Prologue(Volume 1)

25 0 0
                                    

Christian's POV
"Master Christian! Master!" Dinig kong tawag ng yaya ko sa akin. "Ano ba iyon?" Inaantok kong sagot. "Bumaba na po kayo at gusto kayong kausapin ni Master Zhou!" Hala! Bakit kaya ako gustong kausapin ni ama?!

Ako nga pala ang gwapo at machong chinito na si Christian Jake Zhou, 17 yrs. Old, Grade 11 student ng St. Roche Highschool, nanggaling ako sa pamilya ng mga mayayaman. Ang ama ko ay isang chinese businessman at ang aking ina ay isang Pilipina. Sa madaling salita half chinese ako, halata naman sa apelyido ko diba. So ayun na nga, bakit kaya ako pinapatawag ni ama?! Kadalasan kasi nagkikita lang kami ni ama kapag may importanteng okasyon tulad ng birthday ko at pasko. In short, minsan ko lang siya makita, kapag gusto niya lang.

"Master! Kung di kayo magmamadali, baka si master Zhou na ang pumunta dito!" Sigaw sa akin ni yaya. "Sandali lang yaya!" Takot na takot talaga kami kay ama kasi maikli lang ang kanyang pasensya at kapag naubos iyon kahit ika'y anak pa niya hindi niya sinasanto. Patakbo akong bumaba para kay ama. "Ama! Patawad po at nagising ako ng late," humingi ako ng tawad kay ama upang di siya magalit.

"Christian, lumapit ka sa akin," mahinahon niyang sabi. "Sige po ama.." lumapit ako ng marahan tnx god at di siya galit. Lumapit ako sa kanya ng mabilis ngunit... "Walang hiya ka! Christian Jake Zhou! Isa kang kahihiyan sa pamilya natin! Bakit ganito ang mga grado mo sa school!?" Ansakit nasuntok ako ng sarili kong ama... parang gusto kong umiyak...

Simula pa bata tinuring niya na kaming mga anak niya na parang sundalo na susunod sa gusto niya, binibigay niya ang gusto namin pero ang kapalit ay mapasaya siya. Likas na matatalino ang angkan namin at parang ako lang ata ang hindi nabiyayaan ng talino...

"Sumagot ka Christian!Bibigyan kita ng dalawang buwan.. Pag hindi mo naayos ang grado mo... tuluyan kitang ipatatanggal sa school mo at babawiin ko ang apelyido mo!" Pagkatapos niya ung sabihin ay umalis na siya. Kami ang may ari ng school na pinapasukan ko kaya parang ako na rin ang may ari nito... Nakakainis! Dahil lang sa Grades ko matatanggal ang apelyido ko... Ano ang gagawin ko?

Reign's POV
"Ale, ito po" hay nakakapagod ang araw na ito. "Salamat iha," sagot ng customer ko... Simula noong malugi ang negosyo ng aming pamilya, kinailangan ko ng magtrabaho para sa pamilya ko. Kinailangan kong lumipat ng school kung saan may scholarship at doon yun sa St. Roche Highschool, hangga't nananatiling mataas ang grades ko makakapag aral ako... Kinailangan ko maghanap ng tatlong trabaho upang mapakain ang pamilya ko... Hay finally tapos na ang araw na to, bukas ay pasukan na naman kaya kailangan ko magpahinga... Ako nga pala ang palaban ngunit maganda pa ring si Reign Chavez, 16 yrs, old at isang Grade 11 student.

Umuwi na ako sa bahay at natulog... hindi na ako nakakain sa sobrang pagod... Ano na naman kayang mangyayari sa akin bukas? Madalas kasi akong magisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap at alam niyo ba tuwing ginagawa ko to laging may nangyayari sa akin na maganda... let's see ano kayang mangyayari sa akin?

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now