Chapter 09

59 24 2
                                    

(Bago ang lahat I just wanna say thankyouu sa kauna-unahang nagvote HAHAHAHA. Hi to you MaStressAk hanap ka pa ng ibang magbabasa nito. Salamat gurl ❤)

Safra

Pagbaba namin ng eroplano nakaakbay pa rin si Xyro sakin. At sa pagdating namin sa arrival area ay bumulaga samin ang mga reporter at mga supporter namin.

Mas malakas yung sigawan nung akin.

Welcome back to me.

"Sobrang sikat ka talaga kahit saan ka magpunta." bulong ni Xyro sakin.

Nakita ko kung paano magtilian ang mga fans namin. Dahil sa nakita nilang nakaakbay si Xyro sakin. Maraming camera ang nakatutok.

"Sila na ata."

"In real life na ata sila."

"Bagay sila shems."

"Miss S ang ganda mo pala talaga sa personal."

Ilan lang yan sa mga sigawan nila.

Nakita ko namang napangiti si Xyro at humarap sakin.

"Bagay daw tayo." bulong niya sakin. Kaya ningitian ko siya pabalik.

"Naniwala ka naman." pamimilosopo ko sakanya. Kaya napasimangot siya. Sa totoo lang kinikilig ako kaya pinilosopo ko nalang siya para di niya mahalata.

"Ang bad mo talaga." parang bata na sabi ni Xyro.

Naglalakad lang kami palabas ng Airport. Panay naman ang harang ng mga guards sa gilid para di kami tuluyang dumugin. Nakita ko namang magkahiwalay si Ate Hexa at Kuya Serix. Tsk baka kasi mabuking sila.

Nakita ko namang masayang nagkwekwentuhan sina Matthew at Yassi.

Sina Direk at ang ibang staff naman ay may malalim na pinag-uusapan habang naglalakad.

Paglabas namin ay di pa rin kami nakaligtas sa dumog ng tao. Tsk buti nalang nakaabang yung dalawang puting van sa labas.

Oo dalawa masyadong marami yung buong team.

Doon kami sa unang van sumakay nina Xyro together with Kuya. Siyempre si Ate Hexa ay samin na rin sumama.

At ng makasakay na kami doon na nakapagtabi ulit sila Kuya at Ate Hexa.

At kami naman ni Xyro ang magkatabi. Panay siya pangungulit sakin buong biyahe.

Kaya di naging boring ang buong biyahe papunta sa hotel na tutuluyan namin. Maliban kina Matthew at Yassi na uuwi muna sa mga pamilya nila.

Etong si Xyro ewan ko ba dito? Kung balak ba tong umuwi.

Sumama kasi samin hanggang hotel. Pagdating namin sa hotel. Nagbigay lang ng konting bilin sila Direk at umalis na papunta sa location ng pagshoshootingan namin bale susunod nalang kami mamayang hapon.

Magpahinga nalang daw muna kami.

Magkatabi kami ni Kuya ng room at kasama ko naman si Ate Hexa sa room habang si Xyro ay umuwi na sakanila. Sumama lang pala siya paghatid. Mukhang wala na akong takas sa isang to.

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon