Mabilis kaming nakauwi at gaya nga ng sabi niya ay nagluto siya para sa aming dalawa. Sa apat na taon naming kasal ngayon palang ako kakain ng kasalo siya, ngayon palang ako kakain na siya ang nagluto. Nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam. Nakaka excite.
"Anong pwede kong maitulong?" Mahinang tanong ko. Kanina pa ako nakamasid sa kanya at ako na lang din ang nailang sa ginagawa ko.
"None, much better kung magbihis kana muna."
May hawak hawak siyang sandok at may suot siyang apron. Bakit parang mas masarap yung nagluluto?
"O-okay" sagot ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at mabilis na umakyat.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. May iba akong nararamdaman sa pinapakita sa 'kin ni Dean at alam kong hindi maganda 'to. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang totoong kailangan niya.
Nagbihis na ako ng pambahay ko at bumaba na pero hindi ko pa nasasara ang pinto ko ay narinig ko na ang boses ni Dean mula sa baba.
"Yes mom," si Dean.
"Opo, alam ko naman ang ginagawa ko. And yes mama, hindi ko nakakalimutan ang plano," rinig ko pang sabi niya at na curious naman ako.
"That's the plan mom and I don't forget, isa pa ay madali na lang sa akin 'to. I'll break her hanggang sa bumitaw siya, si Mika ang mahal ko at ginagawa ko 'to para sa kanya." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. malamig na dagdag pa ni Dean.
Napatakip naman ako sa bibig. I knew it! Muli na naman akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Pumasok ako ulit sa kwarto ko at dun ko pinakawalan ang mga luha ko.
Akala ko pa naman totoo na ang mga pagbabagong pinapakita niya yun pala plano lang lahat nila ng nanay niyang bruha. Sabi na eh! Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko dahil may ganito pala silang pina-plano. Napaka sama nila.
Gusto niya na ako ang makipaghiwalay? Okay, makikipaghiwalay ako. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila, sobrang sakit na. I don't deserve this kind of pain. Sobra sobra na ang pagtitiis ko.
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone kong tumutunog, nang tignan ko kung sino ang caller ay mabilis kong inayos ang sarili ko bago sinagot ang tawag.
"Mommy!" Masiglang sabi ko.
"Anak, kamusta ka jan?" Tanong ni mommy pero parang ang lungkot lungkot ng boses niya.
"Okay lang po ba kayo? May problema po ba?" Tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya. I know my mama, masiyahin siyang tao at pag malungkot siya ay madali mong mahahalata.
"Anak, kelan ka ba uuwi dito?" Rinig ko ang mahinang pag hikbi niya kaya mas lalo akong nabahala.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ko. Kinakabahan ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
Loving Dean [COMPLETED]
General FictionAnne and Dean story. Sabi nila masarap daw ang mag mahal pero mas masarap sa pakiramdam pag mahal ka ng taong mahal mo. Pero paano kung yung taong mahal mo e puro sakit ang binibigay sayo? not physically. You did everything for your love but still...