Pulang Lobo

17 5 0
                                    

"So what's up guys! This is your daily vlogger, Ara!" masigla kong wika habang nakaharap sa camera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So what's up guys! This is your daily vlogger, Ara!" masigla kong wika habang nakaharap sa camera.

"Today's vlog ay bibisita tayo sa isang abundoned building. It was the most requested kaya pagbibigyan ko kayo. Para rin sa inyo 'to," sabi ko habang nagsisimula ng maglakad.

"Sana mag-enjoy kayo sa aking video. Before you continue watching, don't forget to like the thumbs up and the subscribe button. It will help me alot." dagdag ko pa.

The sun is starting to rise up and here I am, walking to the abundonded building. It's a risky act for me. Hindi lang dahil ang lugar na 'yon ay nasa labas ng aming subdivision at nasa kagubatan, kundi dahil it was abundonded! Hindi ko alam ang naghihintay sa aking pangyayari. Sino ba naman kasi ang may gustong pumunta doon? Kung hindi lang dahil sa mga supporters ko ay hindi ko ito gagawin.

"As you can see, nakalabas na ako ng aming subdivision at diretso na tayo sa gubat," nakangiti kong sabi sa camera. Habang naglalakad ay patuloy lang ako sa pagrecord at nagcocome up ng mga pwedeng sabihin para hindi magmukhang kaboring-boring ang aking vlog.

Naglalakad ako patungo sa gubat nang may makasalubong akong matanda. "Ija tulong!" sabi nito. Kita ko sa kaniya ang takot. Nang mapansing papalapit ito sa akin ay inihinto ko muna ang aking pagrerecord. "Okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong ko sa kaniya.

"Pulang lobo." paulit-ulit nitong sabi.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtataka kong tanong sa matanda. I waited for him to speak pero wala akong narinig. Patuloy lang ito sa pag-iyak sa aking harapan.

"B-basta h'wag na h'wag kang pupunta doon," pagbabanta niya sa'kin at tinuro kung nasaan ang abandunadong gusali na aking pupuntahan. Akma na sana akong magsasalita nang bigla itong tumakbo habang patuloy na sinasabi ang salitang "pulang lobo."

Anong mayroon doon? Bakit binabawalan niya ako?

May namuong takot sa aking loob. Itutuloy ko pa ba ito? Ayokong mapahamak ang aking sarili. I was thinking of a decision when I received a message.

"Hello ate Ara, I'm rooting for your upcoming vlog. Goodluck! Always takecare po," basa ko sa message sa'kin ni April, one of my loyal supporter. A sudden light came into my hope. Wala namang mawawala kung susubukan natin 'di ba? Just believe in yourself and call for guideness from Lord Jesus.

Buo na ang desisiyon ko. Itutuloy ko na ito.

---

"Look at the ground, it's full of dusts and rotten meat." sabi ko habang vinivideo-han ang aking mga nakikita. It's already noon and I'm now checking what's inside of this building.

Ang baho rito. Kung hindi matibay ang iyong sikmura tiyak na masusuka ka talaga. This is the last room of the building and I'm getting finish. Wala namang iba dito. Natural lang na abandunadong gusali na napagiwanan ng ibang mga bagay.

Napabuntong hininga ako nang maitapos ko na ang pagrerecord. Ang tanging gagawin ko na ngayon ay umuwi na nang makapagpahinga na ako't mai-edit 'to. I packed all my things and exited from the building.

Habang naglalakad pabalik ay hindi ko makita ang gate palabas ng gubat. Nandito lang 'yon kanina ah. Nilibot ko ang aking paningin pero wala talaga. Maya-maya'y biglang umulan ng malakas kaya napagdesisiyon kong bumalik sa building. Kung minamalas nga naman.

---

Gumabi na't ang ulan ay hindi pa rin tumitigil. Ang lamig-lamig rito at walang signal ang aking phone. Paano na ito? Gutom na gutom na ako't ang dilim-dilim. Tanging ang flashlight ko lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng isang room.

"You want a company?"

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan nang may marinig na nagsalita. Lingon ako ng lingon pero wala akong nakikitang kung sino. Hindi ko alam na may ibang tao pala dito. Tumayo ako at hinanap kung saan ito nanggaling.

"Hello there."

Napalingon ako sa aking likuran at nakita sa labas ng sirang bintana ang nakangiting clown. Kumaway ito sa'kin at biglang tumakbo. It creeps me out. Paanong nagkaroon ng ligaw na clown dito? Tumakbo ako palabas at sinundan ito. I saw him entering a room kaya tinungo ko rin ito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa'kin ng lakas para sundan pa siya.

Nang pasukin ko ang gusali ay wala akong nakitang clown. Maraming diyaryo ang nagkalat at mga buto. Nilibot ko ang kabuuan nito at may nakitang c.r. Sa labas palang ay kita ko na agad ang clown na nakatalikod. Mukha itong umiiyak.

"Hello, okay ka lang?" tanong ko rito habang papalapit. Hindi ito nagsasalita. Lumapit pa ako rito. Akma ko na sanang hahawakan ang kaniyang likuran ng humarap ito sa'kin at kinakagat ang aking kamay. Napasigaw ako. Tinangka ko itong alisin sa kaniya pero ayaw niyang bitawan.

"Aray, bitawan mo'ko---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang pumaibabaw ito sa akin. Humarap ito sa'kin at nagulat ako nang halikan ako rito. Sa kaniyang paghalik ay ang pagpasok sa aking bibig ng hindi ko mawaring tubig. Malapot ito at ang sakit sa lalamunan. Napapikit ako dahil sa takot.

Sa aking pagpikit ay ang pag-alis niya sa aking ibabaw. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagulat ako sa aking nakita. Napatayo ako bigla sa aking kinahihigaan at umiyak. Nanginginig at hindi ko magalaw ang aking katawan. Nasa rooftop na ako ngayon at maraming clowns ang nakapabilog sa akin. Lahat sila nakangiti ng nakakaloko.

"Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako," sabi ko sa kanila pero mukhang wala man lang kaawa-awa sila sa akin. Tama nga ang sinabi ng matanda, dapat hindi ako tululoy dito. Ngayon ko lang pinagsisihan ang aking ginawa.

Nagsisimula na silang lumapit sa akin pero wala man lang akong magawa. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Maya-maya'y biglaang pinutol ng isang clown ang aking isang kamay kaya't napasigaw ako. Tiningnan ko ang aking nahiwang kamay ay bigla itong naging kulay pula at biglang naging lobo. Ito ba 'yong sinasabi ng matanda kanina.

"Pakawalan niyo na ako---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sabay-sabay na nila akong pinangsasaksak at hinihiwa ang aking iba't-ibang parte ng kawatan. Wala na akong nagawa pa at natumba nalang habang tinitingnan ang aking mga katawan na nagsisibaguhan sa pagiging pulang lobo. Huli na nang hiwain nila pati ang aking ulo't nawalan ako ng malay.

 Huli na nang hiwain nila pati ang aking ulo't nawalan ako ng malay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Horror Oneshot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon