"Nakakaloka ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" Yan agad ang binungad sakin ni Regina nang magising ako.
Nawala na kahit papaano ang hilo ko pero dama ko pa rin ang sakit ng katawan ko, lalo na ang paa ko. Naalala ko ang mga pangyayari at hindi ko mapigilan ang sarili ko at napangiti ako.
"Desperadang makalabas eh." Natatawang sagot ko at isang masamang tingin naman ang natanggap ko mula kay Regina. Tahimik namang nakikinig si Daniel samin.
"Alam kong hindi ka masaya sa asawa mo pero Dai! Wag ka naman mag pakamatay!" Si Regina. "Paano ka pa madidiligan ng magiging second husband mo kung mamamatay ka?"
"Hindi ako magpapakamatay, okay? Nagkataon lang na yung babaeng black belter sa taekwondo yung nandon. Kesa mabugbog edi tatalon na lang ako," sabi ko at napahinga naman sila nang malalim.
"Edi pano na? Bukas ng umaga ang flight natin," si Regina. May pag aalala sa mukha niya kaya naman inayos ko ang mukha ko.
"Kaya ko naman, onting pahinga lang tapos okay na!" Nakangiting sabi ko.
"Nagpa book na rin ako ng flight, sasama na ako sa inyo pauwi. Ako na ang aalalay sa'yo." Napalingon kami ni Regina kay Daniel.
"Ha? Eh, diba meron kapang business meetings dito?" Takang tanong ko.
"Yung secretary ko na lang ang papalit sakin," seryosong sagot niya.
"Kaya naman namin, Daniel." Ayokong makaistorbo pa sa kanya. Hindi ko hahayaan na ako pa ang maging dahilan ng pag liban niya sa mga meetings niya. Alam kong mabuting tao ang isang 'to at ayoko namang abusuhin 'yon. Aba baka mamaya ay di na ako makaulit.
"Alam ko namang kaya niyo, but I want to help," sagot ni Daniel at sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ni Regina.
"Sis, hayaan mo na yung tao. Ang intindihin mo yung asawa mo dahil paniguradong hinahanap kana ng asawa mo." Inirapan ako ni Regina pagkatapos ay tumingin ito kay Daniel. "Tinawagan nga ako non kanina, galit na galit, hinahanap ka." Umirap si Reg. "Alam mo, minsan hindi ko maintindihan 'yang asawa mo eh, ayaw sa'yo pero di ka naman mapakawalan."
"Hindi pa siya tapos sa pagpapahirap sa akin eh," mapaklang sagot ko na ikinahinga naman nilang dalawa ng malalim.
"Kaya tama lang talaga na ikaw na ang umalis, layasan mo na 'yang asawa mong baliw na baliw sa ex niyang mukhang ewan." Muling umirap si Reg at tinignan si Daniel. "Sama ka ha!" Nakangiting sabi ni Regina at napangiti naman si Daniel bago tumango.
"Bakit ganon?" Tanong ko at sabay naman silang napatingin sakin.
"Ano yon?" Sabay din nilang tanong kaya mas napangiti ako. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at bumuo ako ng puso.
BINABASA MO ANG
Loving Dean [COMPLETED]
General FictionAnne and Dean story. Sabi nila masarap daw ang mag mahal pero mas masarap sa pakiramdam pag mahal ka ng taong mahal mo. Pero paano kung yung taong mahal mo e puro sakit ang binibigay sayo? not physically. You did everything for your love but still...