[ Flashback ]
Ano ba ang plano? Ang totoong talagang plano? Paano ito naisagawa? Gaano nga ba kadali ilatag ang lahat? Magaling ba si James sa ganitong estratehiya?
Isa lang ang tanging maisasagot sa lahat ng gumabagabag na tanong. Walang iba kundi ang masalimuot na rebelasyon. Isang palabas ang naganap na animo'y totoong reyalidad.
Lahat ng nangyayari ay nakapalibot lang kay James at lahat ng ito'y laro lamang sa kaniya. Nasa kamay niya ang paggalaw ng lahat at madali niya itong makokontrol. Hindi makakaila na may kadunungang taglay si James. Isang perpektong plano ang hindi napapansin ng iilan. Hindi kayang talunin ng mala-anghel na uto-uto ang palaban na tuso at matalinong demonyito.
Isa-isahin ang bawat hibla ng huwad na kasinungalingan papasok na ang lahat ng eksenang gawa-gawa lamang. Magsimula una hanggang sa kasalukuyan. Lahat ay naisagawa ng tama at hindi ito mapapansin ng biktima. Gan'yan ka-perpekto ang lahat ng pangyayari. Walang makakaalam, mawawala ang may alam.
Bago pa nagsimula ang pangyayari ay hinahanda na ito. Katulad ng isang patak ng lason sa mga ugat ng mayabong na puno. Animo'y katawang lupa na hindi agad makakapaglakad gamit ang dalawang paa kung ang una'y paghakbang ay iniwaksi na. Hindi magiging matagumpay ang hangarin kung hindi magsisimula sa paunti-unting gawain.
Una, nasa bahay ni James ang magkakaibigan at nakapatong sa malaking mesa ang mga mahahabang rolyo ng cartolina kung saan nakasulat ang lahat ng plano nila. Lahat sila'y nagbigay ng suhestiyon at katanungan upang maging solido ang lahat. At isa-isang sinagawa sa 'di makatawag-pansin at madaling paraan ito. Kung gayon ay walang manghinala sa kanila na may masama silang balak.
Nakabuo sila ng 'di makabutas na plano at kahit anong korte ay hindi kayang pumunta sa punto ng katotohanan. Isang katotohanan na kanilang tinago. Imbestigator na puro lubos tanong sa isipan at pulis na walang kaalam-alam sa krimen na kanilang nagawa't natapos.
Pangalawang sisiwalat, isang maitim na kasinungalingan, Binantaan ng pasira ni James ang guidance councilor na si Ma'am Villarosa para gumawa ng kuwento na nanalo sila sa quiz bee sa Science at itutuloy sa regional. Pinagbawalan niya rin ito kung sasabihin sa dalaga ang ginawa niya dito. Hawak kasi ni James ang pamilya ng guro sa probinsiya dahil magkaparehas ang probinsiya ng magulang ng guro sa probinsiya na pinuntahan ng ama't ina niya na lider din ng isang sindikato ng droga na nagtatago sa hindi din sikat na lugar. Ginawa niya ring dalawa ang dadaluhan nilang laban at sa malayong lugar upang magkasama sila lagi para mag-aral ng aralin. Kahit na pagtinginan sila ng mga kamag-aral ay mayroon namang rason kung bakit sila magkasama.
Pagkatapos no'n ay kinontak niya ang mga kasamahan na positibo ang resulta na mangyayari ngayon ang pagpupulong. Ito'y nasa coffee shop nila Rick para maging magaan ang biktima sa mga kasamahan ni James. Hindi niya ito inisip no'ng hinabol siya ni Beatrice dahil tumalab ang pag-arte niya na may kinikimkim siyang problema.
Nakaabang na rin ang magkakatropa doon na alam na dadating sila kahit na hindi na i-chat ni James ang mga ito. Kumikilos o umaarte na ito na hindi alam ang plano ni James para akma pa rin ang kakalabasan. May problema lang sila sa tagpong ito, lalaking asungot sa kanilang team. Ang matalinong kinaiinisan ni James. Walang iba na si Francis kaya tinatakpan nila ang plano para hindi mabuko nito. Ito lang ang tutol sa lahat ng krimen na ginagawa nila dahil busy ito lagi sa journalism.
Kasama din sa plano ang pagsisiga-sigaan ni Lieffer para sabihin reyalistiko ang nangyayari. Madaling malulutas kung lahat sila sang-ayon sa relasyon niya kay Beatrice. Kaya gumawa sila ng ibang pangyayari na may tutol din sa kanilang dalawa. Marunong din ang iba doon na umarte kaya sisiw sa kanilang ang malawak na plano ni James. Isang aktor din ang binata kaya madadalian siya sa lahat ng gagawin niya.