Dorm

29 5 0
                                    

Napadaing ako sa sakit matapos maipasok sa loob ng aking dorm ang huling karton na may mga lamang gamit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napadaing ako sa sakit matapos maipasok sa loob ng aking dorm ang huling karton na may mga lamang gamit. Ambibigat. Bakit ba kasi pinadala sa'kin ni mama lahat ng mga 'to? Para na akong lalayas nito eh.

I texted my mother, "Ma nandito na po ako sa dorm. Nadala ko na po lahat ng mga gamit ko."

Nilibot ko ang aking paningin sa kabubuan nito. Ang lawak dito. Hindi ako mahihirapan sa pang araw-araw na gawain. Makakagalaw ako ng maluwag. I'm now a first year college student and the university is far from my home so I decided to move here. Mahirap ito para sa'kin lalo na't first time 'to pero para sa pangarap ko naman 'to eh. 'Pag nakapagtapos na ako maiiaangat ko na sa hirap ang pamilya ko.

Masyado pa namang maaga at sa susunod week pa ang simula ng pasukan kaya nagdesisiyon muna akong linisin ang buong dorm.

Mabilis natapos ang araw at namalayan ko nalang na gabi na. Dahil pagod sa paglilinis ay bumili nalang ako ng pagkain sa labas. Matapos kumain ay naligo ako. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang may marinig ako na tunog. Katok ito mula sa katabi kong dorm. Pinabayaan ko nalang ito at pinagpatuloy ang paliligo hanggang sa ako'y matapos. Kasalukuyan kong pinupunasan ang aking katawan ng towel nang may mahulog sa aking taas ng ilong na isang hibla ng buhok. Maya-maya'y may nahulog nanaman. Patuloy ito na rumarami hanggang sa mapuno ang sahig ng buhok.

Nilingon ko ito sa aking taasan at doon ay aking nakita ang isang babaeng nanlilingas ang mga mata. Mabilis akong napapikit at umupo. Hindi ko na inalintana na wala akong saplot. Natatakot ako ngayon.

Tumagal pa ng ilang minuto at mapagdesisyonan kong imulat ang aking mata. Nandiyan pa kaya siya? Sana wala. I looked up and I released a deep sigh. Mabuti nalang. Siguro dala lang 'yon ng pagod. Lumabas na ako. Nagbihis at humiga na sa kama.

---

3 o'clock ng madaling nang magising ako dahil sa isang ingay. Nanggaling nanaman ito sa kabilang dorm. Isang babaeng umiiyak na parang inuumpog niya ang kaniyang ulo sa pader. Ano bayan ganitong oras magsisiiyak? 'Yan internet love pa charot.

Umalis ako sa kama at nilapitan ang pader. Pinakinggan ko ang iyak ng babae nang may makita akong isang butas. Out of curiousity ay lumapit ako't sumilip. Makikita sa loob ng bahay ang isang lamp na patay-sindi ang ilaw. Sa gilid naman ay maraming sirang upuan ang nagkalat. Hindi ko makita ang babae.

"Venite ad me in inferno."

What does that mean? Hinanap ko kung nasa'n ang babae pero hindi ko ito makita.

"Venite ad me in inferno!"

Bigla akong nagulat nang sumigaw siya. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Holy shit!"

Bigla akong napamura nang makitang sumulpot ito sa aking harapan kung saan ako sumisilip. She's having an eye contact with me.

Sa aking pagtingin sa kaniyang mata ay ang paninigas rin ng aking katawan. Hindi ako makagalaw.

"Venite ad me in inferno!" sigaw nito ulit sa'kin at mas inilapit pa ang kaniyang sarili sa butas hanggang mata niya nalang ang aking nakikita. Bigla nalang akong napasigaw sa takot. Lalaki ako pero hindi na ito biro. Maya-maya'y lumayo siya sa butas at naging dahilan 'yon para makagalaw ako.

"VENITE AD ME IN INFERNO!" patuloy pa rin nitong sigaw. Mabilisan akong napatakbo sa aking kama at tumaklob sa kumot. Habang babai't hindi pa rin mapigilan sa kakasigaw. Napaiyak nalang ako sa takot hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na ako.

---

Maaga palang ay inimpake ko na lahat ng gamit ko. Malaki itong dorm na ito pero nadala na ako sa aking naranasan. I dialed my mother's contact number and call her.

"Good morning Klark, napatawag ka?"

"Aalis ako ng dorm ma. Hahanap ako ng iba."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon