Asylum

23 6 0
                                    

I really want to go home

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I really want to go home. This place is a hell. Nakakatakot sila. Parang kahit anong oras papatayin ka nila sa kanilang mga titig. Ang iba'y nagsisigawan, may iba namang nag-iisa pero parang may kausap, mayroon ding tumatawa, inuumpog ang ulo, may hawak na manika, at ang iba'y kinakaaway ang mga nurse.

I'm Princess Bron. I am living for almost 2 months here in a mental hospital. Nalululong ako sa droga dati. Nawala ako sa tamang wisyo. 2 months ago since I last saw my father. Kumusta na kaya siya? Naalagaan niya kaya ng mabuti ang sarili niya? Sana okay lang si papa dahil miss na miss ko na siya. Ilang araw nalang at makakalabas na ako rito sabi ng doctor. Iniinom ko naman ng tama ang mga gamot na binibigay nila at nakikita nilang nagiging normal na uli ako. Magandang balita iyon sa akin para sa'kin. Sa wakas at makakaalis na ako rito.

"Hi Princess."

Nabalik ako sa wisyo ng dahil sa aking narinig. Nilingon ko ito at si Clair pala. Isa siyang isip bata kung kumilos. May hawak na manika at nakasalapid ang mga buhok. Sa nakikita ko ay siya lang dito ang nakakausap ko ng maayos.

Nginitian ko siya at tumabi siya sa aking umupo. Pinagmasdan ko lang siyang kinakausap ang kaniyang hawak na manika.

I heard the bell ringed.

"Pasok na tayong lahat, kakain na." sabi ng isang nurse. We both stood up and walk back.

Mabilis natapos ang buong araw at ngayo'y matutulog na kami. Nasa pinakagilid ako ng kanang bahagi ng silid at katabi ko naman si Clair. The nurse turned off the lights.

Everything went dark.

Dahil hindi pa ako inaantok ay iminulat ko nalang muna ang aking mata. Halos wala na akong makita. Naisip ko ulit ang aking paglabas. Hindi na ako makapaghintay. Alam kong sa paglabas ko ay may mga pagbabago pero tatanggapin ko nalang ito at magsisimula ulit ng bagong buhay.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin kong tumayo si Clair. Hindi ako gumalaw at nagkunwaring natutulog. Nang makumpirmang malayo na siya ay doon na ako tumayo. Nakita ko siyang lumabas ng silid kaya sinundan ko siya. Maingat akong naglakad sa labas at siniguradong hindi makikita. Gabi na pero nagsilbing ilaw ang buwan. Pumunta siya sa loob ng garden.

Dahan-dahan akong naglakad sa garden at nagtago. Kita ko siyang nakaharap sa isang bulaklak at mayroong bagay na himawakan. Nagulat ako nang bigla itong bumukas at lumitaw ang isang maliit na silid. Anong nangyayari?

Pumasok siya sa loob habang tinatali ang buhok. Ba't parang ibang Clair ang nasasaksihan ko ngayon? Bago pa ito magsarado ay agad-agad akong pumasok sa loob at pasimleng tumago. Nilibot ko ang aking paningin at nasuka sa mga nakikita. Mga bangkay ng tao ang nagkalat. May nakasabit na parang mga karne, nakahandusay sa mesa at mga dugong nakalagay sa transparent na mga containers. Anong klaseng lugar ito? Nilapitan ko ang isa sa mga bangkay at nalula sa aking nakita. Hindi ba si Kina 'to? 'Yong babaeng hinampas si Clair ng plato? Hindi kaya..

"Sino 'yan?"

Dali-dali akong nagtago. Bawat paglapat ng kaniyang paa sa sahig ay ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Lord ikaw na ang bahala sa akin. Dapat hindi nalang ako pumunta dito. Patuloy lang ako sa pagpapanalangin ng nakapikit nang may maramdaman akong bagay na humampas sa aking likuran. Dumilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

---

Nagising ako sa isang malakas na tunog. Pagmulat ng aking mata ay masilaw na ilaw ang bumungad sa akin. Biglang sumakit ang likuran ko. Lumingon ako sa aking gilid at doon ko nakita si Clair na nagtataga ng mga lamang loob. Huminto siya sa kaniyang ginagawa nang mapansing gising na ako.

"Oh you're awake Princess." sabi nito at ngumiti ng nakakaloko. Wala akong naisagot sa kaniya dahil sa takot.

"Bumangon ka." utos nito at sinunod ko.

"Clair ano 'to? Ba't may mga patay?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Habang siya naman ay nakangiti lang sa'kin. "Clair!" sigaw ko na nagpabalik sa kaniya sa kaniyang wisyo.

"Anong nangyayari?" tanong nito. "Ba't may hawak akong gan'to? Ba't may dugo?" dagdag pa nito. Kita ko sa kaniya ang takot. Maya-maya'y bigla siyang umiyak. Bigla siyang bumalik sa dating siya. Lalapitan ko na sana siya nang magsimula itong tumawa ng nakakaloko.

"Siguro hindi mo pa talaga ako kilala Princess." sabi nito at biglang nilapit sa akin ang hawak niyang kutsilyo. Napahiga ako sa sahig at napadaing sa sakit. Nanatili lang siyang nakatayo habang dinidilaan ang dugong nasa gilid ng kutsilyo.

"Clair.."

"Nalaman kong aalis ka na pala dito." sabi nito habang papalapit sa akin habang nakangiti. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa magbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.

"Hindi maaari."

Bigla akong napasigaw nang pagtatagain niya ang aking binti.

"HINDI MAAARI!" paulit-ulit nitong sigaw habang patuloy sa kaniyang ginagawa. Patuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Sa huli'y tumigil siya na hingal na hingal.

"Sige na nga. Papayag na ako na makaalis ka." saad nito at ngumiti.

"Pero.."

"Papahirapan muna kita." sabi nito at sinimulang akong balatan.

Parang hindi na yata ako makakalabas ng buhay dito.. I love you Pa.

 I love you Pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon