Matulin ang binatang hinahabol ni James. Parang kabayo ito na takot na takot sa among pinagmamaltratuhan siya. Kahit na mabilis ito sa pagkaripas ay naabutan naman ito ng ilang distans'ya ng lalaking galit. Sa konsens'ya ni James ay dapat niya mapatahimik ang lalaki dahil baka ikabubulok ng kan'yang buhay sa pagtira sa likod ng mga rehas na bakal kung siya'y madadawit nito. Kung kung mangyayari man iyon ay kailanma'y hindi na siya makakalaya sa malawak na kabihasnan.
"Bumalik ka dito! Tarantado!" sigaw pa ng nanggagalaiting lalaki. Pasuray-suray man ang pagkakalakad ay nahahabol niya pa rin ito. Habang hinahabol ang lalaki ay gano'n din ang hangin sa kaniyang baga.
Ang lugar na tinatahak ng binatang tumatakbo ay ang daan papalayo sa s'yudad. Ang ilaw na nakikita nila ay tila nawawala dahil na rin sa dilim na bumabalot dito. Malubak din ang daan kaya hindi maiiwasang madapa ng kaunti. Nauubos na ang oras at tataas na ang araw kailangan niyang madakip ito.
Nanggigilid ang luha nito sa kaniyang mata. "Kuya! Ayoko ko pang mamatay!" huling sambit ng lalaki bago ito nawalan ng s'werte dahil sumadsad ito sa batong nakaharang sa daan. Napaupo na lang ito sa sobrang kirot ngunit gamit pa rin ang dalawang kamay ay palayo nang palayo pa rin siya kay James. Ramdam sa mga mata nito ang pagkatakot lalo na ang sugat na nagpapahirap sa kaniya. Bukas at duguan ang binti nito, malalang natamo ang kinahaharap niya.
Ang tagpong ito'y parang sinuwerte ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Sumipol pa ito kasabay ng pag-iling, "Karma nga naman." at ngumisi ito na may suot na demonyong maskara.
Napangisi pa siya dito. Huli na rin, "Huwag kang mag-alala nasa mabuti kang kamay, bata!" at unti-unting naging blanko ang pangyayari.
Umagang sisikat, umagang may pag-asa. Bawat sinag nito'y kakalat na parang kabutihang panlahat ngunit bigay nito'y sa iilan lamang. Gumising ng maaga upang biyayaan ng buhay pero magkaiba kung huli na ang lumisan. Gigising ka na lamang kung kailan masakit na ang liwanag o sadyang hindi ka na babangon sa ataul mong libingan. Wika ng mga pilosopo, walang perpekto sa anumang bagay. Kabutihan mang taglayin ay may masama pa rin itong kaakibat at porque kasakimang kakayahan ay wala na ring kaliwanagan. Maging pantay sa lahat ng bagay iugnay sa katatamtaman. Ang pagiging perpekto ay hindi magiging totoo at ang katotohanan ay hindi magiging perpekto.
[ Flashback ]
Pagkatapos ng emergency meeting na kinondena ni James ay nagsi-alisan na ang mga kaibigan niya. Ang natira na lang sa coffee shop nila Rick ay silang dalawa lang ni Beatrice. Si Rick kasi umuwi na rin dahil na rin ay maghahapon na.
Tahimik ang shop at payapa lang silang umiinom ng kani-kanilang in-order kanina at walang gustong maunang magsalita sa kanilang dalawa. Tanging iisang mesa ang pagitan habang sila'y nakasilay sa labas ng lugar. Medyo hindi na komportable ang isa kaya tinuloy niya na ang hinanaing.
"Ano bang plano mo ah?" unang tanong ng dalaga habang nakapatong ang mukha nito sa kamao na ginagawang tungkod ang kamay habang nakatingin kay James.
Tumingin muna ang binata sa kan'ya at matama munang sumipsip sa iniinom. Ilang sandali ay umupo ito ng pormal habang nakaharap sa kaniya at sinagot ang gustong malaman ng kasama.
Nagdadalawang-isip pa ngunit kailangan niya itong linawin. "May pustahan kasi kami eh," napakamot ito ng kaunti sa ulo.
Mabait ang salita nito. "Tapos..." mahinhing papataas na tono ng dalaga habang nakatingin pa rin kay James.
"Kaya nga pinapunta kita dito para walang atrasan baka kasi tumanggi ka." dugtong nito at naiilang pa sa aura na pinapakita ni Beatrice sa kan'ya. Minsan lang siya makipag-usap sa babae ng seryoso lalo't nanunungkulan ito sa kanilang paaralan.