Chapter 22

28 4 0
                                    

Safra

"S-safra?" halos sabay na sigaw nila, kaya napatakip kami sa tenga nila Xyro at Reign.

"Ano ba ang sakit niyo sa tenga ah." reklamo ko sakanila. Pero sinalubong nila ako ng yakap.

"Namiss ka namin talaga wah." sambit ni Reign.

"It's nice to see you again, Saf — our dancing queen." nakangiting sambit ni Gio sakin. Kaya ningitian ko siya pabalik.

Niyaya kami ni Hazel na umupo sa sala, at panay ang alalay sakin ni Xyro. At panay tanong din kada oras kung may need ako.

"Grabe ka naman Xyro, oras-oras ka ata bumubulong kay Saf." pang-aasar ni Hazel kay Xyro kaya napangiti siya.

"Dahil ibinilin siya sakin ng Kuya niya, so she's my responsibility." nakangiting sagot ni Xyro Kay Hazel na napangiti din.

"I must say na you really love my bestfriend and thank you for making her important and love again." nakangiting sambit ni Hazel kay Xyro.

"Oy tara na, rehearsal na us. Sasali ka ba samin Safra this time?" Reign asked kaya napalingon ako sakanya at tsaka napabaling kay Xyro na parang nag-aask ako ng permission sakanya kung pwede. Iniisip ko din na baka maapektuhan yung shooting namin kaya nag-ask ako sakanya.

"Sige lang Gail, intayin nalang kita na matapos.." he said at dahan-dahang lumapit sa tenga ko sa harap mismo ng mga kaibigan ko. At may binulong. "..at magdadate tayo after nito." he whispered kaya napangiti ako. Siraulo talaga!!

"Oo na. Intayin mo ko ah." nakangiting sabi ko sakanya at tsaka sumama na kina Hazel magrehearsal.

Napansin ko na parang wala si Kaizer at Cloud and that's good. Pero feeling ko maya-maya nandito na sila. At di ko alam kung kaya ko ba ulit makasama sa sayaw si Cloud.

Nagsimula na kami magrehearsal. And buti nalang kaya ko pa sumabay at hindi pa kinakalawang dancing skills ko parang tulad pa din ng dati yung movements ko.

"Walang kupas, Saf." di makapaniwalang sambit ni Gio. Dahil akala nila ah mangangapa ako sa steps pero mabilis ko lang itong nasaulado at nasundan.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Kaizer at Cloud.

"Hazel? Nagsisimula na pala kayo." dere-deretsong sambit ni Kaizer kay Hazel at hinalikan ito sa noo. Kaya hindi niya napansin ang presensya namin ni Xyro. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sila ang nagkatuluyan.

"S-Safra?" mahinang bulong ni Cloud. Dahil siya ang unang nakapansin ng presensya ko.

Nagulat nalang ako ng biglang lumapit si Xyro sakin at hinawakan ako sa kamay.

"Nandito ka?" out of nowhere na tanong ni Cloud sakin.

Kaya napalingon ang lahat samin at nagkaroon ng katahimikan ang lahat. Wala talagang kahit isang nagsasalita, maliban kay Kaizer na tsaka lang namalayang presensya ko ng tawagin ako ni Cloud.

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon