[ Flashback ]
Napahanga siya, "Yown! Sabi na nga ba," sigaw ni Kyle na unang nakarekober sa sinabi ni James ngunit ang iba ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Binging katahimikan na lang ang naisagot nila at wala ng gusto pang sabihin. "Kalat na kalat na sa school ang hinala sa inyo at tama nga ang sabi-sabi." napangisi na lang si James dahil bumagsak ang kaniyang magkakatropa sa bitag na ginawa niya.
Bigla na lang nakipagtitigan si Xyril kay James na may pahiwatig. Pero sa loob-loob ni James ay wala lang ito at parang naiinis lang ang kaibigan sa kasama nitong kilalang babae. Siguro'y may patingin din ang kaibigan sa kasintahang kasama niya.
"Ay! Hi! Sorry ngayon lang namin sinabi sa inyo." singit ni Beatrice na sumasabay na lang sa sinasabi ng kausap niya kanina sa kanilang paaralan. Pilit pa rin ang ngiti nito pero hindi na pinansin iyon ng mga nasa harapan nila.
Napatingin agad siya kay James, "So... tuloy pa ba?" masinsinang tanong ni Desacro sa kan'ya. Pinapahiwatig niya ang pustahan na gusto pa bang matuloy o hindi. Type din ni Desacro ang mga babaeng alam niyang magaling mamuno. Baka sakaling maliksi din ito sa kama at ganahan siya dito.
"Ang ano 'yon?" naging k'westiyonable naman ang mukha ni Rick. Hindi masyadong malinaw ang gustong sabihin ni Desacro.
Kumindat pa ito ng palihim, "Ang datung p're." sagot nito. Ang perang nakasalalay sa babaeng papasagutin agad-agad.
Habang nag-uusap ang ilan ay nanatili na lamang tikom ang iba. May kumuha pa ng larawang patago ngunit hindi na ito pansin at may mga recorder na nakabukas sa gustong sabihin ni James.
Napailing kaunti ang lalaki, "Pass muna ako. Seryoso ako sa GF ko." at inakbayan na nga ni James si Beatrice para maipakita sa mga kaibigan na magkatuluyan sila ngunit sa totoo nito'y isang palabas lang ang nangyayari. Isang palabas na hindi pa masyadong planado niya. Isang palabas na walang bumubuhay ng daloy ng kwento at gabay na script.
"Ikaw bahala," sumipol pa sa gilid ni Mark. Si Mark Jezreel Quintos III ang magaling sa ganitong bagay dahil siya ang hurado sa pustahan nila. Siya rin ang taga-hawak ng pera sa kanila. Siya lang ang tanging magpapasya kung sino ang nanalo at natalo sa tayaan nila. Mayaman din ito katulad ng iba ngunit sa ilegal na gawain ang pinagkukunan. Sila kasi ang may-ari ng mga pustahan sa bansa. Mapa-kara-krus man 'yan hanggang casino sa mataas na gusali. "Ikaw na bahala para protektahan 'yan." mahina nitong sambit at lumabas ng shop upang magpahangin.
Napahampas ito ng mahina sa mesa nila. "Akala ko importante ang meeting na 'to. Hindi naman pala, sayang oras ko." bago ito tuluyang umalis ay binunggo pa ni Lieffer si James sa balikat. Isang babalang sisiklab sa pagitan ng nagmamahalan at pagkakaibigan. "Maghanda ka na." bulong nito sa tengga ng lalaking nakatayo pa rin sa lahat ng mga kaibigan.
Pagkatapos, umalis na sa shop si Lieffer upang makauwi na. Habang ang iba ay nasa loob pa rin nanatili silang suportado sa pagmamahalan ng dalawa. Hindi sukatan ang pagmamahal sa iba para bitawan ang isang relasyong namayani ng matagal na panahon.
"Pero kami James, nandito lang kami. Suportado namin kayo. Secret is still secret." sambit ni Rick habang naka-ngiti kay Beatrice at nagpaalam na lumayo muna para pumunta ng counter para kumuha ng maiinom nila.
Napatingin ito sa mag-jowa. "Mag-ingat lang kayo. Usap-usapan kasi at mainit pa kayo sa mata nila." payo pa ni Kyle. Pinag-u-usapan kasi sila hindi lang sa mga estudyante lalo na sa mga gurong nanghihinala sa kanilang dalawa. Ang paratang naman na iyon ay walang katotohanan dahil matalino silang dalawa upang hindi pumasok sa isang relasyon na alam nilang mahihirapan lamang sila.
"Mas maganda na 'wag kayong mag-usap para safe." comment pa ni Xyril. "Mas magandang magtawagan na lang kayo sa cellphone para less hinala 'yong iba. Alam mo naman ang panahon ngayon kaunting galaw marami ng isyu." at nilingon pa ni Xyril ang dalawa. Pakiwari nito'y bagay nga silang dalawa ngunit sa tingin niya'y mabuti na rin ito.