Chapter 13

84 23 0
                                    

Safra

Ng makarating kami sa tapat ng hotel na tinutuluyan namin ni Kuya ngayon  ay nagpaalaman lang kami ni Xyro. Dahil may sarili namang bahay tong si Xyro dito sa Pilipinas.

Pagdating ko sa kwarto ko. Naabutan ko si Ate Hexa na may kausap sa telepono.

"Oo nakauwi na ko sa Pilipinas. What's the problem with that Vini." inis na sabi ni Ate Hexa sa kabilang linya.

"Magpakita ka naman kila Mommy. Alam kong galit ka sakanila kasi ayaw nila ng propesyong tinatahak mo ngayon." rinig kong sagot ng kausap ni Ate.

Di niya ako napansin dahil busy siya kausap yung tinawag niyang Vini.

Nagdere-deretso ako paupo sa kama ko.

"Vini alam mo namang di pa to ang tamang panahon para magpakita ako sa inyong lahat. Dahil wala pa kong napapatunayan sa sarili ko." rinig kong sabi ni Ate Hexa. Tsaka ko narinig ang hikbi niya.

Sa ilang taong nakasama ko si Ate Hexa. Wala akong alam sa totoo niyang pagkatao. All I know was her name Hexa. Bukod doon wala na. Ganun din si Kuya masyadong misteryoso samin ang pagkatao ni Ate Hexa.

Kaya nagugulat ako sa naririnig ko ngayon. May pamilya pala siya.

"Ate di mo naman kailangan paulit-ulit na patunayan ang sarili mo eh. Bumalik ka na please itigil mo na yang ginagawa mo. May business na nag-aantay sayo." nagmamakaawang tono nung kausap niya.

"Pero ayoko maging CEO or what ng kumpanya. Pagiging artista at model ang gusto ko noon pa. Alam mo yan pero ayaw nila Mommy at Daddy kaya nga sumuway ako diba." umiiyak na sabi ni Ate Hexa.

Nakaramdam ako ng awa kay Ate Hexa. Gusto niyang maging artista or model pero bakit Personal Assistant kolang siya.

Kailangan may gawin ako para matahak ni Ate Hexa ang pangarap niya na maging artista.

"Pero Ate sampung taon na ang nakakalipas. Di ka naman pipilitin nila Mommy at Daddy sa bagay na ayaw mo basta umuwi ka lang nangungulila na kami sayo." sagot nung nasa kabilang linya.

Kaya di na ako nag-alangan pa at tumayo na at naglakad papunta sa kama ni Ate at niyakap siya na siyang kinagulat niya.

"Di ko alam susubukan ko." tanging sagot ni Ate Hexa at pinatay ang tawag at tumingin sakin. "Nandito ka na pala Saf." nakangiting sabi niya.

"I guess kanina pa. May problema ka ba Ate Hexa?" tanong ko sakanya.

"Kaya ko na to Saf. Don't mind me." sabi niya tsaka ngumiti ng mapait.

"Narinig ko lahat Ate pag-aartista pala gusto mo eh pero bakit personal assistant pinasok mo?" takang tanong ko sakanya na siyang kinalungkot ng mukha niya.

"Di ko alam Saf. Back 10 years ago sobra akong nahihirapan pumasok sa Showbiz sa Pilipinas dahil sa sobrang mahiyain ko. Kaya nung lumipad ako doon sa Los Angeles. Sinubukan kong pasukin ang showbiz pero di ako pinalad hanggang sa nakilala kita at nag-apply akong maging Personal Assistant.At yun nga nakilala ko din kuya mo. Alam niya ang tungkol sa pangarap kong maging artista. Lagi niya nga akong pinupursue na magtry eh ako lang tong laging umaayaw kasi natatakot ako sa rejection." sandali siyang tumigil at pinunasan ang luha niya. "At dahil sa kagustuhan kong maging artista iniwan ko sila Mommy at Daddy maging ang kapatid ko. Dahil gusto ko talagang maging artista at di ko gusto ang maging CEO o humawak ng business namin dito sa Pilipinas. At dahil doon ngayong nasa Pilipinas na ako wala naman talaga akong planong magpakita sa kanila but nalaman ng kapatid ko na nandito na ako." dagdag na sabi pa ni Ate Hexa.

Grabe pala pinagdaanan niya.

"I have something to do for that. Gusto mo maging artista diba?" nakangiting sabi ko sakanya.

"Huh? Oo naman." gulat na sabi ni Ate.

"Sabi ni Direk. Kulang ng cast ang I'll be there. Dahil may twin raw si Althea sa kwento which is nasa Pilipinas raw ito." nakangiting sabi ko sakanya.

"Oo alam ko minsan ng nasabi ni Direk sakin. Pero teka what do you mean by that?" nagtatakang tanong niya.

"Ikaw ang irerecommend kong twin ko sa kwento." nakangiting sabi ko sakanya.

"Pero paano eh personal assistant mo ako?" gulat na tanong niya.

"Di ko kailangan ng personal assistant. Ikaw lang ang nag-iisa kong personal assistant Ate don't worry. Eto na chance mo Ate do your best." nakangiting sabi ko sakanya.

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako...

"Salamat Saf napakabait mo talaga. Di talaga akong nagsisising ikaw ang naging alaga ko." umiiyak na sabi niya.

"Wala yun future sister-in-law." natatawang sabi ko. Kaya natawa na rin siya at kumalas sa yakap sakin. "Pero seriously Ate eto na ang katuparan ng pangarap mo. Alam ko namang susuportahan ka ni Kuya. Kaya suportado rin kita." nakangiting dagdag ko.

"Salamat talaga. After 10 years. Matutupad na pangarap ko." di makapaniwalang sabi niya.

"Oh sige na matulog na tayo dahil kakausapin natin si Direk bukas." sabi ko sakanya at tumayo na sa kama niya para bumalik sa kama ko.

Pagbalik ko sa kama ko at agad akong nahiga.

Ang sarap pala sa pakiramdam pag nakakatulong sa iba. Ang sarap.
Matutulog na sana ako ng tumunog ang phone ko senyales na may nagtext.

Ng bumangon ako nakita ko si Ate na tulog na. At agad ko namang kinuha sa side table ko ang cellphone ko.

At ng tingnan ko ito.

Psh si Xyro lang pala.

From: Xy

Goodnight Gail. Excited na ulit ako makasama ka bukas. Wag ka ng magpupuyat ah tulog ka na. Sunduin ulit kita

Kaya napangiti ako.

Walastek talaga ang isang to. Di na ako nagreply at pinatay nalang ang cellphone ko at nilagay sa side table ko.

At tsaka nag-isip ng kung ano-ano..

Hanggang sa magring ulit ang phone ko..

Kaya bumangon ulit ako. Akala ko si Xyro na naman but I was wrong..

It's Hazel.

From: Hazel

Oy Saf. Kailan ka daw free? Gusto ka daw makasama nila Reign,Gio,Reese at Kaizer? Namiss ka daw nila talaga.

Makahoy naman to. Siraulo talaga!!

Kaya napapailing akong nagreply.

To:Hazel

Di ko pa alam kung kailan. Araw-araw rin kasi shooting namin dito sa Pilipinas. Pero sabihan ko agad kayo kung kailan ako free.

Sagot ko sakanya. Maya-maya pa muling tumunog ang cellphone ko.

From:Hazel

Sige lang ready naman kami maghintay. Basta isama mo si Xyro gusto daw siyang makilala ng SDC.

Kaya napangiti nalang ako. Tsk sure akong andami ng pinagsasabi nitong si Hazel sakanila kaya interesadong makilala si Xyro. Napakaano talaga.

Di na ako nagreply pa dahil dinapuan na rin ako ng antok.

Hanggang sa nakatulog ako. Goodnight everyone!!

A/N:

Sorry po sa napakatagal na update. Dahil sa mga nakakabasa po ng TCPAA BOOK 2: Ang Pagbabalik ni Sandiwa Jewel. Doon po ako nagfofocus ngayon dahil gusto ko na pong tapusin yun. Pangako po pagnatapos ko yun dito naman ako magfofocus.

So ayun lang.

Thankyou for your time to read!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon