Chapter 4

12 0 0
                                    


Chapter 4

Yuri's POV

Kagigising ko lang, at biglang tumawag sa cellphone ko si Jeffrey. Inakit nila akong magsimba. Tagal ko na rin kasing hindi nakakasimba.

Bumaba na agad ako para maligo dahil baka wala na kaming maupuan.

Naasar na lang akong bigla ng sabihin ni Mama na walang tubig. Paano ako liligo? tsk!

🤦‍♀️

"Mama! paano ako liligo? kailangan ko na agad ng tubig dahil baka wala na kaming maupuan sa simbahan." sigaw ko.

Nasa baba kasi si Mama kaya batid kong hindi nya akong maririnig kaya sumigaw ako.

"Mag-igib ka!"

Myghod? magiigib ako? what a weird thing.

Sensitibo  pa naman ako kapag may mga nakakadiri na lang tulad ng magjowang naglalandian.

Di bale. Kalapit lang naman ng liguan yung poso.

Mabilisan kong kinuha ang mga gamit ko para sa pampaligo. Inabot ako ng 20 minuto bago mapuno ang planggana. Agad naman akong nagbuhos at agad rin na natapos.

Nagsuot ng pansimbang damit at saka umalis at nagpunta kila Kim.

Kim's POV

Nariyan na ata si Yuri. Agad naming niligpit ang mga papel na doon kami nagplano.

"Bilisan mo! nandiyan na ata si Yuri." pagmamadali kong sinabi kay Jeffrey.

"Wait lang! jusko naman baks. Nagmamadali na nga ako."

Napakraming papel ang nakakalat sa aking kwarto paano namin maliligpit yun ng mabilisan.

Yuri's POV

Nag-door bell na ako sa bahay nila Kim, nagulat na lamang ako ng biglang may dumating na kotse at mukhang driver ata ito nila Kim. May hawak siyang dalawang book. Wattpad book

"Hala sana akin na lang yan. Sana all :(" wala sa reaksyon kong sinabi.

Agad itong dumaan sa dirty kitchen nila at tinawag si Kim.

"Kim! ito na po pinapautos nyo sa akin." anito.

"Sige po wait lang." aniya.

Nagintay ako ng matagal sa pintuan nila. Grabe ha ilang oras na ba ako nakatayo dito? bakit ang tagal nyong lumabas.

Napasandal na lang ako sa gate nila at gulat na lang ako ng biglang buksan niya ito, napahiga ako sa sahig at di niya maiwasang tumawa.

"Oh! HAHAHAHA, wag ka kasing sumandal dyan jusko. HAHAHAHA." pagpapatawa nito.

"Anong nakakatawa doon? Tsk! tara na nga sa inyo. Sumakit likod ko eh." wala sa sarili kong sinabi.

Ikaw kaya yung napahiga ka sa sahig, ewan ko lang kung hindi ka mababad trip saka hindi man lang ako tinulungan. Tsk.

"Oh eto! para sayo." gulat sa akin ni Jeffrey.

"Myghash! ano ito? Wattpad book?" nananabik kong tanong.

"Obvious ba?" ani Kim.

"Tsk! Nakita ko na yan kanina dala nung driver mo ata. Sana all pa naman ako ng sana all, sa akin pala yun." wala sa sarili kong sinabi.

"Omayghash! Sobrang thank you, dagdag na naman ito sa collection ko." aniko at masaya silang niyakap.

"Hehe, welcome."

"Hindi ko pa naman birthday ah? pero? di bale na. I love you. Thank you, thank you, thank you talaga." ulit ulit kong pagsasalamat.

"Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa simbahan." sabay singit ni Jeffrey.

"Mamaya ililibre ko kayo. Saan nyo gusto? Greenwich? KFC? Any request? Any suggestion? libre ko kayo. hehe." di maitago kong ngiti.

"Sobrang happy ka na agad niyan ano. Hehe, ok lang na kahit saan." si Kim.

"Siyempre thank you ulit."

^_^

Ganoon na lamang ang pananabik ko dahil sa libro hindi lang isa kung hindi dalawa. Napaka suwerte ko sa mga kaibigan ko dahil kahit na minsan ay nagiging masungit ako sa kanila ay hindi nila ako nagagawang iwanan.

Naglalakad na kami papunta sa simbahan at saktong magsisimula na, buti na lamang at maraming upuan pa.

Tabi-tabi kaming magkakaibigan at masasaya ko silang nginingitian.

"Why? may dumi ba baks?" nakakunot na tanong ni Jeffrey.

"Wala naman baks, masaya lang ako hehe."

Masaya na lang ang araw ko dahil sa dalawang libro.🤣❤

Maya-maya na lamang ay homiliya na ni father.

Father's POV

Nagaalinlangan ba kayo? dahil wala kayong mga jowa o kasamang maglakad, mamasyal kasama ang boyfriend/girlfriend.
Wag na wag kayong maiinggit sa ibang may mga jowa o kasamahan, katipan dahil mayroong nakalaan ang Diyos para sa inyo. May nilaan siyang tamang tao na para sa inyo. Kayo ay pagtatagpuin at pagsasamahin. Dahil ang Diyos na mismo ang hahanap ng para sa inyo. Hindi niya iyon ibibigay sa inyo kung hindi para sa inyo. May iisang tao ang nakalaan para sa inyo, magbibigay ng mga bulaklak, tsokolate at iba pa. Hindi kayo ang pipili ng mamahalin nyo kung hindi ang love ang pipili sa inyo. Balang araw magkakaroon din ng magmamahal sa inyo. Ituturing prinsesa/prinsipe ang buhay niyo. Pero bago kayo magmahal ng iba. Make sure na mahalin nyo ang unang nagmahal sa atin. Yun ay si GOD. Teka, may nakakarelate ba? hehe.

Jeffrey's POV

Grabe naman makahugot si father. Father may pinaghuhugutan ka? Tsk nakakaiyak eh.

Nagulat na lamang ako ng biglang sumandal sa balikat ko si Yuri, umiiyak siya.

"Huy Yuri. Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Grabe naman si Father, tagos na tagos sa akin." aniya.

"Bakit baks, tagos ka?" pagpapatawa ko.

"Hi-hindi naman eh! parang tanga naman si Jef-frey ay." anito habang sinisinghot ang mga sipon.

"Sana nga mayroong tao ang nakalaan para sa akin. Grabe napaiyak ako doon." iiyak-iyak nitong sinabi.

"Tahan na baks! jusko, iiyak na rin ako. May pinaghuhugutan ata si Father." pagcocomfort ko kay Yuri.

"Jusko naman Yuri, akala ko kung napaano ka na." ani Kim.

"Grabe kasi si Father." ani Yuri.

Natapos na lang ang simba namin na umiiyak si Yuri. Jusko, para naman may naghati ng onion dito.

-

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon