KABANATA 14: MAKASAMA

24 0 0
                                    

Pihit ng pihit si James sa susian ngunit hindi talaga ito nabubuhay. "Please... Kailangan ko nang umuwi!" napayuko na lang siya sa pagkakadismaya. Walang pag-asa ang nadarama at hindi na alam kung anong sunod na gagawin.

Lumiliwanag na kaunti ang daanan kaya hindi na masyadong mahirap tingnan ang pagpasada. Habang nagaganap ang pagbubukang-liwayway ay nasa loob pa rin ng kotse ang lalaking may pighati. Naka-ilang buntong-hininga ito ng malalim ngunit malas pa rin ang resulta. Kahit na'y masama ang nagiging bunga ay mas pinili niya pang paulit-ulit gawin.

Sa ilang pagpipilit na tumagal ng dalawpung minuto ay sa wakas ay gumana na ito. Hindi mawari ang mukha ni James na katulad din ito ng umaga. Parehas na itong lumiliwanag hindi sa sinag kundi sa sayang nakatago sa loob-looban.

Dahil doon'y hindi na tuloy siya lumabas ng sasakyan para ayusin ang makina. Tsaka mas mabuti na iyon dahil ayaw niya ring lumabas. Ang labas na puno ng kababalaghan na sa kalagayan niya'y bangungot.

Kahit na may himalang naganap ay mayroon pa ring ilang suliranin ang kinakaharap niya. Wala pa ring maayos na signal ang kaniyang cellphone kaya hindi niya alam kung idederitso niya ang daan o liliko. Minabuti niyang sundan papakaliwa ang daan dahil 'yon ang naalala niya. Hindi na siya mag-aalangan sa kaniyang kutob.

Dahil sa pangyayari kanina ay mabagal lang ang usad nito. Baka masira ulit ang gulong at wala na siyang reserba dito. Kahit na panatag na ang lahat ay parang may dagang tumatakbo sa puso niya. Tumatakbo pa rin sa kaniyang isipan ang kasong kan'yang isinagawa. Mas nababahala na siya sa pwedeng mangyari dahil nakapatay siya at saksi ang dugo na nasa damit niya.

Ilang minutong pag-usad na katulad ng papabagal ng sikat ang araw na tataas sa kalangitan ay tuloy-tuloy ang kaniyang pagbibihaye. Siguro'y tama ang dinadaan niyang kalsada. Magandang senyales ito na walang magpaparamdam na kulto ayon sa sarili niya.

Malupit ang tadhana pero kinakaya niya ito. Tibay ng loob lamang ang sukatan upang kalabanin ang problema. Ngunit ang tanong, paano kung ang sawing propesiya ay bumalik sa dati nitong anyo?

Katulad na lamang ngayon, patagal ng patagal ang pagmamaneho ni James sa shortcut. Lingid sa kaniyang kaisipan ay umuulit lang ang kaniyang dinadaanan. Sa pabalik-balik sa lugar ay parang nakakabisa niya ito at unti-unti niyang napapansin ang 'di maipaliwanag na pangyayari.

Napatingin muna siya sa kaniyang bintana sa tabi, "Parang bumalik na 'ko dito ah." pansin niya dito dahil na rin sa puno na nagtatayuan sa gilid ng kalasada.

Tahimik ang loob ng kotse niya na parang walang nagaganap na kilabot sa pag-iisip. Ang paglalakbay ay 'di rin tuwiran dahil wala pa ring makuhang GPS ang sasakyan niya.

Hinahabol niya pa rin ang kaniyang hininga. "Siguro sira na 'to" ang nasa isip niya palagi.

Ilang paggagapas ng daan ay hindi pa rin siya nakakauwi. Imbes na papalapit na ang daan ay mas lumalayo na ito sa inaasahan at nagtataka na siya sa nangyayari. Parang umiikot lamang ang daan ngunit hindi niya ito maunawaan ng mabuti. Dahil kung pabilog ang kalsada ay dapat kanina niya pa ito napansin.

Ayaw rin niyang bumaba ng sasakyan dahil sa takot. Kaya ang ginawa niya ay ituloy ang pagmamaneho. Hindi niya na ch-in-eck ang kalsada kundi panay maneho lang hanggang sa maubos ang tangke ng gas nito.

Habang nagmamaneho ay palagian niyang rinere-fresh ang cellphone sa kakaloading nito sa app. Wala pa ring progreso ang nangyayari kaya naiinis na siya sa nagaganap. Dapat ay gumana ito dahil ang gas na kaniyang sinasayang ay malapit nang maubos.

Lagi niyang binubulyawan ang sarili. "Bwisit kasi na GPS 'to! Gumana ka na!" napatingin na lang sa harap ng sasakyan si James at biglaan siyang napatapak sa preno dahil sa nakita.

ShortcutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon