To kuya Jovi and my bff Noel, salamat sa pag papagamit niyo sakin ng name niyo! Lovelots.
~Kayle
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Lola..." pagtawag ko sa atensyong ni lola. Busy siya sa pag babasa ng reports galing sa company at masyado pang maaga para umalis ako at pumunta sa building. Iba't ibang klase ng biscuit ang business ng pamilya, noong una ay simpleng stall lang ang meron kami hanggang sa lumago ng lumago dahil sa sipag ni lolo kaya ang simpleng stall ay naging café, nadagdagan din mga tinapay ang mga biscuits kaya mas lumago ito dahil nagustuhan talaga ng mga tao. May sarili din kaming pagawaan ng mga biscuits na na imbento nila noon at isipin ko pa lang ang mga yon ay sumasakit na ang ulo ko. May sariling taga gawa naman kami ng mga pastries, I tried doing it on my own nung nag visit kami sa isang cafe namin, it's fun but tiring. Andaming kailangan i-bake at gawin.
"Yes?" Tanong niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasa. Medyo strict si lola pagdating sa business, sobrang iniingatan niya kasi ang naiwan ni lolo sa kanya. Pag dating naman sa pamilya ay malambing si lola at laging nakangiti kaya nasanay na ako kung minsan ay masungit siya.
"I'll go straight to the point, lola. Why me? You know naman na hindi ko kakayanin I-handle ang business natin diba? Akala ko po ba okay na sa inyo yun kaya hinayaan niyo akong mamuhay ng simple." Umupo ako sa visitors chair na nasa harap niya.
Tinitigan naman muna niya ako bago tuluyang ibaba at itabi ang binabasa niya. "Apo, ikaw ang lang naman ang nagsasabi sa sarili mo na hindi mo kaya pero kami—ako at ang mommy mo naniniwala kami sayo at isa pa kung buhay at nandito lang ang daddy at lolo mo paniguradong may tiwala din sila sayo at alam kong alam nila na kaya mo. And why you?" Nangunot ang noo ni lola bago natatawang nagsalita. "Apo, you are my only apo and you know na lahat ng mana at pag aari ko at ng mommy mo ay mapupunta sayo. This is just a half, marami pang mapupunta sa'yo, Iniisa isa ko lang." She winked at me. Lihim ko namang pinagalitan ang sarili dahil sa hindi ko paghiling ng kapatid noong nabubuhay pa si daddy.
"I think it's time for you to stop wanting a simple life, kasi sa mundong ginagalawan natin walang simple. I know I'm giving you too much obligations and responsibilities but as you can see, I don't have any choice kundi ang ibigay sayo 'to dahil sa hindi na ako ganon kalakas... And we all know na anytime ay pwede na lang akong mawala," malumanay na sabi pa ni lola at unti unti ko naman siyang naiintindihan.
"Lola..."
Hinayaan nila akong mamuhay ng simple at mukhang ito na ang oras para umakto naman akong anak at apo ng isang mayamang pamilya. Kung nagtitiwala sila sakin then magtitiwala din ako sa kakayahan ko at hindi ko hahayaan na mawala ang pinaghirapan nila dahil sakin.
"Lola, bakit si Dean? I mean, anjan naman si Vince or si Reg or si Daniel para tulungan ako, even mommy." Huminga ako ng malalim bago tinitigan sa mata si lola. "You know what happened between me and Dean," Mahinang sabi ko.
Hinawakan ni lola ang kamay kong nasa lamesa, "Apo, I know you love Dean so much and kahit hindi mo sabihin alam kong ayaw mong makipaghiwalay sa kanya. Let's just say na another chance para sa inyo ang pag lalapit na ito at sana this time magkaroon na ng laman ang tiyan mo." Nakangising sabi ni lola at napanganga naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving Dean [COMPLETED]
Genel KurguAnne and Dean story. Sabi nila masarap daw ang mag mahal pero mas masarap sa pakiramdam pag mahal ka ng taong mahal mo. Pero paano kung yung taong mahal mo e puro sakit ang binibigay sayo? not physically. You did everything for your love but still...