KABANATA 15: ORASAN

15 0 0
                                    

Wala pa ring signal ang rumihiresto sa sasakyan nito. Ang daan na pabalik-balik ay palaisipan pa rin sa kaniya. Naka-isang oras na siyang paikot-ikot ngunit walang nangyayari. Hindi niya alam kung paano makakatakas sa gulong ito lalo na't mauubusan na siya ng petrolyo sa kaniyang kotse.

Mas kinakabahan pa rin siya sa napatay niyang nawawala at mga kakaibang nakita niya. Napatingin na lang siya sa orasan at alas singko y media na nang umaga.

Malapit ng magbukang-liwayway ngunit ang pag-uwi niya ay walang kasiguraduhan dahil wala na siyang gabay sa pagtakas sa shortcut na sinasabing dapat niyang daanan.

Malapit na siyang mapuno at malapit na ring maubos ang kaniyang pasensya. Ginawa niya rin ang pamahiin na ibaliktad ang damit ngunit wala pa ring nangyayari. Pamilyar ang dinadaan na sumasagi sa isip niya. Lagpas sa kalahating kilometro na rin ang minaneho niya ngayong gabi hanggang ngayong mag-uumaga.

Pakiwari'y kamay ng orasan na bumabalik sa numerong nilalagpasan niya. Wala na siyang ganang magdesisyon na huminto bagkus ay patuloy lang siyang nagmamaneho hanggang may inaasahang pangyayari.

Lahat ng liko kaniyang pinuntahan. Makitid man o maluwag ay wala na siyang pakialam. Mapa-atras abante sinasanto na ang malas. Paulit-ulit lamang ang kaniyang nalalarawan.

Napabuntong-hininga na lang siya sa kawalan, "Kailan pa ako makakauwi?" tanging tanong sa isipan.

Ngunit may isang tinig sa malayo'y sumagot sa kaniya. Hindi niya ito marinig dahil na rin sa distansya.

"Kung makakauwi ka pa!" kasabay ang bunton ng galit.

[ Flashback ]

Nang makarating na sila Beatrice sa sinasabing sopresa ni James ay nakita nila ang isang abandonadong bahay. Maganda itong bahay ngunit luma na dahil sa katandaan. Kaya lubos na nalilito ang dalaga sa sopresa ng boyfriend nitong kaibigan lamang talaga ang turing niya at turing din sa kaniya.

Lumingon-lingon pa ito, "Sigurado ka bang nandito si James?" saad pa ni Beatrice at wala namang kibo si Rick. Tahimik itong luminga sa kaniya at walang binigay na salita upang mas hindi siya mapag-initan ni James.

Pabulong na lang ang ginawa, "Paparating pa kasi." katuwiran nito at nagpatuloy papasok sa lumang bahay.

Nasilayan nila ang loob nito, "Ewan ko nga kung bakit dito naisipan ni James," aniya. "Parang horror house amp."

Napatingin na lang si Beatrice kay Rick dahil sa sinabi nito. "Siguro memorable 'to sa kan'ya."

Animo'y pinagbabahayan na ito ng multo sa sobrang luma at marami ng mga insekto ang gumagala sa paligid nito. Ang kagandahan nito'y hindi maamoy ang lugar at matibay pa ang konkreto nito. Animo'y isang simbahan na nakatayo pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Pumasok sila sa isang silid habang tinitingnan nila ng bahagya at may isang mesang nakalagay sa gitna. Sa gitna ng mesa ay may kandilang nakatayo habang may dalawang upuan lamang ang meron dito. Parang kalkulado na ang lahat at walang naiwan sa plano. Isang perpektong date na pinapangarap ng kababaihan.

Dahil sa nakita ay bigla na lamang namula ang pisngi ng dalaga ngunit hindi ito pinahalata sa kasama. Sa totoo lamang ay gusto talaga ni Beatrice si James ngunit nahihiya itong sabihin ang gustong nararamdaman sa lalaki. Lalo't masama ang turing sa mga mata ng paaralan sa binata. Mahirap ng malaman ng iba na may relasyon siya dito dahil baka mapasama siya sa kalookohan ng kaibigan nito.

Kahit na gano'n ay lubos pa rin siyang natutuwa. Kung ginagamit siya ni James sa gustong mangyari nito lalong-lalo na ang pagiging pekeng girlfriend nito sa kaniya. Mas okay na 'yon kaysa hindi makasama si James. Atleast ay may plan B siya kung mabubuko man sila.

ShortcutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon