Chapter 23

80 5 0
                                    


Marie Anne's pov

"Ayan! Healed na ang ilong mo." Pumalakpak si mommy na para bang masayang masaya. Tumingin naman ako sa salamin para tignan ang ilong ko. Healed na nga ito at peklat na lang panigurado pag natanggal ang pinaka balat ng sugat, hindi naman malaki ang sugat kaya okay lang din kahit mameklat.


"Anak, are you happy?" Nahinto ako sa pag check ng sugat ko dahil sa tanong na yun ng mama ko.


"Yes naman mom, bakit po?" Nakangiting tanong ko.


"I am glad na masaya kana pagtapos ng mga sakit na napagdaanan mo." Mahinang sabi ni mommy kaya humarap ako sa kanya at niyakap siya.


"I'm glad too mom, I mean, being happy is my choice. Oo masakit yung naranasan ko pero I know na mas madaming tao out there na mas nahihirapan at patuloy na nahihirapan. Kaya bakit pa ako dadagdag sa kalungkutan ng mundo?" Nakangiting sabi ko at humiwalay naman siya sa pagkakayakap sakin.


"I heard that you and Jillian already talked." May bahid ng pag aalala ang boses ni mommy. "Are you okay? May ginawa ba siya sayong hindi maganda?" Nag aalalang tanong niya.


Ngumiti naman ako at umiling. "We're in good terms now mom, and I am happy kasi tanggap na ako ng biyenan ko," nakangiting sabi ko. Nakita ko naman ang walang ekspresyon na mukha niya. "Galit kapa rin ba kay mama?" Tanong ko.


Huminga naman ng malalim si Mommy bago tumalikod at lumapit sa kama namin ni Dean para umupo.


"Sinong hindi magagalit? Nanay mo ako, Marie Anne. Kahit sinong ina magagalit pag nalaman nilang sinasaktan at hindi pinapakisamahan ng maayos ang anak nila." I can see the anger in my mom's eyes at naiintindihan ko siya, crystal clear. "Nanay mo ako, inalagaan kita-binigay namin ang lahat para sa'yo, ginawa ko ang best ko para mapabuti ka tapos ano? Malalaman ko na ganyan ang ginagawa sa'yo? Ang mas nakakagalit pa eh nanay din siya. Nanay siya kaya paano niya nagawa sa'yo ang mga bagay na 'yon? Paano niya naatim na hindi ka itratong tao man lang samantalang may anak din siya, ayaw niya rin na maranasan ng anak niya yon." Huminga ng malalim si mommy dahil sa tuloy tuloy niyang pananalita.


Kung nagsumbong ako kay mommy noon baka ginera na niya si mama Jill noon pa lang at ayoko mangyari 'yon kaya nanahimik ako ang kaso may katapusan din ang pananahimik ko at kailangan kong isiwalat ang lahat sa kanila. Saksi ako sa gigil at galit ni mommy noong nagsabi ako sa nangyayari sa Canada. Gusto niyang mag utos ng tao para iganti ako kay mama Jillian na mabuti na lang hindi niya ginawa dahil napigilan din nila Daniel.


"Hindi kita masisisi. But mom, mama Jillian changed. I know it's hard for you to accept her but try to give her another chance, maybe this time she won't mess up? Tsaka nakaraan na ang lahat ng iyon, nangyari na so let's just move on and forgive." Nginitian ko si mommy pero tanging buntong hininga lang ang natanggap ko kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.


"You told me dati na if a person changed, give them a chance kasi everyone deserves a chance. And I am giving mama Jillian a chance not just for myself but also for Dean. Mama Jillian is a family, nagkamali siya pero pinagsisihan naman na niya 'yon. Also, ayokong mahirapan din si Dean especially ang sarili ko. Ayokong mag tanim ng galit sa kahit na kanino." Mahinang sabi ko sakto lang para marinig niya. "Alam kong malaki ang hinihiling kong pabor pero try mo lang na bigyan ng chance si mama Jillian, kung hindi mo pa rin siya matanggap after, then hahayaan na kita mom. Just this one, for me and Dean." Hinalikan ko si mommy sa pisngi.

Loving Dean [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon