigla kong nabangga ang flower vase na nasa gilid ko. Agad-agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa aking kwarto. Pumasok ako ng closet at doon tumago. Ilang minuto ng katahimikan nang marinig ko ang sumasayad na kutsilyo. Tinakpan ko ang aking bibig dahil maya maya'y mapaingay ako. Natatakot na ako. Nakatakip ang kamay sa aking bibig habang ako'y umiiyak dahil sa takot. Nanlaki ang mata ko nang makitang papunta sa aking kinaroroonan ang manika gamit ang ilang butas ng closet.
Palapit ito ng palitan sa akin habang nakangiti.

Then the door automatically opened.

The dool chuckled. My tears are flowing through my face actively. Lumapit pa siya sa akin ng kauti at itinaas ang kulsiyo.

"I found you."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon