NID 10

1.2K 37 0
                                        


Scared To Death - KZ Tandingan play niyo po yung nasa multimedia. :)

CHAPTER TEN

***

*Toot* *toot* *toot*

Naalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Pagkadilat ko nang mata ko, nasa langit na ba ako? Bakit puro puti lang nakikita ko? Medyo gumalaw ako at naramdaman 'kong may mahapdi sa tagiliran ko.

Si Mama na natutulog sa may tabi ko habang hawak hawak yung kamay ko ay nagising na at agad akong chineck.

“Anak, Aries okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong kailangan mo?” Sunod sunod na tanong niya sakin.

Napangiti naman ako dahil sa wakas, naramdaman ko na din ang kalinga ng isang tunay na ina.

“O-okay lang po ako ma, wag po kayong magalala. Eh kayo po, okay lang kayo?” Tanong ko, nag nod naman siya at ngumiti lang ako.

“A-asan po pala si Jungkook?” Tanong ko pero biglang nagiba yung itsura ni Mama. Medyo kinabahan naman ako doon.

“A-aries”

Flashback ....

“Kung hindi din naman pala mapapasakin ang anak mo eh mabuti nang patayin ko nalang sya!” Sabi ni Alice kay Arissa.

“Ano ba talagang gusto mo, Alice?!”

“Ang magdusa ka Arissa. Gusto kong maging miserable buhay mo para maramdaman mo din kung anong naramdaman ko dati!”

“Hindi kapa ba masaya?! Pinatay mo na nga si Kristoff, tama na yon! Wag mo nang idamay si Aries kaya't pakawalan mo na ang anak ko!”

“Alice! Parang awa mo na, itigil mo na 'to! Hindi ka ba naaawa? Bata yan! Wag mong idamay kung ano mang nangyari sating tatlo!” Sabi naman nang Mama ni Jungkook. Si Jungkook naman ay nasa likod lang ng mama nya at hindi mapakali dahil kahit anong oras, kayang patayin ni Alice si Aries.

“Bakit?! Naawa ba kayo sakin nung halos magdusa ako nung nagpakasal kayo ni Kristoff!? Huh! Panahon na para maging miserable ang buhay mo, Arissa!” Sabi ni Alice.

Kinisa na ni Alice yung baril at itinutok na kay Aries na kasalukuyang nakatali at nakaupo.

*bang!* *bang!*

Dalawang putok nang baril ang tumama sa tagiliran ni Aries.

“Aries anak!” Sigaw ni Arissa. Gusto nyang sumugod pero pinigilan sya ni Jungkook at tumakbo.

Bago pa mapaputukan uli ni Alice si Aries, agad na sumigaw at humarang si Jungkook kay Aries.

*bang!* *bang!* *bang!* *bang!*

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Limang bala ang tumama sa parte nang mga katawan ni Jungkook.

“Jungkook!” Umiiyak na sigaw ni Aries at pinilit na makalapit sa binata.

“A-aries” Utal utal na sabi ni Jungkook kay Aries at hinawakan ang mga pisngi nito.

“I-ilove y-you. S-sorry kung d-di kita hinayaang magp-paliwanag.”

“Ssh, don't say sorry. Ako dapat magsorry sayo.” Isang ngiti lang ang natanggap nya mula kay Jungkook.

“J-jungkook, p-please lumaban ka. W-wag mo naman a-akong i-iwan agad o-oh” Isang ngiti muli ang natanggap niya at dahan dahan nang pumikit si Jungkook.

Dumating na yung pulis at agad kinuha si Alice. Nanghina naman si Aries kaya't nawalan na din sya nang malay.

End of flashback ...

“Ma n-nasan s-siya?”

“N-nasa operating room sya anak.” Malungkot na sabi sayo nang Mama mo. Napaluha kanaman nang marinig mo iyon. Tanging alam mo lang ay kasalanan mo kung bakit nangyari iyon kay Jungkook.

“Iiwan muna kita anak ha? Ichecheck ko lang ang Tita mo at si Jungkook.” Sabi ng mama mo at hinalikan ka sa noo.

Naiwan kanamang nakatulala habang sunod sunod ang pagpatak ng mga luha mo.

Hindi mo naisip na aabot pala hanggang dito, naisip mo din na sana nung una palang di mo na tinanggap yung misyon.

Napatingin ka naman sa may pintuan at napangiti. Anim na lalake, may dalang bulaklak, prutas, pagkain, teddy bear at kung ano ano pa.

B-bts” Naiiyak na sabi mo. Agad naman silang lumapit sayo at pinalibutan ka.

“Okay ka na ba, Aries?” Tanong sayo ni Jimin.

“May sumasakit paba sayo?” Tanong naman ni Suga.

“May dala akong santol, pinitas ko yan para sayo.” Sabi naman ni Namjoon at ipinakita pa sayo yung isang plastic ng santol.

“Madami akong joke na hinanda.” Sabi ni Hoseok.

“May dala akong teddy bear na pink oh~” Sabi ni Jin at inabot sayo yung teddy bear.

“Sana maging okay kana.” Malungkot na sabi ni V.

Napangiti kana lang bigla, ang swerte mo kasi may mga taong nagaalala sayo.

“H-hindi kayo g-galit sakin?” Nahihiyang tanong mo.

Sabay sabay naman silang umiling.

“Hindi kami galit sayo, galit kami sa ginawa mo.” Sabi ni V at ngumiti.

“S-sorry” Umiiyak mong sabi.

“Ssh, wag kanang umiyak.” Pagpapatahan nila Jin at Jimin sayo.

“Basta ang mahalaga, nakulong na si Alice. Antayin nalang natin resulta ni Jungkook.” Sabi ni Rapmon. Nagnod kanaman kaya naggrouphug kayong pito.

Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon