✧ six

942 67 13
                                    

Y O H A N N E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Y O H A N N E

❝Ayan, okay ka na. Mamaya-maya, pwede ka na pumwesto dun sa may fountain. 5 pa lang naman eh❞ bilin sa akin ni Walter hyung. Tumango lang ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

School fair namin ngayon at isang linggo na namang walang klase. Ngayong opening ng school fair, halloween ang theme since malapit na ang november.

Nag-phone muna ako habang hinihintay na mag-6 para maka-pwesto na ako dun sa may fountain.

Uy Yohanne!❞ napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko agad si Jullien.

Juls!❞ Sabi ko at inapir-an siya.

❝Sila Troye?❞ Tanong niya.

❝Sus, si Brix lang hinahanap mo eh❞ kunwaring pang-aasar ko pero binatukan niya ako agad. Potek, bigat pa naman ng kamay ng babaeng 'to.

Ulul! Bakit ko hahanapin yung kupal na yun. Nagtaka lang ako kase mag-isa ka❞ sabi niya at umupo sa tabi ko.

Lagi naman akong mag-isa❞ Biro ko sa kanya pero binatukan lang ako. Napaka-sadista talaga.

❝Drama mo. Mag-sama kayo ng tropa mo❞ natawa na lamang ako saka muling nag-salita.

Bakit ka pala andito?❞ Tanong ko sa kanya

Naka-pwesto ako sa horror house eh. Ginawa akong white lady❞ sabi niya at umirap.

❝I feel you, juls. Di ka nag-iisa hahaha❞ sabi ko lang.

Yohanne! Tara na❞ sabi ni Ezekiel hyung habang nakadungaw sa pinto.

❝Sige, Jullien. Una na ako❞ sabi mo at tinanguan niya lang ako.

Dati kaseng magka-MU si Brix at Jullien tapos itong si Jullien naman ay humingi ng space dito kay Brix kase may aayusin daw siya dahil may nagalit na student sa kanya sa kabilang section dahil kay Brix pero nabalitaan na lang din namin nun na may iba na palang gusto 'to si Brix. Ngayon namang bumabalik siya kay Jullien, ayan di na siya ine-entertain. Bobo eh.

Nagku-kwento kase sakin yun at sakin din nanghihingi ng advices. Syempre hindi naman matino kausap sila Troye eh. Ayun lang ang patunay na ako talaga yung pinaka-matino saming magto-tropa.

Nag-simula na akong manakot ng mga estudyanteng napapadaan malapit sa may fountain. Yung fountain na 'to ay nasa gitna mismo ng school grounds. Alam mo yung pagpasok na pagpasok mo pa lang nitong school, bubungad na agad sayo 'tong malaking ground na 'to. Dun ako naka-pwesto.

AAAAHHH!❞ sigaw ng mga estudyante na mapapadaan sa harap ko. Sus, sa gwapong kong 'to dapat nga lapitan pa nila ako eh tss.

Nanakot ako hanggang sa iilan na lang ang pumapasok na estudyante.

There was this girl na papalapit sa akin. Katamtaman lang ang tangkad niya para sa isang babae pero mas matangkad parin ako sa kanya. Singkit ang mga mata at nakasimangot ito. Feeling ko mas maganda siya pag naka-ngiti.

Papalapit na siya at handa na akong manakot.

❝Boo!❞ Sabi ko at tumayo mula sa fountain.

Blanko niya lang akong tinignan na para bang wala man lang bakas ng takot sa mukha niya. Nanatili lang ako sa pwesto ko hanggang sa halos magulat ako dahil niyakap niya ako.

That time, naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagka-bigla. Bigla na lang din nagwala yung puso ko. Normal pa ba yun?

❝Ayoko na, palagi na lang ganito❞ rinig kong sabi niya sabay ng pag-hikbi niya.

Parang kusa na lang na gumalaw ang katawan ko at niyakap din siya pabalik at dahan-dahang tinapik ang likod niya

She was just a girl, ni hindi ko siya kilala but why do I really felt weird. What was that?

TO BE CONTINUED..

❛Clown❜┇C.YJ x H.YJ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon