Chapter 5

6 0 0
                                    


Chapter 5

Yuri's POV

Hindi ko akalain na pati pari humuhugot na. Hindi ko tuloy napigilan ang maging emosyonal.

Sana nga mayroong tao ang nakalaan para sa akin. May taong magpapasaya sa akin. Sana.

"Itatakda rin ako sa lalaking para sa akin."

Pero sa ngayon bitter muna tayo hehe.

"Hoy ayos ka lang kanina baks?" nagaalalang tanong ni Jeffrey.

"Oo naman baks, naging emosyonal lang ako. Tara na nga kain na tayo. Saan nyo ba gusto?" pagaakit ko sa kanila.

"Kahit saan." suhestyon ni Kim.

"Wtf Kim? May restaurant ba na ang pangalan ay kahit saan?" pagtataray ko.

"Hayaan mo, pag nagtrabaho na ako, papatayo na ako ng kahit saan, kahit ano, ikaw bahala na restaurant." pagtataray ko pa.

"Siguro namab ay madali tayong makapunta doon." pambabara ko.

Nanahimik ang kaibigan ko sa mga sinabi ko.

"Charot lang Kim. Ikaw naman, ma-attitude lang ako." aniko at sabay na niyakap si Kim.

Kita ko sa mga mata nya na napahiya siya, mukhang iiyak pa ata. Maya-maya na lang ay tumulo ang kanyang mga luha.

"Huy charot lang Kim." aniko at pinahid ang mga luha niya.

"I-ikaw ka-ka-kase." utal-utal nitong sinabi.

Sa aming magtrotropa siya talaga ang pinakamabait at maalaga pero maiyakin siya kapag nabara.

"Sorry na! tara na nga. Sa Greenwich na lang tayo." sambit ko at inakbayan ko na agad siya.

"Hay nako baks! jusko po." nang-iinsultong ani sa sa akin ni Jeffrey.

Umerap na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad papunta sa Greenwich ay naisipan namin na mag selfie. Nanguna rito si Jeffrey.

"Mga baks, selfie tayo. post ko sa instagram. Dali dali. #ka-baks." nakanguso nitong sambit.

"Eto na naman si Baks." wala sa sarili kong sinabi.

Hindi ko talaga hilig ang mag selfie kahit na may iphone 10 max ako ay hindi ko magawang kibuin ito. Minsan lang ako mag cellphone dahil focus na focus ako sa pagaaral.

"Halika na baks." pagaakit ni Jeffrey.

"Sige na nga, hayst."

Naglalakad kami papunta sa  Greenwich ng may madapang bulag na matanda sa harapan namin. Agad ko itong nilapitan at itinayo.

"Ok lang po kayo? Kaya nyo po ba?" sunod-sunod kong tanong.

"Oo ok lang ako. Salamat iha."

Tinayo ko na ang matanda at bigla kaming nalingat, napatingin kami ng kaibigan ko sa mga dumadaan. Laking gulat na lang namin ng mawala na lang ito ng biglaan.

Miracle?

Bilis naman mawala ni Lolo. Baka may kasama siya.

-

Narito na kami sa Greenwich at nag order ako. Alam ko na naman ang mga paborito nila kapag nasa Greenwich kami. Iba't ibang taste kami pag dating sa pagkain.

Nagsimula akong pumila sa pinaka dulo. Napakahaba ng pila hayst.

Bigla ko na lang naalala ang lolong tinulungan ko kanina. Bakit kaya umalis siya bigla? Saka ang bilis niyang maglaho, curios na curios ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina.

Di ko na namalayan pa na tinatanong na pala ako ng kahera.

"Mam? mam? mam?" ulit ulit na tanong.

"Ops, sorry lutang lang ako."

-

Kim's POV

Nagulat na lang ako sa nangyari kanina. Ang bilis maglaho nong lolo.

Baka magic yun.

"Sa tingin mo Jeffrey. Anomg nangyari kay lolo?" tanong ko.

"Baka magic yun." sagot nito.

"Myghad yan nga din nasa isip ko." aniko.

"Malay ko bang parehas tayo ng isasagot." sarkastikong tono nito.

"Bahala ka dyan." tumalikod na lang ako at hinintay na matapos na ang pag order ni Yuri.

Maya-maya ay bumalik na si Yuri kasama ang tray ng juices.

Pinagusapan namin ang nangyari kanina sa matanda. Curios pa rin ako sa nangyari kanina. Ako ang nagsimula ng usapan.

"Nakita nyo naman diba kung paano nawala si Lolo? Miracle ba or..may kumuha sa kanya." una kong sinabi.

"Nalingat lang tayo tapos nawala na agad siya. Myghad." sunod na sinabi ko.

"Miracle ata." nagtatakang si Yuri.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganoon baks." ani Jeffrey.

"Baka naman may nakakakilala sa kanya tapos tinawag siya biglang umalis. Pero imposible." si Kim.

"Wag na natin problemahin yan. Kumain na tayo. Sakto ayan na ang pagkain natin." aniko.

"Dami naman nito baks." pagrereklamo ni Jeffrey.

"Bakit? ayaw mo ba?" pagtataray ni Yuri.

"Wala, ang dami lang. hehe." sagot ni Jeffrey.

-

Natapos na ang pagkain namin at sabay sabay na umalis. Hinatid ako ni Jeffrey at Kim sa sakayan at sabay naman na umuwi sila Jeffrey at Kim. Malayo kasi ang bahay ko sa kanila. Magkapit bahay lang ang dalawa.

-

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon