CHAPTER FOUR
***
Aries's Pov
Tapos na yung lunch time namin kaya sabay sabay kaming bumalik sa classroom.
Umupo na kami sa assigned sits namin. Dahil medyo late yung next teacher namin, nagpunta muna sila Namjoon sa may pwesto namin nila Jungkook at Hoseok para makipagkwentuhan samin.
“Oh meron pa akong joke. Ano ang gulay na maputi?” Tanong ni Hoseok samin. Teka alam ko yun! Nabasa ko yun sa facebook eh.
“Putito.” Simpleng sagot ko at nagtawanan kaming walo.
“Eh ano naman naman yung mas maputing gulay?”
“Masputito.” Sabi ko at nagtawanan naman sila pwera kay Hoseok.
“Ang daya, pag ako nagjojoke binabara niyo ako. Pero kapag si Aries, happiness kayo.” Nakapout na reklamo ni Hoseok.
“Ewan ba namin. Ang lakas kasi nang pagkakadeliver ni Aries kaya natatawa kami!” Matawatawang sabi ni Namjoon.
Gosh, nahahawa na ako kay Hoseok. Marunong nadin akong magjoke. Matutuwa ba ako o maiinis? Ewan!
“Cr lang ako ah?” Pagpapaalam ko at lumabas na nang classroom.
Pagkapasok ko sa cr, pumasok sa unang cubicle at nagcr na. Pagkalabas ko, nasa labas yung tatlong clown at halatang inaabangan ako.
“Nerd, we meet again.” Sabi ni Mica at hinawakan yung buhok ko. Nagpumiglas ako pero hinawakan nung dalawa nyang letseng alipores yung dalawang kamay ko.
Isang malakas na sampal yung natanggap ko at halos mapaupo na ako.
“Layuan mo sila. Lalo na si Jungkook. Akin lang sya kaya wag kang magtatangkang agawin siya sakin. Sabagay, baka patulan ka? Don't forget that you're a nerd. And you don't belong here.”
“D-di niyo pa ako k-kilala.” Sabi ko habang nakatingin sakanya nang deretse.
Umupo naman siya para magkapantay yung mukha namin at saka niya dinuroduro yung noo ko.
“Aries Shin, the great nerd.” Nakangisi nyang sabi at umalis na kasama yung alipores nya.
Aish! That b*tch! Punong puno na ko, first day ko pa lang dito?! Bwiset! May araw talaga kayo sakin!
Bumalik na ako sa classroom at halos kasabay ko lang din dumating yung teacher namin.
Bago ako umupo, tumingin ako kay Mica. As usual, masamang tingin nanaman. Sige lang.
Pagkaupo ko, ngumiti lang sakin si Hoseok kaya't nginitian ko din sya. Bumulong naman sakin si Jungkook.
“Napano yang pisngi mo? Ba't may sugat?” Kinapa ko naman yung pisngi ko at shit! May sugat nga! Bwiset talaga!
“W-wala 'to. Nakamot ko lang siguro.” Pagdadahilan ko. May kinuha naman siya sa bag nya. Di ko alam kung ano.
Habang naglelecture ako, nagulat ako nang iharap niya yung mukha ko sakanya at dahan dahang nilagyan nang band-aid yung pisngi 'ko.
“S-salamat.” I said and he smiled at me. A sweet one.
-
“I'm home” Matamlay na sigaw ko. Binaba ko na yung bag, at tinanggal na yung salamin ko sa sofa at naupo don at sumandal at tumingala.
Mayamaya lang, narinig ko na may bumababa sa hagdan. Malamang, si Mama yun.
“How's your first day?” Tanong niya agad sakin.
“Fine” Bored na sagot ko habang nakatingala parin.
“Did you already meet him?”
“Yeah, his my classmate. And also my seatmate.”
“Thats good.”
Sandali kaming natahimik nang magsalita uli sya.
“Kaibiganin mo sya.” Maimpluwensyang sabi nya sakin pero tinignan ko lang sya at tinaasan nang kilay.
“Kunin mo ang loob nya. Kapag nakuha mo na, gawin mo na.” Sabi nya sakin at umakyat na.
![](https://img.wattpad.com/cover/26555236-288-k84554.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd in Disguise
Teen FictionGaling ka 'DAW' sa pamilya nang mga gangsters. Kaya wag kanang magtaka kung magiging gangster kadin. Pinalaki ka nila, sinanay sa pakikipagpalaban. Pero paano kapag binigyan ka nang misyon nang mga magulang mo? Ang 'patayin' ang anak nang karibal ni...