THIRD PERSON'S POV
❝Baby, asan na ba silaaa? Dapat dun na lang tayo sa bahay niyo eh edi sana kina-cuddle mo ko ngayon❞ nakangusong sabi ni Yohanne kaya naman napatawa na lamang si Sunshine.
❝Ang clingy mo❞ natatawang saad ni Sunshine at piningot ang ilong nito.
❝Atleast ako clingy, ikaw nga hindi mo man lang masabi na 'Yohanne, hug mo ko' yun lang hinihintay ko, Sunshine Hwang!❞ Mas lalong natawa ito sa sinabi ni Yohanne.
❝So gusto mo ng ganun ako?❞ Nakangising tanong ni Sunshine.
❝Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga❞ sa totoo lang, kung tatanungin si Sunshine ay timping timpi na itong halikan si Yohanne dahil sa sobrang cute nito.
❝Oh sige ah. Wag ka magrereklamo pag ako naging ganyan❞ pagbabantang sabi ni Sunshine.
❝Of course, simulan mo na ngayon❞ confident na sabi ni Yohanne.
Umayos ng upo si Sunshine at tumingin ng diretso. Pero nagulat na lang si Yohanne ng bigla itong lumingon sa kanya ng nakanguso.
❝Yohanne baby, hug mo ko❞ pa-cute na sabi nito habang naka-spread ang dalawang braso nito.
❝HAHAHAHAHAHAHAHA❞ napanguso naman si Sunshine nang biglang tumawa ng malakas si Yohanne.
❝Anong nakakatawa?❞ Blankong tanong ni Sunshine.
❝Ang cute mo kase eh. Isa pa nga❞ hinampas nito ang balikat ni Yohanne.
❝Heh!❞ Sabi nito at tumalikod na para bang nagtatampo.
Ilang minuto lang ay halos mapunit ang labi niya sa kakangiti nang maramdaman niya ang magkapares na brasong nakayakap sa kanya.
❝Sorry na. Ang cute mo kase eh❞ sabi nito at napanguso habang nakapatong ang mukha nito sa balikat ni Sunshine.
❝I love you❞ dagdag pa ni Yohanne.
❝I love you too❞ nakangiting tugon ni Sunshine.
❝WOOOOOH! PDA!!!❞ Sigaw ni Troye kasama ang iba pang kaibigan nito.
❝Wala ka lang jowa❞ singit ni Lucy na nasa likod niya lang.
❝Wala nga. Gusto mong mag-apply?❞ Nakangising sabi nito at kinindatan si Lucy.
❝Yuck! No thanks❞ sabi nito at umirap.
❝Alam niyo, nasusuka na talaga ako makita 'tong dalawang 'to. Halika na bago pa ako tuluyang masuka❞ reklamo ni Jullien.
❝Napaka-sama. Di ka lang gusto ni Kuya Rian eh❞ nakangusong sabi nito at inakbayan si Yohanne.
❝Hoy! Aba!❞ pinagtawanan siya nila Julia kaya naman napa-cross arms na lang ito at nanahimik.
❝Tara na. Iwan na namin kayo. In-update lang namin kayo. Baka kase nakakalimutan niyong andito kami kakalandi niyo diyan❞ masungit na sabi ni Julia.
❝Sorry na po❞ natatawang sabi ni Yohanne.
❝Oh siya siya. Alis na kami. Kita na lang tayo sa parking lot❞ sabi naman ni Elijah at hinila si Julia.
━━━━━━━━━━━━━━━
❝Tabi na kase tayooo!❞ Pangungulit ni Yohanne. Nag-paalam si Yohanne na makiki-sleepover siya kila Sunshine at napapayag niya naman agad si Rian.
❝Ayoko!❞ Sabi ni Sunshine at tumalukbong ng kumot.
❝Ayaw mo na ba sakin? Di mo na ako love?❞ Napailing na lang si Sunshine at hinila papalapit sa tabi niya si Yohanne.
❝Love kita. Wag ka na madrama diyan❞ bulong ni Sunshine bago yakapin pabalik si Yohanne.
❝Tama lang pala yung pangalan mo sayo 'no?❞ Nakangiting sabi ni Yohanne.
❝Huh? Bakit naman?❞ Tanong ni Sunshine.
❝Kase ikaw yung nag-bigay ng liwanag nung mga panahong mag-isa ako. Napapasaya mo ako palagi pag kausap kita❞ napangiti na lang si Sunshine.
❝Sweet mo. Kaya mahal kita eh❞ sabi ni Sunshine at piningot muli ang ilong nito.
❝Mahal kita, Sunshine❞ inaantok na sabi nito.
❝Mahal din kita, Yohanne❞ sabi ni Sunshine bago ipikit ang kanyang mata at matulog sa tabi ng taong mahal niya.
THE END..
BINABASA MO ANG
❛Clown❜┇C.YJ x H.YJ✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Ikaw yung babaeng nangyakap sakin diba? Crush mo ko 'no?❞ ➳ In which a random girl hugs Yohanne Choi when he was wearing a Clown costume. 「ᴛxᴛᴢʏ sᴇʀɪᴇs #1」 ➤ Choi Yeonjun x Hwang Yeji [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗𝚊𝚛𝚛𝚊𝚝�...