✧ fifty-two

715 49 10
                                    

T H I R D  P E R S O N

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

T H I R D P E R S O N

Tahimik na natutulog si Yohanne habang busy sa pagse-cellphone si Sunshine. Saglit niyang tinignan si Yohanne at nakitang nanginginig ito kaya naman dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot nito.

Tumambad sa kanya ang basang basa na damit ni Yohanne. Muling napadako ang paningin nito sa matipunong pangangatawan ng binata at napalunok.

Tigilan mo nga yang kaharutan mo, Sunshine Hwang!❞ Bulong niya sa kanyang sarili sabay sapak sa sarili.

Lumapit siya sa malaking closet ni Yohanne at halos mapanganga ito sa sobrang organized ng mga gamit ni Yohanne. Kumuha siya ng simpleng white t-shirt at binalikan si Yohanne.

Yohanne, mag-bihis ka muna. Pawis na pawis ka❞ sabi ni Sunshine at umupo sa gilid ng kama niya.

Wala paring sagot si Yohanne kaya napabuntong hininga ito at napilitang bihisan si Yohanne. Naka-sweat pants lang ito at t-shirt.

Dahan dahan niyang itinayo si Yohanne at hinubad ang suot na damit nito.

Jusko, tukso layuan mo ko!❞ Bulong ni Sunshine sa kanyang sarili nang matanggal nito ang suot ni Yohanne.

Pinunasan niya muna ang pawis sa katawan niya pero sa kalagitnaan ng pagpunas niya ay bumagsak muli ang katawan ni Yohanne.

Uy Yohanne!❞ Sabi nito pero nanatiling tulog si Yohanne. Muli siyang napa-buntong hininga at tinuloy na lang ang pagpahid sa pawis nito.

Kailangan pa bang punasan yan?❞ Pag-tukoy nito sa abs ni Yohanne.

❝Oh diyos ko! Bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito?❞ Bulong ni Sunshine sa sarili.

❝Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan, Shine!❞ Pag-eencourage niya sa kanyang sarili.

Dahan-dahan niyang inilapat ang towel na dala niya sa tiyan ni Yohanne at mabilis na pinunasan ito.

Aalis na sana ito ngunit nagulat na lang siya nang mahuli ni Yohanne ang kamay ni Sunshine at hinila na naman ito papalapit sa kanya.

Nagsimulang mag-wala ang puso ni Sunshine nang marealize niya na ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Halos ayaw na huminga ni Sunshine sa kinalalagyan para lamang hindi makagawa ng anumang galaw na ikapapahamak nilang dalawa.

Yohanne pilipit na tawag niya sa binata ngunit hindi niya na nakontrol pa ang susunod na nangyare.

Ipinulupot ng binata ang kanyang braso sa beywang ni Sunshine kaya't ramdam na ramdam ng dalaga ang init ng katawan ni Yohanne. Idinikit nito ang pisngi niya kay Sunshine na nakapag-dulot ng kuryente sa kanyang katawan.

❝Y-yohanne kabadong sabi nito.

❝Stay with me. Don't leave yet sa ngayon ay hindi na maipaliwanag ni Sunshine ang nararamdaman niya.

TO BE CONTINUED..

❛Clown❜┇C.YJ x H.YJ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon