I'M NOT SUPPOSED TO LOVE YOU 1

817 15 2
                                    


KABANATA 1

Umiinom si Alex kasama ang mga kaibigan sa isang bar

"Lex, alam mo nagtataka ako sayo." sabi ni Thea na nagcelebrate ng birthday at nanglibre sa kanila.

"Bakit naman?" si Alex.

"Kasi, wala ka man lang boyfriend at ayaw mo rin mag-entertain ng manliligaw. Why?"

Bahagyang natawa si Alex shortcut for Alexandra.

"Akala ko naman kong anong problema sa akin."

"Why?"

"Ayaw ko lang, nakakapagod ang relasyon. I'm good being single. Okay?"

"Parang may something ka na hindi magandang karanasan sa pag-ibig ah." sabat naman ni Kylie na isa pa nilang kaibigan at kasamahan din sa trabaho.

"Huwag n'yo nga akong problemahin, okay lang ako. Pwede ba mga lovelife nalang ninyo ang asikasuhin ninyo at baka mawala pa yan."

"Sus! Kung makaiwas naman. Ahh! Basta may ipakikilala kami sayo at gwapo siya." si Thea.

"Hay naku! Tigilan n'yo nga ako."

"Darating sila ngayon kasama ng pinsan ko na si Drake."

Nakakunot ang noo ni Alex.

"Huwag ka ngang kj sayang 'yan ganda mo sis, kaya go with the flow ka nalang." si Kylie.

Hindi nalang siya kumontra kasi alam niya na hindi pa rin siya titigilan ng mga ito. Napabuntong hininga nalang siya. Maya-maya dumating na ang ibang bisita ni Thea kasama ang pinsan niya at mga kaibigan nito na sina Marco at Carlos.

"Hi!" bati ni Drake ng makalapit ito sa kanila kasunod ang kanyang mga kaibigan.

"Hello!" sabay naman binati nila Thea, Kylie at Sam. Samantalang nakayuko lang si Alex na nagpipindot ng cellphone at halatang hindi siya interesado sa mga dumating.

Nagbeso-beso ang lahat maliban kay Alex na hindi tumitingin. Nang makaupo na sila ay siniko ni Kylie si Alex na katabi n'ya.

"Hoy! Grabe ka naman, tingnan mo naman sila kahit saglit at ang gagwapo ng mga kaibigan ni Drake.

Hilaw na ngumiti si Alexandra ng ipakilala ang mga kasamahan ni Drake sa kanila ngunit napawi ang pagkakangiti n'ya ng magkatinginan sila ni Marco. Parang nahinto lahat at nagbalik ang kahapon.

Nine years ago.

Isang Senior student si Marco at Junior naman si Alexandra. Malapit na magkaibigan sila Marco at Alex at pareho sila ng pinapasukang University.

"Ang tagal mo naman." reklamo ni Marco ng minsan hinihintay niya si Alexandra sa school para sabay silang umuwi dahil magkapitbahay lang din sila sa isang Village.

"Kasi naman, itong Prof. namin dami pang-pinagawa at hindi pa kami pinalabas kaagad."

"Tara na, gutom na ako. Sigurado ako kanina pa tayo hinihintay ni Mommy." sabay tayo ni Marco at kinuha ang mga gamit ni Alex.

"Gutom agad?! 11: 40 pa nga. Takaw mo talaga."

"Syempre! Hindi pwedeng malipasan ang gwapitong tulad ko noh." tinaasan pa siya ng isang kilay na pa-astig ang dating.

Pinagbuksan muna ni Marco si Alex ng pinto bago sumakay ng kotse.. Palage silang magkasama simula ng high school at malapit na magkaibigan ang kanilang mga pamilya at dahil dito maging sila ay naging matalik na magkaibigan din. Kahit matanda ng dalawang taon si Marco sa kanya ay hindi hadlang para magkalapit sila.

I'm not supposed to LOVE you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon