NID 2

2.2K 56 2
                                    

CHAPTER TWO

***

Aries's Pov

"Nandyan na lahat nang papers na iaabot mo sa principal nang University na papasukan mo. Pinaayos 'ko na lahay yan kaya wala kanang poproblemahin. Basta gawi mo nalang yung pinapagawa ko sayo." Sunod sunod na sabi saakin ni Mama. Nagnod nalang ako at pumunta na sa kwarto ko.

First day ko na ngayon sa Eastton University. Oo, dyan ako magaaral at magpapanggap na nerd. Diyan kasi nagaaral yung, misyon ko.

Naligo na ako at nagayos. Sinuot 'ko na din yung uniform ko. Cute sya, pero mas cute ako.

Hindi 'ko na masyadong sinuklay yung buhok ko. Di na din ako masyadong nagayos. Basta nagsuot lang ako nang isang salamin. Nerd na ako.

Pagkatapos 'kong magayos, bumaba na ako at nagpaalam kay Mama. Pero as usual, di nya nanaman ako pinansin. Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid na sa EU.

-

"Welcome Ms. Aries Shin in Eastton University." Masayang bati sakin nang principal pagkapasok 'ko sa opisina nya.

"Thankyou po." Sabi ko at nag bow.

"So, bibigyan kita nang map nang school para hindi ka maligaw. Nandyan nadin yung schedule at room mo."

"Okay po."

"Enjoy your first day in here, Ms. Shin."

"Thankyou po." Sabi ko at umalis na nang opisina.

Tinignan ko yung schedule ko, mamaya pa namang 10am umpisa nang klase ko. Magiikot-ikot muna ako dito sa campus. Wala naman sigurong masama diba?

Mukha namang matitino mga estudyante dito. Pero may iba namang mukhang hindi matitino. Katulad nalang nitong tatlong babae na masamang nakatingin sakin at 

*BOOGSH*

Napaupo ako sa lakas nang pagkakatulak niya sakin.

"Oh my god. I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Maarteng sabi nya at nilahad sakin yung kamay niya pero agad nya din itong binawi dahilan para mapaupo uli ako.

"HAHAHA" Tawanan nilang tatlo.

"Bakit may nakapasok na nerd dito sa campus?" Mapangasar na sabi nung isang clown -- este babae pala.

"Oo nga, nakasalamin ka na nga tatangatanga kapa." Sabi naman nung isa.

"Alam mo nerd, hindi ka nababagay dito sa University na 'to. Bawal ang mga weirdo dito! Kaya kung ako syo, magtatransfer nalang uli ako sa ibang Universiy because you don't belong here!" Sabi nung parang leader nila at tinulaktulak ako. 

"T-tama n-na." Naiiyak na sabi ko habang nakayuko. Sige lang, ganiyanin nyo lang ako. May araw din kayong tatlo sakin.

Hindi padin nila ako tinigilan. Pinagtripan nila ako, tinanggal yung salamin ko at binasag. Kung ano anong pinagsasabi sakin, pero umaacting lang ako na umiiyak at walang laban. 

Yung ibang estudyante naman na dumadaan, halata mo sa mata nila na gusto nila akong tulungan pero di nila magawa. Bakit? Kasi natatakot sila. Na baka sila naman ang ibully nang tatlong clown na 'to. Oh my god. Natatakot sila sa tatlong to? Eh wala namang binatbat to panigurado eh! Antayin lang talaga nila na matapos yung misyon ko.

"HOY!" Huminto yung tatlo sa pangtitrip sakin at tumingin sa mga lalaking sumigaw.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Pitong lalaki lang pala kailangan para mapahinto 'tong mga gago na to eh?

"Kayong tatlo nanaman?" inis na sabi nung may  blonde na gray na buhok.

"N-namjoon. I-its not what you thi--"

"Pagbilang 'ko nang tatlo dapat wala na kayo sa harapan namin." Maotoridad na sabi nung kulay orange buhok.

"TATLO!" Sigaw nya at dali daling nagsitakbuhan yung mga clown.

"Miss, okay ka lang?" Tanong sakin nung maliit habang tinutulungan akong makatayo. Siraulo pala 'to eh. Tatanungin ako kung okay lang ako eh halata namang hindi? Tss, sintido kumon please?

"O-oo." Pagkukunwari ko at nanatiling nakayuko.

"Bago ka lang dito no?" Nakangiting bati sakin nung isa. Tumango naman ako.

"N-nako late na ko! S-sige u-una nako! S-salamat!" Sabi ko at dali daling tumakbo. Late naman na talaga ako eh. Bwisit kasi yung tatlong clown na iyon eh.

Habang naglalakad ako, pasimple 'kong tinignan yung litrato nung misyon ko. Tama nga ako, sya nga yung isa dun sa pitong lalaki kanina.

Mukhang mapapadali yung misyon ko ah? Tss.

Nerd in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon