Teacher on 5 pm

18 5 0
                                    

Alas singko ng hapon at wala ng magaaral dito sa aming paaralan pero ako? 'Eto nandito pa rin dahil nagpeprepare ako para sa Christmas Party namin bukas, isa akong class president ng aming room kaya ako ko ang responsibilidad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas singko ng hapon at wala ng magaaral dito sa aming paaralan pero ako? 'Eto nandito pa rin dahil nagpeprepare ako para sa Christmas Party namin bukas, isa akong class president ng aming room kaya ako ko ang responsibilidad.

"Eve wait lang pupunta lang ako ng c.r.," ani ng vice president namin. Tumango ako dito at hudyat ito ng kanyang pag-alis.

Nakakabingi ang katahimikan. Biruin mo, kami lang dalawa ni Hannah ang naiwan rito sa paaralan. This school is scary, they say. Some of them are saying there is a girl here who died, she hung herself and nobody knows what's the reason.

Out of nowhere kinilabutan ako, bigla kasing dumaan ang malamig na hangin sa room kung nasa'n ako. Siguro dahil lang 'yon sa aircon ng room namin, I'm studying in a private school.

I was busy designing the Christmas Tree when someone knocked the door. Nilingon ko ito at may nakita akong teacher, anong ginagawa niya dito? She's holding a book and a small box containing chalks and ballpen. Huwag niyang sabihin na magkaklase siya dito?

"Good afternoon po ma'am" bati ko rito. Ngumiti siya sa akin at pumunta sa table sa harap. "Good morning everyone, I'll discuss now." Bigla akong napatawa ng mahina, baliw ba siya? Ganitong oras magkaklase siya at hapon na ito, hindi umaga.

Sinunod ko nalang siya, umupo ako sa aking upuan knowing na ako lang magisa ang nasa loob ng room. Nasaan na ba si Hannah? Ba't ang tagal niya naman? I diverted my eyes on her and she's right there in the front, discussing lesson that I don't know.

Patuloy lang siya sa pagsasalita sa harap, rinig na rinig ko ang kanyang boses at ito'y nag-e-echo. Alam ko sa mga oras na ito, mayroong mali. Sino ba naman kasi ang magtuturo sa ganitong oras? At ang nakakaiba, hindi siya sa akin nakatingin. Kahit kaninong empty na upuan ang tinitingnan niya na wari'y may ibang tao rito sa loob ng room. Natatakot ako, patuloy na rin sa paglamig ang buong room na nagpakaba pa lalo sa akin.

"Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko?" biglang tanong ng babae sa akin. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin. She was smiling at me when asking that question not until I didn't reponse. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata, "Naintindihan mo ba ang mga sinabi ko?" tanong nito ulit na mas pinalakas ang boses. I can't say anything. Bigla akong nawalan ng laway at hangin sa aking bibig at hindi ako makapagsalita. "Naintindihan mo ba? Eve?" tanong ulit nito na alam kong galit na.

Bigla siyang sumigaw, everything changed from her. Biglang bumabas ang mga dugo sa kanyang mata at nagsisisira ang kanyang damit. She's still shouting while asking her question to me. Pinikit ko ang aking mata, hindi ko na kaya, natatakot ako! Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa takot habang nakatakip sa aking tainga ang aking mga kamay. Patuloy lang ako sa pag-iyak nang bigla itong tumahimik.

I slowly open my eyes, i looked at her again and she's there staring at me. Huli na ako, nakatitig na ako sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hindi na ako nakawala pa.    Alam ko sa mga oras na iyon maaaring mawawala na ako. Umiiyak lang ako ng umiiyak.

"Eve?" rinig kong sabi ni Hannah. I looked at her and I can see in here eyes that she's shocked from what she is seeing. Lumapit siya sa akin bigla ng umiiyak.

Doon ko lang napansin na ang ballpen ay nakatusok sa isa kong mata at napapalibutan ang aking leeg ng mga makakapal ang buhok.

Doon ko lang napansin na ang ballpen ay nakatusok sa isa kong mata at napapalibutan ang aking leeg ng mga makakapal ang buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon