Safra
Dahil sa sobrang kahihiyan ay nanakbo ako paalis sa Dancing Room na yun.
Napatigil ako sa garden at doon sumigaw ng pagkalakas-lakas.
"You're so stupid Saf." sigaw ko. Determinado naman ako na walang makakarinig kasi nandito lahat ng estudyante ay nasa kanya-kanyang klase maliban sa dalawang lalaki na nakita ko sa dancing room.
Hanggang sa..
"Why are you shouting out? Are you stupid." cold na tanong nung lalaking di ko alam kung sino yun?
Kasi di ko pa siya nililingon.
At sa paglingon ko ay bigla akong nagsisi na lingunin siya..
"What are you staring at?" cold na sabi niya.
Kaya natigilan ako.
"Ikaw titigan ko. Kapal ng mukha ah." inis na singhal ko sa mismong mukha niya.
"Tsk you look pathetic." nakangising sabi niya sakin. At tsaka tumalikod na at iniwan ako.
I hate you bastard.
End of Flashback
-
"Miss S nandito na po tayo." utas ng driver ko. Kaya napalingon ako.
"Ah sige Manong salamat." sabi ko at dali-daling bumaba.
Nagshade ako at naglakad papunta sa set. Sumalubong sakin si Xyro na nakangisi.
"Miss S bakit late ka ata ngayon?" pang-aalaska niya.
"Wala ako sa mood para makipag-asaran sayo." sabi ko at nilagpasan siya at naglakad papunta sa tent ko.
Pagdating ko roon ay sumalubong naman sakin si Hexa.
"Hexa sabi pala ni Kuya namimiss ka na raw niya. Baka naman pwedeng bisitahin mo sa bahay." nakangiting sabi ko sakanya.
Kaya napangiti siya pabalik.
Pwede pa sila stay strong at on-going? Eh ako minsan na nga lang magmahal. Iniwan at niloko pa.
Tsk.
"Sige next time pupunta ako pagmaluwag na sched ko. Btw Miss S at exact 7 am magsisimula ang unang scene para ngayong araw." paalala niya.
Ningitian ko lang siya at napatingin ako sa relo ko.
It's already 6:57 am.
"Tara na sa set." yaya ko sakanya. At dinampot ang script na nasa mesa ng dressing room ko.
Eto yung sinasaulado ko kahapon. Binasa ko lang yun saglit at boom saulado ko na at naalala ko na.
Naglakad kami papuntang set at nakita ko namang napatingin sila.
Eksaktong 7am ng makarating kami sa set ni Hexa.
Kaya agad na ring nagsimula.
"Okay lights camera action." sigaw ng Director.
At sa pagclick ng film ay nagsimula na kami ni Xyro.
"Terrence alam kong nandiyan ka parati sakin pero di ko alam kung hanggang kailan kang nandito sa tabi ko." panimula ko.
"Althea alam mo naman kung gaano kita kamahal. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo." pagbitaw niya ng linya.
"Di ka mawawala pero bakit kailangan mong magpunta sa Pilipinas. Nandito na sa Los Angeles ang buhay natin. Ayoko ng bumalik don Terrence." kunwaring umiiyak na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Passion Series: Last Dance
Teen FictionIn a dramatic twist, she declared, "This could be my last dance," before leaving the stage, shocking everyone in the room. Why did she choose to halt her pursuit? What led to this sudden decision? As a mysterious man whispered, "This is your dream...