KABANATA 8: AKSIDENTE

27 1 0
                                    

[ Flashback ]

"Fake sex video? Nasisiraan ka na ba, James?" nag-iba ang timpla ng ugali ni Beatrice. Ang kaninang sweet na babae ay tila nagbago bilang maseryoso. Ang resulta nito'y nagbago ang atmosperika na kanina'y magaan at naging siksik at mas umiinit.

Ito na ang inaasahan ni James. Pakiwari niya'y tututol ito sa kaniya at nababalewala ang lahat ng kaniyang plinano. Dapat ay mapasagot niya ito ng positibo gamit ang mga salitang mabulaklak.

Nawala ang masaya sa mukha ng dalaga. "May tiwala ako sa 'yo James pero kung gan'yang usapan ay..." mahina nitong tono upang hindi niya masaktan ang loob ng lalaki. "Ayokong sumali." unti-unting tumahimik ang kinalulugaran nila at binawi agad ito.

"Pakinggan mo muna kasi 'yong paliwanag ko. Please!" mahina nitong talastas. Malungkot ito na kitang-kita sa guhit ng kaniyang mukha.

Dapat ay sabihin na ang lahat. "Ang pustahan kasi namin ay kung sino ang unang makatikim sa sinagot na babae. Gaya ng kahapon, 'di ba? Pinakilala kita sa kanila para malaman na may babae na akong ipanglalaban at ang huli na lang na gagawin ay gagawa tayo ng video kaysa panoorin tayo nila ng personal. Ito na lang ang naisip kung plano para makuha ko 'yong premyo." dugtong nito at mas bumibigat ang bawat buntong-hininga ng binata at hindi na komportable ang nararamdaman niyang sensasyon.

Said na ang mukha ni James dahil hindi niya 'ata masabi sa magandang salita ang plano niya. Isang plano na ikakapanalo niya sa pustahan at ito lang ang tanging paraan para tumalima ang dalaga. Mautak si James at isa na 'yon sa dahilan kung bakit siya nakapasok sa section A. Kaya niyang lamangan ang kahit sino at kinokontrol niya sa kaniyang palad ang mga bawat kilos na nasa paligid niya.

"Paano kung kumalat ang fake sex video natin? Parehas tayong malalagot at hindi na makapag-aral." aakmang tatayo ang babae habang ang itsura nito'y dissappointed sa lalaking kausap.

"Wait lang, makinig ka muna." at pinaupo ulit siya ni James. Sumunod naman si Beatrice at pinagbigyan niya ito ng ilang minuto. "Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon." pakiusap nito at inintindi naman siya ng dalaga.

Imposible sa unang tingin ang gustong mangyari ni James pero may plano na siya sa lahat ng iyon. Kagabi niya na itong iniisip at lahat ng butas ng plano niya ay kaya niya nang tapalan. Gawain na perpekto at walang makakaalam no'n.

Umubo muna siya ng mahina bago tumuloy. "Para hindi tayo madawit, gagawa tayo ng dalawang video. Isang fake sex video nga at behind the scene para hindi tayo alisan ng karapatan. Kung malaman ng magulang mo ang tungkol do'n ako na ang kusang magpapaliwanag at kami na ang magpapaaral sa 'yo kung ikikick-out tayo parehas." hinakayat niya nito.

"Tsaka nga 'di ba? FAKE sex video ang gagawin natin kaya walang mangyayaring kakaiba sa 'tin. Gagamitin natin ang blindspot ng camera para kunwari tayo pa rin ang gaganap." naisip iyon ni James sa mga intimidate scene na napapanood. Kahit na hindi siya interesado sa mga pelikulang sinusubaybayan ay kumuha pa rin siya ng konsepto doon.

Nagtataka siya ng kaunti sa kakaibang naisip ng kasama. "Blindspot? Tsaka kung gagawa tayo n'yan ay dapat naka-hu–" hindi na natapos ni Beatrice ang sasabihin dahil sa naiisip. Nasa utak nito'y nahubad sila't nagtitiningan. Kahiya-hiya kung mangyayari sa kanilang dalawa ito. Hindi niya itataya ang kinabukasan sa kagustuhang kasarapan.

"Ang blindspot ay hindi makikita ang mukha natin sa buong entire video pero ang tanong dito sa plano ko ay tayo ba ang gagawa ng video?" alam na ni James ang bawat detalye ng gagawin niya. Pilipilit niya lang na mapa-oo si Beatrice.

Parang ang gulo-gulo ng mga paliwanag. "Huh? Hindi kita gets, James." hindi pa rin tiwala si Beatrice sa pinaplano ng binata. Nasa isip niyang tsinatsansahan lang siya nito. Likas na kay James ang napaglaro sa babae at iyon ang gustong ipahiwatig ng isipan niya sa kaniya.

ShortcutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon