12:00 am

23 6 0
                                    

"Pagod na pagod na ako!" I shouted

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pagod na pagod na ako!" I shouted.

"Hinaan mo lang ang boses mo Yuri baka magising sila mama." saad sa akin ni Marian habang umiinom ng kape.

Nakakagod talagang maging senior high student. Andaming research na pinapagawa. Stress ka na nga no'ng junior high tapos mas pinastress pa! I checked the time. It's nearly midnight. Ilang type nalang sa pag-eencode at ayo'n tapos na ako.

"Marian bukas nalang natin tapusin, malapit ng mag 12 am eh, baka papagalitan na ako ni mama. Alam mo naman 'yon.." sabi ko sa kaniya.

"OA." sabay naming sabi at napahagikgik. She really know me and the things that are surrounded in me. Kinuha ko ang lahat ng aking mga gamit.

"Bye Marian. Kita nalang tayo bukas sa school."

"Sige Yuri, mag-ingat ka."

Lumabas na ako ng bahay nila at nagsimula ng maglakad. Maliban sa gabing-gabi na ito ay may kalapitan lang rin naman ang bahay namin sa kanila. Wala akong sariling motorsiklo o bicycle man lang kaya no choice na maglakad na lamang. I checked again the time.

Its already 12 o'clock.

Isinuot ko sa aking magkabilang tainga ang earphones at nagpatuloy sa paglalakad. I played the song "Banana Pancakes" by Jack Johnson and feel it's smooth vibe. May papikit pa ako ng mga mata at wagayway ng kamay. Ano rin? Wala namang nakakakita sa'kin. Maya-maya'y may bigla akong narinig na kaluskos, kasama ba 'yon sa kanta? I don't think so. Tinanggal ko ang suot kong earphones at nilibot ang paligid. Wala naman akong nakikitang hindi kakaiba kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. I continue to sway my hands then I saw a girl standing on the road.

Nagulat ako. Nakatayo lang kasi siya at nakasuot ng parang magpasiyente sa ospital. Huminto ako sa paglalakad, tiningnan siya at nagmasid. Maya-maya'y kumaway ito sa akin. I saw her smiling because of the light came from one of the streetlights. Kumaway naman rin ako sa kaniya pero bigla siyang natumba. Mabilis akong napatakbo sa kinaroroonan niya. Pero nagulat ako na damit nalang ang makita ko nang ako'y makalapit.

"H-how?.." biglang kong sabi. Nagsitaasan ang aking mga bahalibo. Kasabay no'n ay ang pagdaan ng malamig na hangin. Hinawakan ko ang damit nito. Paano nangyari 'yon? Dala lang ba 'to ang puyat at pagod? I shrugged myself. I was about to walk when someone hold my left foot. Bigla akong napatalon sa takot, nang tingnan ko ito ay nandoon na ang babae sa suot niyang damit. Napaatras ako bigla. I heard her laughing, then she stood up.

"Sino ka?"

"Anong kailangan mo?"

Wala akong narinig na sa sagot sa kaniya but instead, she began crawling differently. If I can describe what she looks like, it would be like Kayako.

Bigla akong napatakbo sa takot. I never turn around. Wala na akong paki kung makakarating ako ng tama sa aming bahay o hindi. Ang mahalaga sa akin ngayon ay matakasan ang babaeng iyon. Habang tumatakbo ay bigla akong natapilok at nagkapulikat. Napaungol ako sa sakit at sa kabilang banda nama'y nagsimula ng umiyak. I can't stand up. Natatakot na ako at baka malapit na siya sa akin.

Then I heard a laugh again. I saw her stopped from crawling next to the trash can.

"No" tangi ko nalang nasabi habang umiiyak. Tumawa lang ito at maya-maya'y biglang gumapang ng mabilis papalapit sa akin. I screamed.

I am now caught off guard. Patuloy lang ito sa paglapit sa akin. Palapit ng palapit ay pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso. Ipinikit ko nalang ang aking mata at hinayaan nalang kung ano man ang mangyayari.

Minutes have passed and everything became quiet. Mabagal akong napamulat ng mata at nakita ang aking sarili sa harap ng aming bahay. Agad-agad akong pumasok sa loob. Hinding hindi na ako maglalakad magisa ng madaling araw.

 Hinding hindi na ako maglalakad magisa ng madaling araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon