Chapter 6

66 6 0
                                    


It's been one-month mula nang umuwi ako dito sa pilipinas. Okay naman ang lahat, bumubuti ang lagay ni lola at naalala ko pa yung time na grabe ang iyak niya at ayaw niya akong pakawalan sa pagkakayakap nang makita niya ako. Para siyang walang sakit nung time na yun at laking pasasalamat ko talaga dahil unti unti na ang pagbabalik ng lakas niya.


Gusto kong magtagal pa ang buhay ng lola ko, sobrang mahal na mahal ko siya—sila ni mommy. Alam kong hindi pa ako handa pag nawala ang lola ko, I mean... sino ba naman ang handang mawalan ng pinakamamahal diba?


Si Lola ang naging pangalawang nanay ko at sila ni mommy ang tumayong nanay at tatay ko. Parehas silang maagang nawalan ng asawa pero kinakaya nila para sakin. Masakit, mahirap pero binabalewala nila yung sakit para lang hindi ko maramdaman yung nararamdaman nila. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makipag hiwalay kay Dean. Ayokong sisihin nila ang sarili nila dahil sa nangyayari sakin ngayon. Oo, sila ang nag push samin ni Dean para mag pakasal pero akong ako rin ang may gusto nun at kahit anong pag e-explain pa ang gawin ko, paniguradong sarili pa rin nila ang sisisihin nila.


Sa totoo lang, gustong gusto ko na sabihin sa kanila na nahihirapan na ako, na hindi ko kaya, na gusto ko na bumitaw pero hindi ko magawa. Ilang gabi kong sinusubukan na tumawag sa kanila para magsumbong noong nasa Canada pa ako, kahit ngayon, gustong gusto kong mag sumbong sa kanila kaso sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nila pag napag uusapan namin si Dean, umuurong yung lakas ng loob ko. Malaki ang tiwala nila kay Dean. Akala nila masaya ako at alagang alaga pero kabaliktaran ang lahat ng iyon. Pero gaya nga ng sabi ko sa sarili ko noon, hangga't kaya kong mag titiis, mag titiis ako.


"Hey beautiful!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Daniel. Kasalukuyan kaming nasa macoffeeling ka, naisip lang namin magkape at mag kwentuhan.


"Kanina kapa?" Tanong niya na inilingan ko.


"Sakto lang," sagot ko. Mula nang makalabas si lola sa hospital ay hindi na kami nagkita ni Daniel. Busy ako sa pag aalaga kay lola at busy naman si Daniel sa business niya, mukhang bumabawe dahil sa mga iniwan niyang business meeting sa Canada.


Umorder si Daniel ng para saming dalawa at nang mai-serve ay nagsimula na kaming magkamustahan. "So kamusta ang pinakamagandang nurse sa buong coffee shop na 'to?" Tanong niya na inirapan ko.


"It's good, nakakapagod lang minsan pero worth it naman," sagot ko. Ako ang pansamantalang nag aalaga kay lola bukod sa nurse niya. Nakakapagod ang gawain pero gustong gusto ko naman. "Eh ikaw? Kamusta naman ang pagiging business man mo?" Balik tanong ko at nakita ko naman ang pag simangot niya.


"Nakakairita! Ang demanding ng ibang stock holders tapos si Daddy, gusto niya on time lagi. Like, seryoso ba sila? I don't want to be a businessman! Never kong pinangarap yun." Kitang kita ang inis sa gwapong mukha ni Daniel kaya napangiti naman ako. I love it, nasasabi namin ng komportable sa isa't isa ang mga gumugulo o rants namin sa buhay.


"Ayaw mo pala eh, bat mo ginagawa? I mean, ikaw na mismo nag sabi, you don't want to be a businessman kaya anong dahilan ba't nag i-stay kapa? Ba't pinipilit mo pa?" Tanong ko.


"Ayokong ma-disappoint si daddy at mommy sakin. I'm doing this shit for them, kaya kahit hirap na hirap ako eh kinakaya ko na lang," mahinang sagot niya.

Loving Dean [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon