Chapter 9

3 0 0
                                    


Chapter 9

Jeremiah's POV

Recess na kami ngayon, kasama ko ngayon ang mga tropa ko.

"Bro, mayroon ka bang nakita na babae, maganda siya. Mukhang mabait ganon." tanong ko sa tropa ko.

"Wala akong kilalang ganon eh." si Benji.

Apat lang kaming magtrotropa at si Benji ang pinakalutang sa aming apat. Tsk.

"Nagets mo ba sinabi ko?" nakaangat kong kilay na sinabi.

"O-oo syempre." sagot nito.

Nagulat na lang ako ng makita ko na ang babaeng iyon.

"Yun! yung sinasabi ko sa inyo!" turo ko sa kanya.

"Ganda a." si Tom.

Si Tom ang Chickboy sa amin. Bawat babae na nakikita niya nagagandahan na lang siya. Tsk.

"Hoy Nadali ka na naman ng pagka-chickboy mo!" sigaw ni Benji.

"Masama bang magandahan? tsk." sagot ni Tom.

Hindi ko na lang sila pinansin sa halip ay umupo kami sa lamesa ng canteen.

"Bro ang ganda niya talaga." aniko.

"Bakit? type mo?" natatawang sambit ni Tom.

"Wala lang. hehe."

Umalis na kami sa canteen at nagpunta ako ng locker ko. Gusto ko kasing malaman ang pangalan nung babaeng 'yon.

"Tom tulungan mo 'ko malaman pangalan nung babaeng tinuro ko sa'yo."

"Kilala ko ata yan eh. Tsk." ani Benji.

"Ay mas mabuti. Sino ba yan?" usisang tanong ko.

"Eurika Ann Enrile. Siya ata yung President ng pinakamatalino. Pero mas kilala siya na Yuri? Hindi ako sure e." anito.

"Salamat bro. Mamaya ay hanapin natin ang locker niya at magiiwan ako ng sulat. Wag na kayong ma-issue."

"Oo bro! tsk."

Yuri's POV

Sandali kaming bumaba at pumunta ng Canteen. Bell na eh.

"Hoy baks! ano oorderin mo?" tanong ni Jeffrey.

"Kahit ano. Tsk." sagot ko.

Mukhang pinilosopo ako ng baklang ito.

"Teh! isa nga pong kahit ano." order ni Jeffrey.

"Wtf? pinilosopo nga ako." bulong ko.

"Hoy gaga! tanga mo naman! spaghetti macaroni na lang saka toast bread." sigaw ko.

Lumingon siya sa'kin. "Sabi mo kahit ano, e wala namang menu dito jusko baks."

"So sinunod mo naman? tsk! daliaan mo na gutom na ako." umerap na lang ako.

"Baks! eto na oh, alam kong pasal ka hahahah." tawang tawang ani Jeffrey.

"Tsk! inaasar mo pa." pagtatanggol ni Kim.

"Tseh! bahala ka dyan Jeffrey di ka nakakatuwa." sarkastikong tono ko.

Dali dali akong kumain dahil gutom na gutom na ako. Alam ko naman na tumataba na ako pero iniipit ko tyan ko hehe.

Nakakapagtaka nga lang kung bakit may tatlong lalaki ang nakatingin sa'min. Nakakalokong tingin.

"Ano bang problema non' tsk?" nakangising bulong ko sa sarili ko.

"Nevermind."

-

"Baks! tara na sa room magre-review pa'ko." mahinahong sigaw ko kay Jeffrey.

"Teka lang! di mo man lang niligpit itong pinagkainan natin. tsk."

"Wala akong interesadong magligpit niyan. Ang mahalaga makapagreview na ako." sagot ko.

"Eto na baks, jusko po."

Maya maya ay nagpunta na kami sa room, gusto ko kasing magreview. Saka ako ang President sa room kaya dapat nirerespeto nila 'ko.

"Guys! please tumahimik kayo! nagrereview yung tao alam nyo ba yun?" sigaw ko sa classmate ko.

"Patuloy pa rin ang ingay nila so ako na lang ang nag adjust. Lumabas ako sa room at dinala ang aking upuan. Sa labas ako nagreview.

"Kaasar, hindi marunong makisama. Tapos rereklamo kapag naka zero. Saka iiyak jusko." bulong ko.

Maya-maya ay dumating na ang lecturer namin.

"Goodmorning everyone." bati nito.

"Goodmorning too mam." bati naming pabalik.

"Bago ako mag-leksyon. May gaganapin tayong field trip sa magagandang tanawin sa iba't ibang lugar."

Tumingin ako kay Kim. At sinabing. "Alam mo na! tabi tayo." nakangiti kong sinabi.

"Siye--" naputol ang sinabi niya ng biglang umimik ang lecturer.

"Bawal magkatabi ang magkakaibigan. May katabi kayong ibang section ang Section Purity." anito.

"Putek! bad trip." bulong ko.

"Kailan po yan?" tanong ng isang kaklase ko.

"Sa sabado na ito." sagot nito.

"What! sabado." pagrereklamo ko.

"Bakit?" tanong nito.

"Wala po."

Siguro naman ay papayagan ako ni Mama dito lagi naman kasi ako sumasama sa field trip. Kaso iba ngayon di ko katabi tropa ko. Sana may bagong bestfriend.

Nanatili akong kalmado kahit alam kong hindi magiging maganda ang field trip ko. Lumulutang ang isip sa taas. Wala akong natutunan ngayon tsk.

-

"Huy! lutang ka!" distorbo ni Yang-ji.

"Ah! ano kamo? ha?"

"Sabi ko lutang ka! Hindi ka na nakikinig sa lecturer natin." anito.

"Di ko kasi kayo makakatabi tsk."

"Ok lang 'yon."

-

Natapos na ang aming subject at pauwi na ako sa'min.

Hinanda ko na ang aking sasakyan. Pero bago ako pumunta sa parking area ay dumaan muna ako sa locker ko. Kukunin ko kasi ang notebook ko.

Nagulat na lang ako ng may nakalagay na letter 'don.

"Hi there beautipul lady."

Napangiti ako sa ginawa niya. Kaso mali ang spelling. "sino kaya ito?"

Nilagay ko ang kaniyang letter sa aking bag at nagtungo na sa parking area.



Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon