WAKAS / LIKOD NG PANGYAYARI

23 0 0
                                    

[ Court Case ]

{ File no. 10113519 }

Ang parteng ito'y nakatala sa Court Case #40119. Pinangasiwaan ito ng Las Ludus Police District na pinamumunuan ni Police Gen. Martinez Campos. At ng Las Ludus Trial Court Appeals na hukom na si Amadeus Kantuyan. Ang nasabing kaso ay aksidente lamang at walang nangyaring pagpatay.

Simula: [ Type-written ]

Natagpuan ang biktima na si James Salazar sa Crisit Extension Road bandang alas-sais y media ng umaga. Nakita ng mga taong malapit sa lugar ang makapal na usok at akala'y pagkakainggin lang ito kaya agad nila itong isinangguni sa kanilang kapulisan.

Nanguna sa imbestigasyon ay sina Police Detective PO3 Carlos Sambuena, PO3 Aian Vin Veronica at PO2 Rey Astin Beyer. Nakita nila ang sinasakyan ng biktima sa baba ng bangin at kinontak ang Las Ludus Police Search and Rescue Team mga bandang mag-aalas-otso na nang umaga. Sumama na rin ang SOCO sa pangyayari upang malaman kung may sakay ba ang nasabing kotse.

Pagkatapos ng preliminary investigation ay nakakuha sila ng pangunahing maging suspek nito. Gumawa ang Las Ludus Trial Office ng warrant of arrest upang hingin ang statement nito.

Ang inaakusahan sa kaso ay sina Francis Sandoval at Nicava Jane Torres. Sila ang huling nakasama ng biktima kaya malaki ang tsansang sila din ang pwedeng maging suspek sa kasong ito.

Pumosisyon din ang tagapag-litis na si Prosecutor Audiencio de Alzada. Sinasabing ginawang aksidente ang lahat upang itago pagpatay dito. May ilan ding saksi ang tumayo upang magbigay ng statement. Nandito sina Police Detective PO3 Carlos Sambuena, Lawrenze Desacro Evangelio IV at Julius Louise Santiago Jr.

Sa depensa ay si Defense Attorney Francis Sandoval upang ilinis ang pangalan niya kasama ang kinakasama na si Nicava Jane Torres. Ang ginigiit naman nila ay ang nangyari sa biktima ay puwang na aksidente. Sinabi din sa kanilang affidavit na nalabag ang kanilang karapatan dahil sa kakulangan ng ebidensya upang ituro sila sa pangyayari.

Sisyon: [ Type-written ]

Oktubre 25,

Prenisinta ng pulis ang mga nakalap na datos sa korte at pinatuyan naman ito ng piskalya na lahat ng ito ay ebidensiya sa nasabing kaso. Unang nagsalaysay sa witness stand ay si PO3 Aian Vin Veronica.

[ Aian's Statement ]

"Nang nasa scene of the crime na po kami nakita agad namin 'yung kotse. Tumawag kami sa Search and Rescue Team namin kung may tao pang nasa loob no'n. Dumating nga sila, mga bandang 9 am po 'ata. Tumagal po ng isang oras 'yung pag-rescue nila kasi nagliliyab pa 'yung sasakyan. Hanggang sa dumating na rin 'yung SOCO at bumbero galing sa Brgy. Maasin. 1 pm na po natapos ang pag-clear ng area. At sabi ng forensic team sa 'min, wala na daw 'yung biktima dahil nagkalasug-lasug po ito pero may makuha naman silang DNA sample."

[ End of Statement ]

Wala namang naging oposisyon ang depensa kaya tumuloy na ang isang magpapatunay sa nangyaring krimen. Ito si SPO2 Benderio Candoza na isang bomb expert at kasama sa DNP bomb squad ( Department of National Police ).

[ Benderio's Statement ]

"Nandoon din kami nang mga oras na 'yon, your honor. Medyo kritikal na ang lugar ng krimen dahil nasa baba ito ng bangin at tumagal din ng tatlong oras. Kaya, your honor, wala kaming nakuhang datos dito. May dalawang masasabi lang ako, your honor, aksidente ito o pwede rin pagpatay. Kung ako ang nasa kalagayan humusga, your honor, masasabi kong magaling ang gumawa kung mapatunayang may bomba ang sumabog na kotse. Hindi mo makikita na IED ( Improvised Explosive Device ) ang ginamit dahil less ang ginamit na kemikal, your honor. Ang napansin lang namin ay amoy gun powder ang lugar kaya baka ito ang ginamit. Bibira lang kasi ang gumamit ng ganitong bomba, your honor, delikado po ang procedure nito. Tanging marurunong sa lang po minsan ang nakakagawa nito."

ShortcutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon