Chapter 08

61 24 1
                                    

Safra

Maaga kaming umalis sa bahay at sa totoo lang inaantok pa ako. But wala akong choice kung ayaw kong maiwan ng eroplano.

Pagdating namin ni Kuya sa airport naabutan na namin ang buong team doon. Agad naman akong inaalalayan ni Xyro.

"Are you still sleepy?" he whispered.

Tumango lang ako at inalalayan niya naman ako paupo sa upuan sa waiting area ng airport.

Saktong 4:50am kasi kami dumating ni Kuya eh 5am pa ang flight.

Ng makaupo kami isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at doon na ako nakatulog hanggang sa..

"Wake up sleepyhead. Sasakay na tayong eroplano." yugyog ng kung sino sakin. Kaya nagising ako at tsaka ko napagtantong si Kuya pala. Napatingin naman ako sa inunanan ko.

Tulog din siya. Kaya niyugyog ko siya.

"Tara na daw Xy." gising ko sakanya. Nagising naman siya agad at nag-unat. Nakangiti siyang tumayo at binuhat mga gamit ko at gamit niya. Aangal pa sana ako kaso buhat na niya..

At inakbayan niya ako at nauna na kami pasakay sa eroplano. Nakita ko nalang na napailing si Kuya na todo alalay din sa inaantok na si Ate Hexa.

Pagsakay namin sa eroplano agad akong hinila ni Xyro sa tabi niya. Na siyang umagaw ng atensyon ng mga kasama namin.

Ang talande talaga nito.

Binigyan naman ako ni Yassi at Matthew ng nanunuksong tingin.

"Xy ako sa bintana please." bulong ko sakanya dahil siya ang nasa bintana.

Napatingin naman siya sakin at ngumiti. At wala sali-salitang nakipagpalit sakin ng pwesto.

Ningitian ko naman siya.

"Salamat." masayang sabi ko.

"Wala yun. Basta ikaw malakas ka sakin." nakangiting sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Matagal na ng huli ko tong maramdaman. At di ko akalaing sa muling pagkakataon ay muli ko itong mararamdaman.

Eto na ba epekto ni Xyro sakin.

Ningitian ko nalang siya at tumingin sa bintana.

Maya-maya pa'y napansin ko ng tulog na si Xyro na nakasandal sakin tsaka ko siya napagmasdan. Ang gwapo niya pala talaga.

Tsk bat di ko to nakita noon.

Ang haba ng pilikmata niya. Ang kissable ng lips niya. Tapos ang pungay ng mga mata niya.

All I can say it. He's one of the perfect creature of God.

"Wag mo kong titigan baka masaulado mo ko." nakapikit na sabi niya. Kaya agad akong umiwas agad.

Pakshet nakita niya yun?

Di na ko muling tumingin pa sakanya. Binalik ko ang tingin ko sa bintana.

Madilim pa sa labas kaya wala ka pang kahit anong makikita.

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon