Chapter 8

80 6 0
                                    


"Saan ka pupunta?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni mommy. Nagbabalak na naman akong maghanap ng abogadong tatanggap sa kaso ko, this time ako naman muna mag isa. Hindi ko kasi alam kung may balat sa pwet sila Regina at Daniel eh. Pag wala akong nahanap na ako lang mag isa, hahanapin ko na sa pisngi ng pwet ko kung may balat ba ako.


"Sa tabi tabi lang mom, may ipapabili ka?" Tanong ko. Umupo naman siya sa higaan namin ni Dean, oo higaan na namin dahil tumatabi siya sakin sa pag tulog, siguro dahil wala siyang choice o baka napipilitan lang. Pero kahit ganun ay hinahayaan ko na lang siya, gusto ko rin naman na komportable siya sa pag tulog niya at masarap din sa pakiramdam ang pag yakap niya sakin na hindi niya namamalayan.


"Hindi naman ako na inform na may ganong lugar na pala," malumanay na sabi ni mommy pero mahihinuha mo pa rin ang sarkasmo.


"Ay, hindi mo pa pala alam yun mom?" Kunwaring gulat na tanong ko. "Don't worry mom, dadalhin kita don minsan." Matamis ko siyang nginitian pero tanging irap lang ang natanggap ko.


"Anak, okay ba kayo ni Ralph?" Tanong ni mommy nang lumipas ang ilang minuto.


"Yes mom, bakit mo naman naitanong yan?" Naiilang na tanong ko. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni mommy kaya hinanda ko na ang sarili ko dahil paniguradong mahaba habang usapan ito. Hindi ko pa napa plano kung papaano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng abogado at pag nangyari yon pwede ko na sabihin sa kanila ang totoo.


"Hindi ko lang kayo pinapakelaman pero alam kong hindi kayo okay." Si mommy at napasimangot naman ako.


"Edi congrats po kasi malakas ang instincts niyo ahihihi." Pilit kong pinapasigla ang atmosphere pero sinamaan lang ako ni mommy ng tingin kaya marahas akong napabuga ng hangin.


"Eh bat pa po kayo nag tanong?" Tanong ko at mahina naman niya akong pinalo sa legs.


"Ikaw talagang bata ka hindi kana makausap ng maayos." Dama ko ang lungkot sa boses ni mommy kaya nawalan ako ng imik. "Umuwi ka nga dito pero laging ang mga kaibigan mo naman ang kasama mo nitong mga nakaraan, miss na miss kana namin ng lola mo. Kung ganyan lang din naman ang nangyayari edi sana pala hindi kana lang umuwi." Napayuko ako ng makita kong may tumulong luha sa mata ni mommy.


Iyakin


"Alam kong may pinagdadaanan kayo ni Ralph, but I'm here anak, handa akong pakinggan ka. Kung hindi mo pa kayang mag sabi maghihintay ako." Dagdag pa ni mommy at parang mas nadurog naman ang puso ko. Kung ganon lang sana kadali magsabi ng saloobin sana matagal ko na ginawa.


"Ralph is a good man anak, kaya nga hindi kami nagsisisi na siya ang napakasalan mo, na siya ang minahal mo. Dahil alam namin ng lola mo na siya ang makakapag pasaya sayo, na siya ang mag bubuo sayo ulit, na siya ang mag mamahal sayo hanggang sa huli." Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi ni mommy. Tama siya, Ralph Dean is a good man. Pero hindi sa akin, mabuting tao siya sa ibang tao pero pagdating sa 'kin nagiging halimaw siya. Pero kahit ganon hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya, sadyang napapagod lang talaga ang puso ko kaya gusto ko na bumitaw.

Loving Dean [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon