LUNA'S POV
Bigla akong kinabahan! Baka kasi hindi ako matanggap ng mama niya dahil mahirap lang ako! Tapos hindi pa ako kasing puti nila! At lalong hindi kasing ganda nila! Huhuhu!
"Ang ganda ng napili mo Nathan! Omoo!! Ang bait niya pa dahil ipinagtanggol ka na niya!" biglang tili ng mama niya kaya naman nagulat.
"A-ahahaha Oo nga po mommy eh.. Tapos maganda pa siya.. Diba Chichi??" tanong niya sa batang babae na nasa gilid ng mommy ni Nathan.
Hindi siya sinagot ni Nathan at naglaro lang sa teddy bear niya.
"Ikwento mo nga saakin ija kong paano kayo nagkakilala nitong anak ko" tanong ng mommy ni Nathan.
"Honey, diba nakwento na ng papa mo?" sabi naman ng asawa niya.
"Ehhh honey! Gusto ko lang marinig ulit" sabi ng mommy ni Nathan at nag-pout pa ito.
"E-eh mommy, magpapahinga na po si Layne dahil pagod na po siya sa biyahe" sabi naman ni Nathan kaya naman nakahinga ako ng maluwang.
Hindi na kasi ako kumportable sa sinasabi at tinatanong ng mommy niya. Hindi naman sa hindi ko gusto ang mommy niya, i mean mabait naman ito at childish at the same time.
Hindi lang talaga ako kumportable sa mga tinatanong ng mommy niya. At mukhang hindi ako gusto ng kapatid niya.
"Ah ganon ba? Sige ija.. Magkita nalang tayo bukas" sabi ng mommy niya kaya tumango lang ako at pumunta na sa kwarto ko, sumunod nadin si Nathan.
Nang makahiga ako sa higaan ay agad ko siyang tinanong.
"Bakla, anong pangalan ng kapatid mo?" tanong ko.
"Nicole Chichi Santiago. Bakit mo natanong bakla?" tanong niya pabalik at humiga din sa tabi ko.
"Eh kasi yots parang hindi ata ako gusto ng kapatid mo" seryoso kong sabi sakaniya.
"Feeling mo lang 'yun bakla! Magbihis ka na at matulog gabing gabi na oh" sabi niya at sinunod ko naman siya.
Habang nagbibihis ako sa cr ay hindi ko na siya narinig kaya sinilip ko siya at nakita ko namang natutulog na siya.
Tapos narin naman akong magbihis ay agad ko naman siyang binihisan. Inalis ko ang tuxedo niya at nakasando nalang siya, inalis ko rin ang pambaba niya at natira lang ang boxer niya agad naman akong pumikit ng makita ko ang ano niya!
Pinasuot ko sakaniya ang Avengers niya na pajama at nakasando lang siya sa pangtaas niya para maging kumportable siya.
Tiningnan ko siya ng maigi. Mukha talaga siyang hindi bakla. Mukhang nagpapanggap lang siya na bakla siya para maging close kami, or di kaya may gusto siya saakin?!
Bakit ko ba iniisip yun?! Lahat ang iniisip ko ay kabaliktaran! Nagpapanggap siyang lalaki! Close nga kami pero as a friend lang naman!
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto ko na lalaki nalang si Nathan.. Bakit parang naiinis ako sa sarili ko? Hindi ko naman mapaliwanag kong bakit?
"Bakla.. Sabi ko naman sayo wa'g mo'kong titigan, naiilang ako" sabi niya kaya agad naman akong humiga dahil sa gulat!
"Huh?! Hindi kita tinitigan ah!" pagpapalusot ko.
"Ok" sagot niya at natulog ulit.
Bumuntong-hininga nalang ako at tumagilid, pinilit kong matulog pero hindi ako makatulog.
NATHAN'S POV
Naramdaman kong binibihisan ako ni Layne pero hindi ko minulat ang mata ko.
Bakla ako. Pero hinahayaan ko ang isang babae na gawin saakin 'to.
Bakla ako. Pero kinikilig ako kapag kasama ko siya.
Bakla ako. Pero bakit parang ayaw ko mawala sa paningin ko ang babaeng 'to? Parang gusto nasa tabi ko lang siya parati.
Hindi ko na naramdaman na binibihisan niya ako kundi naramdaman kong may nakatitig saakin.
"Bakla.. Sabi ko naman sayo wa'g mo'kong titigan, naiilang ako" sabi ko pero nakapikit parin ang mata ko.
Naramdaman ko namang dali dali siyang humiga sa gilid.
"Huh?! Hindi kita tinitigan ah!" palusot niya naman at dahil pagod na pagod na ako ay hindi ko na siya pinansin.
"Ok" maikli kong sagot sakaniya at natulog na.
Pero ba't parang nawala ang antok ko ng hindi na siya nagsalit. Tiningnan ko siya pero mukhang natutulog na siya, kaya pinilit ko nalang matulog ulit.
*TOT TOT TOT TOT TO--*
agad kong pinatay ang alarm clock at tumayo, tiningnan ko ang gilid ko kong nandon ba si Layne pero wala siya.
Agad akong bumaba dahil baka nandon siya at nakita ko nga siya sa kitchen at nakita kong nahihirapan.
"Shokla! Ba't mo sinunog ang hatdog?! Myghod bakla! Hindi ka na sana nagluto kong di ka din pala marunong!" sigaw ko ng makita ang hotdog na nasusonog.
"Eh nagugutom na ako eh.. Tapos naalala kita kaya nagluto pa ako.." paliwanag niya, bumuntong hininga naman ako.
"Umupo ka nalang dun at ako na ang magluluto" sabi ko at sumunod naman siya saakin.
Nagluto ako ng bacon, hotdog, at itlog at agad naman itong binigay sakaniya.
"Oh ito bakla, kumain ka na! Jusko naman! Ang sayang ng mga hotdog na sinunog mo! Shoonga ka talaga kahit kailan!" sabi ko sakaniya at tumawa at natawa din naman siya.
"Sorry no! Gotom no gotom no koso oko eoh" sabi niya habang may laman ang bunganga niya.
Kahit kailan talaga ang loka loka ng babaeng 'to! Pato kong mabilaukan siya?!
"Don't talk when your mouth is full! Baka mabilaukan ka't mahospital! Ako pa magbabayad ng bills mo" sabi ko at tumawa naman siya.
"Eoh gotom oko eoh" sabi niya nanaman na puno ang bunganga.
"Oo na! Gotom ko no! Kay wa'g ka ng magsalita at kumain na diya! Para kang timang" sabi ko at kumain na'rin.
Ngumiti lang siya saakin at kumain lang kami. Wala din kasi'ng tao dahil lahat ng maid ay natutulog pa. Usually kasi seven gumigising ang mga yaya at 5:56 pa ng umaga.
Tiningnan ko siya habang sumusubo. Grabe! Ang bilis niya namang kumain?! Pero bakita ang slim niya parin?! Hindi naman siya kaputian pero ang ganda niya! Siguro maraming nanliligaw sakaniya?
Bigla akong nalungkot sa inisip ko, pakealam ko bang may manliligaw siya?! Bakla ako! Kaya dapat lalaki din ang gusto ko at hindi babae! Lalaki! Lalaki! Lalaki!
Huhuhu! Ano ba kasing nangyayari saakin? >_<
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla (Complete)
RomanceNainlove siya sa isang bakla na hindi niya naman nabago? Kaso trip niya talaga bakla eh kaya nakabingwit nanaman ng hot na bakla.