Prologue

5K 142 9
                                    

Luna's POV

Tahimik lang kaming kumakain ni Jacob, boyfriend ko na bakla..

"Hindi ka ba magsasalita Gurl? Nakaka bingi yung katahimikan! Mayghod! Nakakaloka!" maarte niya'ng sabi.

"Ano naman ita-topic na'tin? Mga lalaki?" sabi ko at umirap.

"Ano ba naman 'to siya... Alam mo naman hilig ko ang mga lalaki eh!" sabi niya kaya naman pumunta lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi niya.

Marahas akong tumayo at tiningnan siya!

"Kong hilig mo pala ang mga lalaki ba't mo pa ako niligawan?! Huh?! Alam mo Jacob nakakasakit kana.. Ang mga pag-iyak ko dahil 'yun sayo! Ang sakit lang kasi isipin na hindi ako ang makakapagbago sayo eh!!" sigaw ko sakaniya tumulo na ang luha ko.

"Mag-aaway nanaman ba tayo dahil dito Luna?! Bakit hindi mo kayang intindihin na bakla ako! Niligawan kita dahil akala ko na ikaw na ang makakapagbago saakin at Oo! Nagkamali ako sa babaeng napali!" gusto kong lumuhod at umiyak ng umiyak pero ayaw kong ipakita sakaniya na mahina ako.. Na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya..

"Maghiwalay na tayo.." hinugot ko lahat ng lakas ko para lang masabi lang 'yun.

"Aalis na ako.." sabi niya at kinuha ang jacket niya at umalis na.

Duon na ako napaluhod at umiyak.. Kahit alam ko noon na lalaki ang gusto ay minahal ko parin siya dahil akala ko ako ang makakapagbago sakaniya pero nagkamali kaming dalawa.. Haha.. Always naman akong nagkakamali, wala na akong tamang nagawa sa buhay..

••••••••

Tiningnan ko lang sila sa malayo.. Gusto kong umiyak ng maalala ko ang tai...sana ganyan din kami dati.

May kasama si Jacob at babae... Babe pa ang tawagan nila pero kapag ako ang tamuwag ng Babe sakaniya noon nag-iinarte pa siya pero sa babaeng 'to.. Nabago na siya ng babaeng ito dahil lalaki na talaga kong gumalaw..

I think he found the right one...

Dali-dali akong umalis duon at hinay-hinay ding tumulo ang luha ko kaya naman pinunasan ko ito pero hindi ko inaasahan na may makakabangga ako.

Natumba ako, para nading nanghina ang dalawa kong paa kaya humagulgol nalang ako.

"Myghod Girl?! Masakit ba?! Bakit ka ganyan maka-iyak?!" kinakabahan niyang sabi.

'Bakla... '

Hindi ko nakita ang mukha niya.. Pero alam kong bakla siya.

Maya't maya pa ay pumatak na ang ulan at nandito parin ako umiiyak at nandito parin din siya.

"Girl! Umuulan na! Tumayo ka nga diyan!" sigaw niya pero mas umiyak pa ako.

Para akong batang nawalan ng parents dito sa daan.

"Pabayan mo na ako dito!!" sigaw ko sakaniya.

Hindi siya umalis kundi tiningnan niya lang ako kahit basa na basa na siya.

Bigla akong nahilo at sumakit ang ulo at unti unting lumabo ang paningin ko hanggang wala na akong makita.



Pagmulat ko sa mata ko ay ginala ko ang paningin ko sa kwarto dahil hindi naman ito ang kwarto ko!

Malaki ang kwarto na kulay puti lang lahat ang mamakita mo, may T.V at speaker din. Malaki ang kwarto.

"Gising ka na pala?" nagulat ako ng may biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Sino ka?!"

"Hindi pa pala ako nagpapakilala.. Hi! I'm Nathan Ace Santiago and you are?" nakangiti niyang sabi.

"Luna Layne Lizardo..."

"Ay wow! Bungga puros L!!" Bakla niya'ng sabi.

'Bakla nga... '

Ang Boyfriend Kong Bakla (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon