Chapter 17

86 5 0
                                    


"Komportable kaba dito?" Tanong ni Patricia nang dalawin niya ako dito sa kwarto niya. Pangalawang gabi ko na dito at nahihiya na ako sa kanila. Namamaga pa ang mata ko dahil kakatapos ko lang umiyak ulit. Hindi ko pa kayang harapin si Dean. Hindi muna ngayon, siguro bukas pag may sapat na akong lakas ng loob. Damang dama ko din ang mahinang pag pump ng puso ko na siyang ikinakabahala ko. Mas naging malala ang pag kirot ng dibdib ko at pagkawala ng hangin ko na nagiging dahilan ng biglaan kong pag tumba at mabuti na lang ay nakahiga lang ako lagi.


"Yes, okay lang ako. Tabi na lang tayo dito," aya ko. Nakaupo siya sa kama at katabi niya ako.


"Gustuhin ko man pero hindi pwede, ayokong maabala ka sa pag tulog mo kaya kay Ford na lang ako tatabi." Sagot niya na siyang nakapag panguso sakin. Noong una nag tataka ako kung bakit magkaiba sila ng kwarto then kanina lang nila sinabi sakin na hindi pala talaga sila at normal lang sa kanila ang maging sweet sa isa't isa. "At hindi rin payag si Ford dahil baka nga hindi ka makatulog ng maayos, mas gugustuhin niya daw na siya ang guluhin ko kesa ikaw haha," Natatawang sabi niya kaya napangiti na din ako. Still thankful na nasa tabi ko si Patricia at Ford dahil kung hindi, paniguradong mababaliw ako.


"Ang hirap pala mag buntis 'no?" Tanong ko at tumango naman siya.


"Sobra, gigising ka madaling araw dahil sa biglaang cravings tapos andami pang bawal," sabi niya. "Pero sobrang sarap sa pakiramdam. Excited na nga akong makita siya e." Nakangiting sabi niya at hindi ko na naman maiwasang mainggit. High school pa lang ako pangarap ko na ang mag ka baby pero nag ka asawa na ako't lahat wala pa din.


"Kelan kaya ako mag kaka anak?" Malungkot na tanong ko habang nakatingin sa tiyan niya. "Pero bago ako mag ka anak dapat asikasuhin ko muna annulment namin ni Dean, tas hahanapin ko yung para sakin talaga." Malungkot akong ngumiti. Nagtatalo ang isip at puso ko kung bibitawan ko ba si Dean o kakapitan pa. Naalala ko ang pangako ko sa sarili na huling pagkakataon na ito.


Naramdaman ko ang pagyakap ni Patricia sakin, niyakap ko siya pabalik at ilang segundo lang ang lumipas ay bumitaw din kami sa pag kakayakap sa isa't isa.


"Magpahinga kana, magpapahinga na rin ako. Goodnight, Anne," nakangiting sabi ni Pat. Nag goodnight lang ako sa kanya pabalik pagkatapos ay umalis na siya. Humiga ako at tumingin sa ceiling. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin at iisipin ko. Naguguluhan ako at nasasaktan.


Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Regina, kailangan ko ng makakausap.


"Hello?" Inaantok na tanong ni Regina, sigurado akong umaga na sa pilipinas.


"Nagising ba kita?" Mahinang tanong ko at alam kong hindi na natago ang lungkot na nararamdaman ko.


"Hindi, sakto lang tunog ng alarm ko sa pag tunog ng phone ko. May problema ba?" Bakas ang pag aalala sa boses niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na naman ako, luha na hindi maubos ubos dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Hey, what happened? Tell me, Anne." Malumanay ang boses ni Regina na para bang sinasabi nito na 'Sige lang, andito lang ako, hindi kita bababaan ng telepono.' Mahina lang ang mga naging hikbi ko dahil ayokong magising sila Ford na nasa kabilang kwarto lang.

Loving Dean [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon