Kaizer
Nandito kami nila Reese at Gio sa isang barr dahil gusto naming sunduin si Cloud. Naglalasing na naman kasi.
"Wag kang lalapit sakin. Hindi ikaw si Saf." taboy niya sa babaeng pilit na nilalandi siya.
Simula ng ilipat niya sakin ang trono ng Dancing King. At iwan siya ni Safra noon.
Lagi na siyang umiinom. Lingid ito sa kaalaman nina Boo at Reign.
Minsan nga ay nag-iinom siya mag-isa ng di kami kasama. Swertehan lang talaga pagniyaya niya kami.
Yung last time na nag-inom siya mag-isa ay puro siya bangas sa katawan at mukha. Kaya ilang linggo rin siyang nawala sa grupo. At sa ilang linggong yun sunod-sunod ang naging performance namin on-screen.
"Sino ba kasi niyang Safra na yan?" inis na sabi nung babae sakanya. "Mukha namang di ka mahalaga sakanya." dagdag pa nung babae.
Halos magkagulo sa bar ng tumayo si Cloud at sinakal yung babae. Taena!!
Kaya naalarma kami. Iba malasing si Cloud pramis.
"Anong sabihin mo? Who told you para sabihin sakin yan. You don't even know her. So stop judging her. Baka magulat ka pag nalaman mo kung sino siya. At bigla kang humalik sa lupa." galit na singhal ni Cloud sa babae.
At sa loob ng sampung taon simula ng umalis si Safra. Lagi nalang siyang may nakakaaway rito sa bar buti nalang di kami naba-banned paano ba naman pagmamay-ari ng pamilya nila Gio to. Kaya okay lang!!
Basta pag may nasira. Kay Cloud sinisingil ni Gio. Pag wala na itong tama ng alak.
Di kami makalapit dahil galit na galit si Cloud.
"A-ano b-ba n-nasasaktan a-ako." hirap na usal nung babae.
"Pre baka mapatay ni Cloud yung babae." bulong ni Reese sakin.
"Taena bakit sa bar ko pa." mura naman ni Gio.
"Tara awatin na natin. Kawawa talaga yung babae." sabi ko sakanila. Kaya tumango naman sila. At sabay-sabay kaming kumilos. Si Reese ang umalalay sa babae at kami naman ni Gio ang humawak kay Cloud na patuloy na nag-aamok.
Kaya para mabawasan ang tensyon hinila naman si Cloud palabas ng bar. Agad namang sumunod si Reese na chineck muna ang babae kung okay lang baka kasi magsampa ng kaso. Kaya inaagapan na.
At ng makalabas kami gigil na gigil akong hinawakan si Cloud na lasing na lasing at isinandal sa pader.
Naalarma naman sina Gio at Reese.
Naiinis na kasi ako sa pag pinaggagawa ni Cloud. Paulit-ulit nalang siya di na siya bata kailangan niyang harapin ang realidad.
"Cloud gusto mo na ba talaga sirain buhay mo." galit na singhal niya.
Pinaningkitan niya lang ako ng mata at ngumisi.
"Matagal ng sira buhay ko. Simula ng iwan ako ni Safra. Nakita niyo yun diba. In just one mistake iniwan niya ako. Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Nakakatangina brad." lasing na lasing na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Passion Series: Last Dance
Dla nastolatkówIn a dramatic twist, she declared, "This could be my last dance," before leaving the stage, shocking everyone in the room. Why did she choose to halt her pursuit? What led to this sudden decision? As a mysterious man whispered, "This is your dream...