Chapter 11

18 1 0
                                    


Chapter 11

Jeremy's POV

Nananatili akong nakaupo dito sa tabi ng puno. Habang nilalanghap ang sariwang hangin.

"Bro." si Benji.

"Bakit bro?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam na may Field Trip tayo?" sabay tapik niya sa akin.

"Aray ko naman. pero hindi man. Bakit?"

"Try mong sumama baka mahanap yang forever mo hahaha." anito.

"Kung papayagan." kibit balikat kong tugon.

"Malay mo nandon si Eurika Ann Enrile." anito kasabay ng paghampas niya sa balikat ko.

"Goodluck bro. Baka siya na ang forever mo." nakangising bulong nito.

Nanatiling nakatitig ang aking mga mata sa kaniya habang pinagmamasdan ko itong umalis.

"Anong katangahan ang sinabi non? tsk." natatawang ani ko.

"Pero why not diba? malay mo na makatabi ko pa siya. Makasama nga." positibong aniko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagtungo na sa aking room.

Di ko pa rin maalis sa isipan ang mga sinambit ni Benji. Tila gusto kong sumama sa field trip. Tsk..

-

Naglalakad ako papunta ng room namin. Iniisip na baka sakali ko siyang makita. What if makita ko ulit siya?

Parating pa lang ako sa room namin ng madatnan ko ang terror teacher ng filipino namin. Nakita kong nakasilip siya sa'kin. Hindi ko kasi alam na time na namin. Wala kasi akong relo ngayon dahil nasira.

Nanatiling nakatingin ang aking mga mata habang naglalakad ako papasok. Aktong may sasabihin ako sa terror teacher namin ngunit agad niya itong pinigilan.

"Ikaw!" turo niya sa'kin. "A-ako po?" tanong ko. "Eh sino pa ba? ikaw lang naman andyan."

"Ma-maam, so-sorry po kung nalate ako sa filipino. Baka hindi ko kasi narinig ang tu--" hindi na niya ako pinatapos at nagsimula siyang sigawan ako. "Ngayon na nagrerecitation kami. Gusto ko na ikaw ang una. Lagi ka na lang late!" sigaw nito. "Ano naman masamang ma-late? nakakamatay ba yun?" bulong ko. "Kasama ko din naman si Benji kanina edi dapat nagrerecitation din siya." pagrereklamo ko.

"Eh ano naman? at least hindi ako late 'bro." anito. "Benji! pumunta ka ngayon sa unahan at sabay kayong mag recitation!"

Alam kong galit sa'kin si Benji. Pero kasama ko naman talaga siya kanina eh.

"Bro, nakakaasar ka ano? napakatino ko na nga doon sa upuan ko. Tapos--"

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad ko siyang tinapik sa braso niya. "Bro, oo alam kong nauna ka sa'kin pero kasama naman kita e. Hayaan mo na."

"Kayo! naguusap na naman kayo. Recite lahat ng nilesson natin. Pamula noong isang linggo hanggang ngayon."

"Shit. ang terror niya talaga." bulong ko. Aktong iimik na ako ng makita ko si Yuri na papuntang taas.

"Ahm. Ang nile--" Napanganga na naman ako sa kaniya at hindi  na nagawang magsalita pa.

"Ang ganda niya talaga." muling bulong ko. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko na kanina pa pala ako sinisigawan ng terror teacher ko.

"Jeremy! ano ang nileksyon natin?!"

"Jeremy!"

"Jeremy!" paulit ulit niyang sigaw.

"Sorry po mam." pagpapaumanhin ko sa kaniya. "Sige! ituloy niyo na bago ko pa kayo ibagsak!"

-

Nanatiling lutang ang aking isipan sa nagawa ko kanina. "May mali ba sa ginawa ko? Wala naman eh." "Nalate lang naman ako tapos pinagrecite na. Shit!"
Lumabas na lang ako ng room namin upang magpahangin at baka sakaling makita ulit si Yuri. Hindi mawala sa isip ko kung pa'no ako ipahiya ng terror teacher ko, siya lang naman ang hate na teacher ko sa lahat. Halos lahat ng magaaral dito ay naiinis rin sa kaniya. Hindi nga namin alam kung bakit nagkakaganto siya. Baka may sira sa utak, baliw. Halos buong araw galit siya. Buti nga sa kaniya at nagaaral pa ako ng filipino subject. Tsk

Nanatiling titig ang aking mga mata sa labas. Minsan na lang ako magpahangin. Nakita kong papalapit sila Yuri pero may kasama ata siyang kaibigan. Pero bakit may lalaki? baka boy best friend niya. Pero hindi close sila. Baka matagal na silang magkaibigan. May katanungan na naman ang ayaw mapakali sa aking utak. Kahit ako ay hindi rin mapakali.

"Bro!" tawag ni Benji sa'kin.

Umagang umaga na naman, may panibagong kalokohan na naman ang gagawin nito. Tsk

"Ano ba? Kita mo bang nagpapahangin ako?" nakangising ani ko.

"Chill bro. Gusto lang kitang yayain mamaya."

"Yayain? para saan?"

"Wala trip ko lang. Masama ba?" aniya.

"Basta libre mo."

"Sige na nga."

"Sige bro, thanks." Dali dali ko siyang tinapik ng mahina sa likuran at umalis.

Pagdating sa pagkain ay hindi ako mapapahindi, pero kahit kumakain ako ng marami ay binabalanse ko ang pagdidiet ko.

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon