Chapter 12

73 6 0
                                    


Anne's pov

Ilang linggo na ang lumipas mula nang ma-hospital na naman ako, naging maingat ako sa mga pinag gagawa ko para hindi ako mahirapan. Hanggat kaya ay hindi ako gumagawa ng ikakapagod ko or ikasasama nang damdamin ko.


Hindi ko rin pinapaalam kay Dean ang patungkol sa nalaman ko at laking pasasalamat ko din na sa ibang hospital niya ako nadala. Ayokong sabihin kay Dean ang karamdaman kong ito, hindi ko alam pero ayoko talaga. Parang may pumipigil sakin na sabihin sa kanya ang lagay ko.


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dean, naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa tiyan ko. Tinignan ko ang repleksyon namin sa salamin at parang natutunaw sa saya ang puso ko.


Mula nang mahospital ako ay nagbago ang pakikitungo niya sakin, naging sweet, maalaga at responsable siya. Para tuloy kaming masayang mag asawa. Hindi rin namin napagusapan ang nangyari sakin, hindi niya ino-open ang topic na siyang pabor sakin dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan na sasabihin ko. Minsan iniisip ko kung bakit biglang nagbago siya, baka naumpog at nagising sa katotohanan na dapat ako ang mahalin niya. Odiba, hibang.


"Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko," sagot ko at hinawi naman niya ang buhok ko palikod. Dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko, nag bibigay ito ng kiliti at na tu-turn on ako. Sabayan mo pa na sobrang lambing ng boses niya. Rupok.


"Sinong kaibigan?" Tanong niya at agad ko namang naisip si Regina, pero hindi pa man ako nakakasagot ay hinarap na niya ako sa kanya. "Mag iingat okay? Tawagan o i-text mo ako pag gusto mong sunduin kita o kung may kailangan ka, okay?" Malambing na sabi niya at nakangiting tumango naman ako.


Nakakapanibago ang mga pinapakita at kilos niya pero aaminin kong natutuwa ako ng sobra dahil sa pagbabago niya. Pansin ko rin na ilang araw niyang iniiwasan ang ina niya at si Mika, dahil nung nakaraang araw na pumunta ulit sila dito ay inaya ako ni Dean umalis, biglaan ang pamamasyal namin at hindi ko naman siya tinanong pa kung bakit parang iniiwasan niya ang ina. Samantalang sa tuwing nandito naman ang ina niya at si Mika ay matatalim na tingin ang natatanggap ko sa mga ito. Nilalayo lang ako ni Dean sa kanila na siyang ikinakagulo ng isip ko.


"Ikaw? Hindi ka aalis?" Tanong ko at umiling naman siya.


"Dito ko na lang gagawin ang mga trabaho ko," Sagot niya at napapikit naman ako ng halikan niya ako sa noo. Nakakataba ng puso.


"Ihatid na lang kaya kita sa pupuntahan mo," Suhestiyon niya na mabilis kong inilingan.


"Ano kaba, wag na. Sandali lang din naman ako dun, babalik ako agad," sabi ko at bumuntong hininga naman siya. Hindi niya pwedeng malaman kung saan talaga ako pupunta.


"Basta tawagan moko pag may problema ha? Or if ever na magbago ang isip mo at gusto mo magpasundo just text me or call, I'll fetch you." Muling paalala niya at tumango naman ako. Siya na ang nag book ng taxi at inihatid pa ako hanggang sa makapasok sa taxi. Huminga ako ng malalim at sinabi sa driver ang pupuntahan namin.


Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad ako papasok, parang gusto kong mag back out pero hindi pwede, ilang linggo na ang lumipas at alam kong ito na ang oras para malaman ko lahat. Kailangan kong alamin ang patungkol sa nararamdaman kong ito kaya kahit na kinakabahan ay nilakasan ko na lamang ang loob ko.

Loving Dean [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon