Chapter 3

11 0 0
                                    


Chapter 3

Kim's POV

Saglit kong ni-message si Yuri, ang tagal ko na kasi syang namimiss.

"What's up men." una kong pagbati. Batid kong sa mga oras na yun ay abala sya. "Nakakabwisit eh!" sabi na at naabala ko na siya. "Sorry naman, naabala kita." pagpapaumanhin ko.

Nag-iba na ang ugali ni Yuri. Napakasweet noon dati eh. Batid ko kasing single siya. Bitter keme keme. Bitter din naman ako pero di tulad nya.

BFF ko siya, mula kinder hanggang senior highschool kaklase ko na siya. Kaya kilalang-kilala ko na ito.

May mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan. Pero agad naman naming naaayos.

Ding! Dong!

Mukhang nandito na si Jeffrey, may balak kasi kaming gawin kay Yuri.

Bumaba na agad ako sa hagdan at binuksan ang pintuan.

"Musta Pards!" unang pagbati ko.

"Ayan na naman, Bakit pards? ayoko na nga na tinatawag ako na pards. Baks dapat." sarkastikong tono nya.

"Sorry na." pagpapaumanhin ko.

"Sige na! Magplano na tayo para kay Yuri." si Jeffrey.

"Sige, sige." yaya ko sa kanya.

Napagkasunduan namin na gumawa kami ng cake na may nakalagay na "Magkakajowa ka rin." Saka bibili rin kami ng dalawang wattpad book.

Medyo ma-attitude kasi yang si Yuri, masungit, mainitin ang ulo. Higit sa lahat Bitter.

Ewan ko ba doon kung bakit ang bitter-bitter nya pagdating sa love life. Tapos kapag nakahanap na siya, saka naman yun magtitino. Hayst.

Jeffrey's POV

Gusto naming supresahin si Yuri, alam naman namin masyadong bitter yun. Para naman minsan maging masaya pagkabitter nun.

Tapos kapag nahanap na nya yung lalaking para sa kaniya saka mawawala ang ma-attitude niyang ugali.

Hindi nga lang namin nasama pa ang dalawa naming kaibigan na si Lee at Yang-ji. Busy yung dalawang yun eh.

Maya-maya na lamang ay tumawag si Yang-ji sa akin.

"Hey! Musta ka naman baks?" pangungumusta sa akin. "Hayst salamat, baks na rin ang tinawag mo sa akin. Tsk" bulong ko sa sarili ko. "Nagawa nyo na ba yung plano para kay Yuri?" tanong nya. "Oo naman, pero nandito pa rin ako sa bahay ni Kim." aniko. "Ahh sige, sige. Bye na. Miss you♡♡" pagpapaalam nito. Di na ako nakasagot pa dahil binaba na niya agad ang tawag ko.

Sakto naman at linggo ngayon, sisimba kami ni Kim. Shookt, baka ma-issuehan. Ok lang yun. Tropa lang naman.

Sembreak namin ngayong isang linggo, at bukas na ulit ang pasok namin.

Miss ko na sila lalo na si Yang-ji at Lee, tagal na kasing hindi ko sila nakikita.

"Kim tara na, simba na tayo."

"Simba lang baks, walang tayo." pagpapatawa nito.

"Oo na lang bakla. Katawa yun?" sarkastikong tono ko.

"Syempre charot lang hehe."

"Tsk!"

Gusto naming akitin si Yuri, para naman ay magkasama-sama ulit kami. Agad ko itong tinawagan, sinagot agad niya ito.

"Oh-bakit?" tanong nito, bakas sa kanyang tono na bagong gising ito.

"Naistorbo ka ba namin?" si Kim.

"Hindi naman." sagot nito.

"Mukhang hindi ka na bad trip ah?" pagpapatawa ko.

"So ano gusto mo? ma bad trip ako?" sarkastiko na anito.

"Wag mo na nga bwisitin." ani Kim.

"Ano ba kailangan nyo sa'kin? tsk kagigising ko lang." nakasimangot nitong sinabi.

"Sisimba kami. Sama ka?" pangaakit ko.

"Pwede naman, teka. Saan ba hintayan?" tanong nito.

"Dito na lang sa bahay namin." sabay sabi ni Kim.

"Sige sige, ligo lang ako bye." pagpapaalam nito.

Pagkatapos i-end call ay nagyakapan kami ni Kim. Successful!

Yes! successful!  "Ops, weird." nahihiyang aniko.

"Sorry." sabay naming sambit.

"Oof! bakla ako, bakla ako. hindi ako puwedeng magkagusto sa kanya." bulong ko.

"Paanong naging successful?" naguguluhang tanong ni Kim.

"Ewan ko. HAHAHAHA." natatawa kong sinabi.

"Paano nga ba naging successful?" sunod kong sinabi na agad kaming natawa.

"Bumili na kaya tayo ng libro para sa kanya." suhestyon ko na agad naman itong sumangayon.

"Sige, sige.. Uutusan ko si Manong Driver." aniya.

"Saka na lang natin bilhan siya ng cake. Kapag birthday na niya. hehe, wala tayong budget ngayon HAHAHAH." sunod na sabi nya.

"Sige sige."sagot ko.

Buti na lamang at nandito ang driver nila Kim. Makakabili kami ng Wattpad book para sa kanya.

-

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon